UNSERENED SOUL

4 3 0
                                    



Napabalikwas ako ng gising ng magkaroon ako ng masamang panaginip sa asawa ko.


2 months ago namatay ang asawa ko ,Ina ni Elisa. At halos magiisang buwan na akong nagkakaroon ng mga pangit na panaginip na kasama ko ang asawa ko ,duguan at walang buhay.


Pinatay ang asawa ko at binuhusan ng asido ang katawan nito at natagpuan ko nalang na nasa isang basurahan ito ng bahagi ng village na tinitirahan namin.


Bumaba ako mula sa taas dahil nasa 2nd floor ang parehong kwarto namin ni Elisa. Nais ko sanang uminom ng tubig dahil parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko kaya't pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ito.


Binuksan ko ang ref at kinuha ang babasaging pitsel namin ,kumuha ako ng isang clear drinking glass ,at sinalinan ito ng tubig na malamig.


Pagkainom ko ng tubig ay napatitig naman ako sa tubig na laman ng baso ng bigla nalang lumitaw ang imahe ng asawa ko ro'n kaya sa gulat ko ay napaharap ako ng biglaan ngunit pagkaharap ko ay ang anak kong si Elisa ang nasa likuran ko.


Bigla nalang nabalot ang buong katawan ko ng kaba at takot ,Ramdam ko din ang pamumuo ng bawat butil ng pawis ko sa'king nuo at nanlalagkit din ito sa hindi ko malaman na dahilam ,ilang beses pa akong lumunok para pakalmahin ang sarili ko. nakatingin lang ang anak ko sa'kin at gano'n din ako sa kan'ya.


"E-elisa? D-do you need a-anything? bakit gising ka pa?" sunod-sunod na tanong ko sa'king anak ngunit tahimik padin ito at hindi kumikibo.


"Elisa!" sigaw ko sa pangalan nito nang umakto ito na parang naalimpungatan at nagising sa sigaw ko ,hay ..  nag sleep walk nanaman pala siya , nangyayari ito sa kan'ya mula nang mamatay ang Mama niya.


"D-dad?" tawag nito sa'kin. nagtaka naman ako kaya agad akong napaharap sa likuran ko ngunit wala akong nakita at narinig ko nalang ang anak ko na humahagikgik.


"Hihihihihi,Hahahahahahahahaha" hagikgik at tawa nito na para bang nagwagi siya sa pananakot niya sa'kin.


"What's funny Elisa huh?! Do think it's funny? making that kind of creepy jokes in the middle of the night?" matapang na wika ko ngunit patuloy lang ito sa pagtawa nang nakakaloko.


"Hahahahahaha"


"Stop that nonesence thing and go to your room now!" malakas na wika ko. natigil ito sa pagtawa at walang pasabing tumalikod sa'kin at umakyat ng dahan-dahan sa hagdan.


"Tik-tok,tik-tok..." wika nito habang umaakyat. " She can't be silent."  dagdag pa nito na halos pabulong na.


"What did you say?!" Tanong ko rito ngunit  hindi na ako nito tinapunan pa ng kaunting atensyon at dire-diretso nalang sa pag-akyat. Narinig ko pang nagsara ang pinto ng k'warto nito kaya alam kung nasa loob na ito.


Pagkatapos kong maibalik ang babasaging pitsel ay umakyat nadin ako ulit sa k'warto.


Nahiga na akong muli sa kama at nagkumot .. halos ilang minuto palang ang nakakalipas mula ng ipikit kung muli ang mata ko para matulog at ngayon ay may naramdaman naman akong parang umupo at humiga sa kama, idinilat ko ang mata ko at wala naman akong nakita kaya ipinikit ko nalang ulit hindi na nag-aksaya pa ng oras , pilit kung hanapin ang antok ko pero parang hindi dinadalaw ulit ng antok.


Iminulat kung muli ang mata ko at halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko dahil sa nakikita ko.


Ang imahe ng asawa ko na duguan ,sunog ang balat sa asido at inaagnas na ngunit nakadilat at diretchong nakatingin sa'kin.


"Samahan mo'ko..." aniya ng imahe ng asawa ko ,umiling ako dahil hindi magawang magwika ng mga bibig ko.


Muli kung ipinikit ang mga mata ko mabuti nalang at sa wakas ay dinalaw na ako ng antok.


----

KINABUKASAN pagkagising ko ay parang napakabigat na ng pakiramdam ko na hindi ko mawari kung bakit ,marahil ay dahil 'to sa mga nangyari at nakita ko kagabi. siguro isang masamang panaginip nanaman talaga 'yon.


Hay ... hindi ko talaga alam kung bakit sa'kin ito nagpapakita ,Alam nitong takot ako sa multo no'ng nabubuhay pa ito kaya sa t'wing magyayaya ito na samahan siya manuod ng mga horror ay hindi ko talaga sinasamahan dahil masiyado akong matatakutin.


"Dad? Are you okay?" my daughter elis said. i nodded twice at her then go at the sliding door which is a glass.


I glance my self there for a couple of minutes when something strange pop into glass,i saw my self there with my wife on my shoulder.


Nanlaking bigla ang mga mata ko at hindi nakagalaw at niisang salita ay hindi ko magawang sabihin.


Bigla na lamang humakbang ang isang paa ko hanggang sa nagpatuloy na ito patungo sa bintana ,tila kinokontrol nito ang buong katawan ko at may kung anong  binabalak na gawin.


"Please wife ! don't do this! patahimikin muna kami! " sigaw ko ,humalakhak lang ito at ako ay patuloy na kinokontrol niya ,nang malapit na sa bintana ay halos malula ako sa taas .


"You killed me! now ,it's my turn!" May kalakasang wika nito. Parang may kung anong malakas na pwersa ang tumulak sa'kin para mapatihulog sa bintana.


"Elis!! elis! help me!" sigaw ko sa pangalan ng anak ko. walang  dumadating at ilang daliri nalang ang nakakapit at mahuhulog na talaga ako.


"Dad! the door is close!!" sigaw ng anak ko dahil nakasara ang sliding door patungo sa silid na ito ,sigaw ng sigaw ang anak ko at hindi nabubuksan ang pinto.


Hanggang sa tuluyan na akong makabitaw at sa pagbitaw kung 'yon tila may isang ala-ala sa'kin na nagbalik.


Ako at ang Asawa ko ,lasing ako at sinasaktan ko ang asawa ko, sinakal ko pa ito at hindi pa nakuntento kumuha ako ng asido at isinaboy ito sa mukha at ilang bahagi ng kamay nito nagsisisigaw siya at humihingi ng tulong sa takot na marinig kami ng anak namin at kapit-bahay ay sinaksak ko ito ng ilang beses hanggang sa mawalan ito ng buhay.


Pagkatapos ay inilagay ko ito sa isang garbage bag na itim ,at itinapon sa isang basurahan dito sa village.


___

Bumagsak ako sa sementong mulat habang inaalala padin ang mga nagawa ko sa asawa ko,bali ang leeg ko at basag ang bungo.


Buhay ang kinuha kaya buhay din ang kapalit.


TERROR OF NIGHTMARESWhere stories live. Discover now