Ikadalawampu't Walong Kabanata

395 19 0
                                    

"Oh, ayan na 'yung bus!" sigaw sa amin ni Carl kaya napatayo kami ni Gelo sa upuan kung saan naghihintay ang mga pasaherong katulad namin.

Gaya ng plano ay pinauna naming papasukin si Carl sa bus para i-reserve niya kami ng mauupuan. Pagpanhik ni Carl sa bus ay yumuko ako para kunin sana 'yung bagahe kong nakalapag sa sahig ngunit may ibang kamay ang naunang kumuha nito.

"Ako na ang magbubuhat nito," sabi ni Gelo sabay kindat.

"Huwag na! Kaya ko naman 'yan, eh. Isa pa ang dami mo nang dala," pagpipigil ko sa kanya.

Tinanggal ni Gelo 'yung pagkakahawak ko sa bag ko at saka siya nagsalita.

"Ako na, okay?" utos niya.

Hindi na niya ako hinintay pang sumagot at sumampa na agad siya paakyat sa bus. Agad din naman akong sumunod sa kanilang dalawa paakyat.

Sa tatluhang upuan sa loob kami nagdesisyong pumwesto, sa panlimang hilera mula sa likod. Ako ang nakaupo malapit sa bintana, sa gitna si Gelo tapos sa kabilang dulo ay si Carl. Ilang minuto din kaming natengga dito sa loob bago napuno ang bus at saka ito tuluyang umandar.

Natengga? Parang similar siya sa word na naghintay. Pasensiya na kayo, ha? Nahahawa lang talaga ako sa mga salitang pinapauso nitong dalawang unggoy na katabi ko. Hehehe!

Ilang minuto na lang bago mag-alas dose kaya naman sobrang tirik na tirik na ang araw. Medyo tagaktak na rin ang pawis ko dahil hindi air-conditioned itong bus na sinakyan namin kasi nahihilo daw si Gelo samantalang nagsusuka naman daw itong si Carl sa aircon bus kaya ordinary lang itong sinakyan namin. Eh ano namang mayroon sa air-conditoned bus para mahilo at magsuka sila? Psh!

At ngayon ay alam ninyo na kung bakit ang tahimik nilang dalawa sa loob nitong bus. Kasi pareho silang nagche-chewing gum para pawiin ang hilo kahit papaano. Haaay! Ang weird talaga nilang magpinsan.

"Ano? Kaya pa?" tanong ko kay Gelo.

Hindi siya sumagot at tumitig lang siya sa akin. Plain man ang hitsura ng mukha niya ay hindi iyon naging hadlang para hindi ko malaman kung ba ang tunay niyang nararamdaman. Kaya naman ipinatong ko ang ulo niya sa balikat ko para i-comfort siya.

"Kaya mo 'yan! Malakas ka naman, eh. Kung ako ngang weak, nagawa kong magtiis at magpakatanga ng two years sa pag-ibig, ikaw ay alam kong kakayanin mong magtiis sa pitong oras na biyahe," sabi ko habang hinihimas-himas ang buhok niya.

Ewan ko ba pero feeling ko, sinadya ni Gelo na hindi bumili at uminom ng gamot sa hilo para asikasuhin ko siya ngayon. Hindi ako sigurado kung sinadya niya iyon pero, hindi ba? Kung alam mong bibiyahe ka at mahiluhin ka ay iinom ka ng gamot para hindi hassle. Psh! Feeling ko talaga paraan lang ito ni Gelo para makuha ang atensyon ko at lambingin ko siya. Pero hindi naman na niya kailangang gawin pa ang mga ito, eh. Lalambingin ko naman talaga siya dahil mahal ko na siya.

Noong nagkasakit si Gelo, doon ko naramdamang mahal ko na pala siya. Well, noong una ay in denial pa ako kasi parang hindi pa ako sigurado at feeling ko nabigla lang ako dahil nga noon ay naniniwala akong si Ethan lang ang lalaking mamahalin ko. Pero hindi ko na napigilan pa ang sarili ko dahil hindi ko magawang mapalagay kasi walang Gelo ang nasa paligid ko, walang Gelo ang nangungulit sa akin at walang Gelo ang nag-aalaga sa akin. Gusto kong labanan ang sarili ko pero hindi ko rin nagawa. Kung ang half part ng puso ko nagsasabing ay "Hoy! May Ethan ka na, siya lang ang mahal mo at wala nang iba!", ngunit ang isinisigaw ng kalahating parte ng puso ko ay "Hoy! Si Gelo, mahal na mahal ka at tanggapin mo nang mahal mo na rin siya!"

Sobrang tagal kong nag-isip kung sino ba talaga. Si Gelo ba, o si Ethan? Kay Ethan puro physical attractions habang kay Gelo naman namamayagpag ang emotional attractions. At alam kong kapag pumili ako ay pihadong may masasaktan. Dito ko naalala ang payo ni Ate Zareah. Kaya gaya ng bilin niya ay pinakinggan ko nang mabuti ang puso ko kung sino ba talaga ang dapat kong mahalin para kahit may masaktan, alam kong wala akong pagsisisihan sa huli.

Angel of MineWhere stories live. Discover now