Ikalabintatlong Kabanata

383 17 0
                                    

Nandito na kami sa harap ng BAR-BQ, isa itong bar na ang mga lamesa ay may ihawan ng barbecue na pampulutan sa gitna. Dito ako nagtungo dahil ayon sa text message na natanggap ko mula kay Derick ay sa lugar na ito raw napiling ipagdiwang ni Joyce ang kanyang kaarawan.

Alam din naming hindi gusto ni Joyce ng magarbong birthday party kaya laging mga piling kaibigan lang ang isinasama niya sa kanyang birthday celebration. At nakasisiguro akong kasama si Ethan sa mga imbitado dahil matagal na rin silang mag-best friend ni Joyce, mas matagal pa kaysa sa akin kaya nakatitiyak akong magiging limatado ang galaw ko dulot ng hindi magandang nangyari sa amin.

At nakatitiyak din akong isasama ni Ethan ang girlfriend niyang impakta ngunit wala akong pakialam. Magsama silang dalawa hangga't gusto nila. Hindi naman sila ang rason ng pagpunta ko rito. Nandito ako para i-surprise ang best friend ko at hindi para maging bitter sa kanila.

Pagkababa ko ng kotse ay agad akong pumasok sa loob ng BAR-BQ. Naglakad-lakad pa ako nang kaunti bago ko nakita ang table kung nasaan sila.

"Happy birthday, Joyce! SURPRISE!" pagbati ko kay Joyce.

Lahat naman silang naroon ay napalingon sa akin. At nang makita ako ni Joyce ay pasigaw siyang lumapit sa akin tapos ay niyakap namin nang sobrang higpit ang isa't isa. Hindi naman halatang sobra naming na-miss ang isa't isa, hindi ba?

"OMG, Angel! Akala ko talaga hindi ka na pupunta. Ginoodtime mo ko roon, ha?" natutuwa at naiiyak na sabi ni Joyce pagkatapos naming magyakapan.

"Puwede ba 'yon? Of course, not! Hindi ko kayang mawala sa special day ng buhay mo," sagot ko sa kanya.

"Aww. Nakakainis ka talaga," sabi pa niya.

"By the way, para sa 'yo ito," wika ko naman habang inaabot ang binili kong regalo para sa kanya.

"Wow! Nag-abala ka pa," saad niya.

Sa puntong iyon ay kinuha niya ang gift mula sa kamay ko at kanya itong binuksan.

"OMG! Bes, thank you! Thank you so much! You'll never know how happy I am right now," tuwang-tuwang sabi ni Joyce matapos makita kung ano ang regalo ko.

"You're always welcome, Bes. I'm so glad that you liked it," sabi ko naman.

"Yes! I really really like it!" pagsang-ayon pa niya.

Matapos ang eksenang iyon ay umupo na kami ni Joyce. Ngunit ilang sandali pa lamang akong nakaupo ay nawala na agad ang ngiting nakaukit sa labi ko. Hindi ko kasi nagustuhan itong puwesto ko. Bilog ang hugis ng lamesa at ganito ang naging arrangement namin: Ako, si Joyce, si Glenn na boyfriend ni Joyce, 'yong dalawang high school best friends ni Joyce, si Lovely na girlfriend ni Derick, si Derick, at si Ethan. Sa madaling salita, katabi ko si Ethan.

Pero sandali, bakit wala yata si Lily? Nakapagtataka na wala ang bruhang iyon na laging nakatabi sa lalaking noon ko pa iniibig. Nag-away kaya sila? Parang wala kasi sa mood ang hitsura ni Ethan. O baka naman ayaw lang sumama ni Lily? Maaaring iyon nga ang dahilan kasi na sa tindi ng arte ni Lily ay nakasisiguro akong ayaw niyang pumunta sa mga ganitong lugar. O baka naman break na sila? Hay. Dapat pala, nagpapa-update pa rin ako kay Joyce noong umuwi ako sa probinsya upang hindi ako nanghuhula nang ganito.

Teka, bakit nga ba inaalala ko ang demonyang iyon? Eh dapat nga ay wala na akong pakialam kasi nga naka-move on na ako, hindi ba? Ano ba itong nangyayari sa akin? Iiinom ko na nga lang itong kagagahan ko. Kainis!

Nagkuwentuhan lang sila nang nagkuwentuhan habang ako naman ay nakikitawa at nakikinig lang sa mga usapan nila. Si Joyce at Derick ay madalas na maging abala sa pakikipag-lambingan sa mga kasintahan nila kaya naman wala tuloy akong makausap.

Angel of MineWhere stories live. Discover now