ANG TINIG NG SIRENA

6 5 0
                                    

#PART 2 (sumpa ng sirena)



Ilang buwan na rin mula ng makabalik ako galing sa probinsya kung saan naninirahan ang aking Lola nena.


Balik eskwela nadin dahil tapos na ang bakasyon ng mga estudyante. Ang bahay namin ay malayo sa mga tubig gaya ng ilog o dagat ,hindi naman nakakapagtaka dahil nasa maynila nga ako nakatira kasama ang Mama ko.


Bigla ko nalang na-miss ang probinsiya kung saan  sariwa ang hangin at maaliwalas ang mga tanawin ,hindi din puno ng pulosyon hindi gaya pag nasa maynila ka. 


Gabi na ngayon at nasa balkonahe ako ng kwarto ko at pinagmamasdan ang tahimik na langit ,kasama ang buwan at mga bituin.


"Ri~hannah   ~~"  tawag ng isang tinig sa pangalan ko ,hindi iyun boses ni Mama ngunit mayroon sa loob ko na nagsasabing pamilyar ang boses sa pandinig ko.


"Hm? S-sino iyan?" sagot ko sa boses kahit na hindi ako sigurado kung nasaan nanggaling ang tinig.


"Tsk ! Baka guni-guni ko lang , Sige na Buwan at mga bituin ,matutulog na ako ha ,magpahinga nadin ka'yo d'yan sa outerspace,goodnight!" wika ko pa habang kinakausap ang buwan at mga bituin.


"Ri~hannah~~" muling tawag sa pangalan ko , napahinto ako at tinignan ang paligid sa labas ng balkonahe ko ngunit wala akong nakita niisang tao sa labas na pupwedeng tumawag sa pangalan ko ng gano'n kaganda at kahinhin. Pumasok na ako at akmang isasara ang malaking pintong salamin sa balkonahe ng kwarto ko ng magsalita ulit ito.


"Rihannah , Ako tinig ng buwan ,dinggin mo ako at pakinggan."


"T-teka? 'Y-'yung b-buwan? Nagsasalita? waaaaaaahhhhhh," patakbo akong nagtungo sa kama ko at nagtaklob ng kumot ,naiwan ko namang bukas pa ang pintong salamin at sa takot ko ay hindi ko ito magawang puntahan ulit at isara. Umihip ang malakas na hangin dahilan para lalung magbukas ng mas malaki ang pinto.


"Ikaw ang napili ko, magtungo ka sa tabing dagat sa susunod na kabilugan ng buwan, Ako'y makikilala mo , Ikaw ang napili ko upang maging tagapangalaga ng aking hiyas."


"S-sino ka ba?!" bulyaw kong sagot sa tinig ngunit wala na akong nakuhang sagot mula rito. Hinintay ko pa ang ilan segundo bago bumaba sa kama para isarado at ilocked ang pinto.


Matapos ng pangyayaring iyun,hindi ako kaagad nakatulog tila binabagabag ako sa mga sinabi ng tinig daw ng buwan, may kung ano sa loob ko ang gustong makilala kung sino iyun pero may takot din akong nararamdaman.

L

Dahil hindi ako agad nakatulog ay minabuti kung magresearch ng mga resort O beach na malapit sa area ko kung saan ako nakatira pero sa kasamaang palad ay wala akong mahanap na malapit lang ,may mga resort man ngunit mga swimming pool ang mayroon. 


KINAUMAGAHAN maaga akong gumising dahil mageenroll na ako for next sem. Kasabay ko si Mama ngayon habang nagaagahan.


"Hannah, Magingat ka pagpunta doon, At huwag kang maggagal-gala kung saan-saan,umuwi ka kaagad kapag tapos kana do'n." paghahabilin ni mama.

TERROR OF NIGHTMARESWhere stories live. Discover now