Ikadalawampu't Apat na Kapanata

347 18 4
                                    

"Bebe girl, nandito na po si sir Gelo!" sabi ni Ate Len pagpasok niya ng kwarto ko.

"Okay!" sabi ko tapos sabay na kaming bumaba ni Ate Len papuntang sala.

Pinapunta ko kasi si Gelo dito sa bahay dahil sobrang bored na ako. Maghapon na akong nagtu-Tumblr kaya naman nagsawa na ako nang husto. Si Joyce naman hindi ko matawagan kaya pinapunta ko na lang si Gelo dito sa bahay para hindi ako maburyo tutal enjoy namang kasama si Gelo. Bakit? Wala lang! Gusto ko lang talagang libangin ang sarili ko. Gusto kong mawala sa isipan ko 'yung pangit na nangyari kahapon.

"Hi!" sabi ni Gelo tapos kumaway siya sa akin.

Hmmn. Something's fishy. May pa-wave-wave pa siyang nalalaman. Ano 'to? Feeling niya nasa Koreanovela siya? Psh!

"Bakit parang ang bait mo yata ngayon?" tanong ko kasi he don't normally wave at me.

"Wala. Kinakabahan lang ako," pag-amin niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Kinakabahan siya? Bakit naman? Eh wala namang nakakakabang bagay dito sa bahay namin, eh. Maliban na lang kung may third eye siya. Ugh.

"Huh? At bakit ka naman kinakabahan?" tanong ko na bahagyang natatawa.

"Wala. Ewan ko ba?" sagot niya.

"Ano ka ba? Just relax! Okay?" sabi ko na lang kaya ngumiti siya.

So ayun, umupo kami sa sofa dito sa sala. Pagkaupo namin ay bigla siyang nagsalita.

"Siya nga pala, bakit mo 'ko pinapupunta dito? May problema ka ba o ano?" concern niyang tanong.

"Wala naman. Gusto ko lang makipag-bonding sa 'yo kasi nabo-bored na ako dito sa bahay, eh!" sagot ko.

"Talaga? O baka naman nami-miss mo lang ako?" sabi niya bigla.

"Wow! At nakuha mo pang magbiro sa kabila ng kaba mo, ha?" pagtataray ko.

"Ito naman, nagtaray agad. Nagpapaalis lang ako ng kaba, eh!" sagot niya.

"Ewan ko sa 'yo!" pagtataray ko pa rin.

Dumating naman si Ate Len na may dalang pagkain at inumin nang sandaling iyon. Pagkalapag niya ng mga iyon sa lamesang nasa harap namin ni Gelo ay umalis na rin siya.

"So what do you want? Do you want to watch movies?" tanong ko.

"Movie? Hmmn... Parang ayaw ko. Kasi sigurado akong 'yung mga pelikulang pinapanood ko ay hindi mo gustong panoorin," sagot niya.

"Bakit naman?" tanong ko pa.

Lumapit siya sa akin at saka bumulong.

"Porn movies lang pinapanood ko!" pabulong na sabi ni Gelo.

"Baliw!" sigaw ko sa kanya sabay tulak palayo sa akin.

Tawa lang siya nang tawa habang nakatingin sa akin tapos ako naman ay diring-diri sa narinig ko. Ewan ko nga kung sa sinabi niya siya natatawa o sa reaksyon ng mukha ko.

"Joke lang 'yon! Action at suspense movies lang talaga mga pinapanood ko. Pinapatawa lang kita!" sabi niya matapos niyang tumawa nang wagas.

"FYI, hindi nakakatawa 'yung sinabi mo," pasaring ko naman.

"Sorry na! Pero sa tingin ko kasi, lalong nakaka-bored manood ng movies, eh."

"So anong gusto mong gagawin natin?" tanong ko.

Hindi siya sumagot sa halip ay tinitigan niya ako nang kakaiba. Tapos ay unti-unti siyang dumikit sa akin.

"Hoy! Lumayo ka nga!" sabi ko sabay hampas ng braso niya.

Angel of MineWhere stories live. Discover now