BIRINGAN: ANG NAWAWALANG SIYUDAD

4 3 0
                                    



        DAHIL sa labis na kyuryusidad na namumutawi sa magkakaibigan na sina Kj, Missy, Rome, at  Joe ay nagtungo sila sa probinsya ng samar leyte upang mas malaman at matuklasan ang hiwaga at misteryo tungkol sa nawawalang siyudad na tinatawag na 'Biringan' .


Nakasakay ang magkakaibigan sa bangka'ng de makina patungo sa Baryo masanga, kung saan unang naging usap-usapan ang tungkol sa nawawalang siyudad.


Habang binabaybay nila ang karagatan ay nakakaramdam na sila ng kakaibang puwersa. nagiging mabigat nadin ang kanilang pakiramdam na halos hindi nila maipaliwanag ang dahilan.


"Ayos lang kayo?" tanong ni Rome sa mga kaibigan niya.


"O-oo naman... parang may kakaiba lang kasi talaga sa lugar na'to. 'di mo ba nararamdaman, Rome?" aniya ni Kj sa kan'ya.


Umiling ang binata bago sumagot. "Baka naninibago lang kayo sa paligid na ginagalawan ni'yo ngayon lalo at malayo 'to. Isa pa huwag niyo masyado isipin ang ipinunta talaga natin sa lugar na 'to. kasi tinatakot niyo lang ang sarili ni'yo, mabuti pa ay i-enjoy nadin natin ang magandang tanawin na nasa lugar." wika pa niya at ngumiti nalang din sa kaniya si Kj, naging abala nadin ang iba sa pagkuha ng mga litrato ng nasabing lugar.


Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang nakarating sa Baryo Masanga.


Alas tres palang ng hapon pero kakaunti nalang ang mga tao na nakikita nilang nasa labas. Nagtataka naman sila sa iba dahil parang may tinatanaw sa malayo ang mga tao ngunit wala naman silang nakikita.


"Bilisan niyo mga bata na humanap ng matutuluyan, May apartel sa banda ro'n." turo ng matandang lalaki na nagpapaandar ng bangka.


Agad naman na naglakad papunta sa itinuturong apartel ang magkakaibigan noong una ay hindi nila alam kong nasaan ang apartel pero may nakitang maliit na kahoy si Rome na pawang ito ang nagsilbing sign board ng apartel.


Pumasok sila sa loob at nakita nila ang isang matandang babae na wari'y nila'y ito ang nagsisilbing attendant ng lumang apartel na'yon.


"Excuse me manang!" sigaw ni Missy, dahil si Missy ay isang anak mayaman at nakaugalian na nito ang hindi pagbibigay ng tamang respeto sa mga mababa ang uri ng pamumuhay na mga tao.


"Hoy ! Missy! ano ka ba naman, Ayusin mo nga makikipag-usap mo. baka nakakalimitan mo'ng wala tayo sa lugar natin." pagpapaalala naman ni Joe. Si Joe ay pinsan ni Missy pero mas maganda ang ugali ni Joe kumpara kay Missy.


"Whatever," mataray na sagot ni Missy. Nilapitan ni Missy ang matanda at bahagyang kinatok ang lumang kahoy.


"Hey manang ,Uhm... Do you have bakanteng mga kuwarto here? We can pay , Don't worry." aniya ,dahan-dahan naman siyang nilingon ng matanda dahilan para makaramdam siya ng panlalamig at pagtayo ng mga balahibo niya. pagharap ng matanda ay gaya ng karamihan. kulubot na balat at mga lawlaw na.


Tinitigan siya ng matandang babae at napakurap naman siya ng ilang beses, ilang beses din siyang lumunok ng laway niya ngunit parang tuyong-tuyo ang lalamunan niya.

TERROR OF NIGHTMARESWhere stories live. Discover now