SUMPA NG SIRENA #part 1

10 6 0
                                    

-

-

-


"Mareeee!! alam mo na ba ang kwento? " wika nang isang ginang na nasa 40's na ang edad. mga tao talaga! 


"Ay bakit mareee? ano ga 'yon at parang intrigang-intriga ka? " wika naman nang kausap nito. 


"Eh kasi itong anak daw ni mang adolfo, iyong si fernan kilala mo siguro iyon. ay siya! hindi ka maniniwala, kinuha daw sirena noong nakaraang linggo, eh hindi ba at t' wing kabilugan lamang ng buwan lumalabas ang mga sirena? eh siyempre kabilugan ng buwan n'ong nakaraang linggo kaya naman nagpakita ang sirena. " mahabang pagsasalaysay nito. tila naintriga ako at ginusto pang mapakinggan ang kuwentuhan ng dalawang babae. 


"Ay naku! nakakatakot na talaga ang mga sirena, o'siya mare uuwi na ako at sasabihan ko nadin ang anak ko na huwag na maglalabas o pumalaot t'wing kabilugan. "


 "Siya sige mare at mag titinda muna ako. " 


Matapos noon ay bumalik na din ako sa bahay ng lola nena ko. 


"O'Apo ko and'yan ka na pala. kamusta ang pamamasyal? nakakalibang hindi ba? "

Wika ni lola nang may ngiti sa labi. tumango ako at niyakap siya.


"Tama po kayo Lola, sa Maynila ay wala nang mga tanawin na ganito dito. kapag bumalik na ako don madami akong mamimiss dito kasama na po kayo hehe, pero Lola nena totoo po ba ang mga... sirena? " wika ko, nag salubong nang bahagya ang mga kilay nito at ngumiti ng bahagya. 


"Sa maniwala ka man, O hindi ang mga nilalang na iyon ay nauna pa sa'tin na nanirahan sa mundong ito. kaya't kong mayroon ka man makita na gano'n ay h'wag mo nalang ipag sabi dahil ang mga tao ay nagiging gahaman kapag may malaking isda na nakita. " wika nito, naguguluhan man sa huling sinabi nito pero isinawalang bahala ko nalang iyon at tumango't ngumiti na lamang. Mula ng araw na iyon ay mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating na ang kabilugan ng buwan sa buwan ng marso.


Alas nuebe na nang gabi ngunit hindi padin ako dinadalaw ng antok. kaya't naisipan kong maglakad lakad sa tabing dagat. 


Malamig Na Hampas ng Hangin at Tunog nang Alon ang tanging naririnig ko. Naisipan kong maupo saglit, ngunit hindi pa ako nakaka upo ay narinig ko na ang hindi pamilyar na boses na napak lamig sa pandinig. 


"Hmmm ~" 


Nakakaakit, Isang Himig na mula sa langit. Ngunit saan nang gagaling ang himig na iyon. Kaya't hinanap ko ang pinag mumulan nang himig na iyon at sa isang malaking bato ay naka upo ang isang napaka gandang babae, may buntot ito nang isda, kulay asol at kumikinang ito dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan. Umaawit ang Sirena gamit ang napaka mayumi nitong tinig, tila isang pang hele ang taglay nitong tinig. Tahimik akong nag mamatyag sa malayo nang marinig ko ang yabag nang maraming tao, at maya maya lang ay may sumisigaw na, tinignan ko ito at patungo ang kumpol ng tao na'to nq patungo sa pwesto ng sirena.


"Ayoooonnn ang sirenaaa! palibutan ninyo!! madali kayo mga kasama. baka makawala pa ito," 

Mautoridad na wika nang isang lalaki. "Pangahas kang Nilalang, Hindi kayo marunong tumanaw ng utang na loob sa'min na nagbibigay nang mga huli ninyo! Dapat sa inyo ay lipulin ni bathala! " matapang na wika ng sirena. "Tumigil ka Sirena! Isa kang Malas sa aming baryo kaya't nararapat lang na mamatay ka! " bulyaw naman nang lalaki sa sirena .


"Isang Maling Salita mo pa at ipatitikim ko sa inyo ang galit ng mga sirena." 


kalmadong wika nang sirena "Hindi kami natatakot! Sunugin ang sirenaaaaa!! "


 "Sunugiiiiiiinnnnn!!! " Sabay-sabay na sigaw nang mga tao. "Kong Gayon Hinahamon niyo ako. " wika muli ng sirena, nag simula itong sumigaw nang nakapa tinis na naka bibinging tinig nito, Lalong lumakas ang hangin at lumamig pati ang dagat ay nakikiisa sa galit na galit na sirena.


Ang buwan ay biglang nabalot nang pulang kulay, at mga alon ay humapas sa mga tao nang walang awa, inanod ang mga ito at nalunod, ngunit ang sirena ay hindi padin nakuntento nagbigas ito nang mga salita. "Saksi ang Buwan at ang bathala sa kalupitan ninyong mga tao! Isinusumpa kong Matutuyo ang dagat na ito, at kahit katiting na laman dagat ay hindi niyo na muling makikita!!! "


 Matapos no'n ay lumundag na ito at sumisid na, bumabalik na sa dati ang kulay nang buwan gayon din ang hampas at alon nang dagat ay unti-unti nang humuhupa, ang mga tao nama'y patuloy na lumalangoy patungo sa pampang at ang iba ay nalunod na.


 Makalipas ang ilan buwan nakabalik na ako sa maynila at tumatawag nalang ako sa lola ko, at nabalitaan kong sobrang nag hihirap ang mga tao roon. dahil natuyo ang dagat at ni isang isda ay walang nagpapakita, Nagkatotoo ang sumpa ng sirena!!


TERROR OF NIGHTMARESWhere stories live. Discover now