TWIN'S BOND

7 3 0
                                    



__

"Uwa, uwa, uwaaaah,uwaah, uwaah,  uwaah"  umalingaw-ngaw sa buong silid paanakan ang iyak ng dalawang sanggol, hindi mapigilan ng kanilang nanay cora, at tatay fred ang saya at tuwa na nararamdaman nila nang tuluyan na silang masilayan ng mga ito. Sa edad na 35 at 39 ay nagkaroon sila ng anak, at kambal pa ang ibinigay sa kanila na hindi nila akalain.


"Napakaganda ni' yong dalawa, kayo ang pinakamagandang nangyari sa' ming buhay ng tatay fred ni' yo. Nawa'y magsilbing s'werte kayo sa aming buhay." litanya ng kanilang nanay cora.


Sa paglipas nang panahon ay mabilis naglakihan ang kambal na sina Dania at Dian. Lumaki sila na sila ang parating magkasama sa lahat ng oras, sila ang parating magkalaro, magkahati sa lahat ng bagay. Parati din na magkatulad O, mag-kakulay ang kanilang mga damit dahil ito ang gusto ng kanilang nanay cora.


Si Dania ay mahinhin na bata, hindi talaga ito bakikihalubilo sa iba kahit pa may ibang bata silang pwedeng makalaro, Mas gusto nito na si Dian lang ang makasama palagi dahil sanay na siya dito.


Samantalang si Dian ay batang may pagka-pilya, palagi nitong inaasar at pinagti-tripan si Dania. Mas gusto nito ang makipaglaro sa iba dahil naiinis na ito sa kapatid niya dahil pakiramdam niya ay wala siyang sariling buhay dahil sa kapatid niya.


"Dania! Dian! Halika kayo dito! May binili akong bagong mga damit para sa inyo." tawag sa kanila ng kanilang nanay cora.


"Heto isukat ni'yo." ibinigay ng nanay cora nila ang tig-isang dress na kulay asul. Gandang-ganda naman itong tinignan ni Dania at pinuri ang ibinigay na regalo ng kanilang ina.


"Napakaganda po nay, maraming salamat po dito nay," wika ni Dania. Ngumiti naman si Cora kay Dania.


"Dian, hindi mo ba nagustuhan anak?" tanong ni cora sa anak na si Dian.


"Ayos lang po nay, maganda naman po talaga, pero po kasi... Nagsasawa na po ako na palagi nalang kaming magkapareho ni Dania sa lahat," pagmamaktol na wika ni Dian.


"Gano'n talaga kapag kambal Dian, Kasi ayaw ko lang na magka-inggitan kayo sa kung ano ang meron ang isa't isa. Sana maintindihan mo 'yon." wika ng kanilang nanay.


"Pero sige, sa susunod iibahin ko ang kulay ng sa 'yo para hindi kana magtampo ha,"


"Sabi nga ng iba ang kambal daw ay magkakaibang koneksiyon sa isa't isa at hindi ito nawawala kahit pa tumanda sila O, kahit sa kabilang buhay pa."  dagdag pa ng kanikang ina.


Ang kambal ay nagdadalaga na, nahuhubog na ang kanilang mga katawan at magagandang mukha.


Sa edad na 17 ng kambal ay nawalan sila ng ama, pumamaw ang kanilang tatay fred dahil sa katandaan narin at hindi kinaya ang Dehydration. Nagluksa ang buong pamilya sa nangyari at pagkatapos ng burol at libing ng tatay nila ay minabuti nilang lumipat ng ibang lugar na tirahan at doon na manatili ng mahabang panahon.


Pagkalipat nila ng bagong tirahan ay naging masasakitin ang kanilang nanay cora dahil dinidibdib padin nito ang pagkamatay ng kanilang padre de pamilya. At dahil nga sa depresiyon ay nagkasakit 'to dahilan ng panghihina ng katawan at katandaan hindi na kinaya kaya tuluyan 'tong namatay at iniwan ang kambal.

TERROR OF NIGHTMARESWhere stories live. Discover now