Chapter 03

6 0 0
                                    

Chapter 03

Isang buwan na ang nakalipas. Isang buwan na puno ng mga oras kung saan palagi nalang akong nag-dadalawang isip sa mga bagay na ginagawa ko.

Para saan ba lahat ng ito?

Yan ang lagi kong itinatanong sa aking sarili para lagi kong maalala na ginagawa ko 'to para kay Papa at kay Mama na pumanaw na, para to sa pangarap ko. Sa mga pangarap ko para saamin.

Kahit na alam kong hindi ko na sila makakasama sa buhay kong 'to ayoko parin silang biguin.

Gusto kong mapanood nila ko mula sa kinaroroonan nila ng nakangiti at proud saakin lalo na kapag natupad ko na lahat ng mga bagay na pinapangarap ko sa buhay. Sa mga pangarap kong kasama sila.

"Hoy Stella unahin mo yang mga damit ko ah! Lalong lalo na 'yung green high waisted dress dyaan' kailangan malinis yan dahil lalabas ako bukas! Kailangan perfect yung outfit ko!" Sigaw ni Britney pagkatapos ilapag lahat ng mga damit na ipinapalaba niya saakin. 

Well i should be used to it. Lagi naman ako ang naglalaba ng mga isinusuot namin. 

Pero hindi ko lang maiwasang mainis sa tuwing nagsisimula na ako sa paglalaba ay doon isisingit ni Britney ang mga damit niya at nag request pa talagang sa kanya yung uunahin. Lagi nalang siyang matapobre at tamad kumilos, ayoko nalang rin siyang pagsabihan dahil alam kong nasa kanya ang huling halakhak dahil tiyak na magsusumbong siya kay tita Bethany. 

At ayoko nang magsimula pa ulit ng away. Kahit siya ang matanda ng isang taon saamin siya 'tong umaakto na bata. Kala niya siguro ay sa palasyo siya nakatira kaya laging nagbubuhay prinsesa dito sa bahay. 

"Hoy! Huwag mo nga kong tignan ng masama diyaan. Gusto mong tusukin ko 'yang mga mata mo eh, just finish your job tutal wala ka namang ginagawa dito." Pahabol niya bago nagsimulang umalis. 

Ipinagpatuloy ko na ang paglalaba kahit yong isip ko ay napupunta sa kung saan saan. Hindi ko parin siya makalimutan. 

Kieran. 

Kailan ko kaya siya makikita ulit? Magkikita pa kaya kami?

Simula noong gabing hinatid niya ako sa bahay ay lagi nalang siyang sumsagi sa isipan ko. I can't seem to forget him. Him and his luxurious car. 

At simula rin noon ay lagi na akong inaasar ng mga kaibigan ko! Nagtanong pa kung ano raw bang ginawa namin. Ang dudumi talaga ng mga isip ng mga 'yon!

Nang matapos nako sa labahan ay kumain na ako ng agahan medyo konti lang ang nakain ko dahil konti lang rin naman ang ulam na natira saakin nila tita, hindi ko nalang 'yon kinuwestyon pa dahil dapat ay sanay nako sa mga ganitong bagay dahil hindi ito first time na nangyari.

Pagkatapos maligpit sa hapag ay umakyat ako sa ikalawang palapag para kumatok sa pinto ng kuwarto ni Britney. "Britney natapos ko na ang mga pinapalaba niyo ni tita puwede bang ikaw muna ang magbantay roon?" Sigaw ko. 

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pintuan at ang mukha niyang nakabusangot ay nakaharap saakin. "Bakit ako pa? Bakit hindi ikaw?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"May lakad kasi ako ngayon pero uuwi naman ako mamayang hapon, hindi ako magpapagabi." 

"What if umulan sinong magsisilong ng mga damit na 'yon?" Mataray niyang usal.

I fought the urge to slap her in the face dahil sa tanong niyang iyon. Mahirap bang magsilong ng damit? 

"Hindi mo ba kaya?" Tanong ko kahit na pinipilit ko nalang na hindi siya sigawan sa mukha dahil nagsisimula na talaga kong mainis sa kanya. Ako na nga ang naglinis, nagluto at naglaba tapos magsisilong lang hindi niya pa magawa?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Getaway Car For Escapades (Dolce Series #2) Where stories live. Discover now