Wakas

2.7K 117 26
                                    

A/N: I think some of you, sa wakas agad pumunta para makita kung ano ang ending. Huy!! If ayaw ninyo maspoil, huwag ninyo ng ituloy HAHA!! Mag-umpisa kayo sa simula, bago sa wakas. Just want to say HEHE. Enjoy reading!

"HANDSOME, CAN WE PLAY?" Nakangiting wika sa akin ni Floryn, she is Carmilla's daughter. May yakap yakap pa siyang barbie doll at may hawak na maliit na bag.

Nakaupo ako ngayon sa sand lounger chair habang may malaking umbrella. Hindi pa naman masyadong masakit sa balat ang init dahil maaga palang. Wala rin dito sa Thamuz dahil pinabili ko siya ng pulang saging at namimiss ko na rin si Clinth, my pet.

"Of course." Nakangiting tugon ko sa kaniya. Binigay niya sa akin ang barbie doll na hawak hawak niya at umupo sa kabilang sand chair sabay lapag ng maliit na bag sa maliit na lamesang napapagitnaan namin at binuksan iyong bag na may lamang mga gamit nang doll.

"We need to change her clothes and also comb her hair," Masayang sambit ni Floryn habang inaabot sa akin ang damit na pamalit at suklay na maliit. Sinunod ko naman ang kaniyang sinabi. "Pwede ba akong kumain niyan?" Dugtong niya ng makita ang pagkain at inumin sa lamesa. Tumango ako kaya pinagmasdan ko siyang kumain.

She is so cute. I want to pinch her cheeks but I'm afraid that she is going to cry. Hinaplos ko na lang ang malaki kong tiyan. Dalawang buwan palang ang nakalipas pero mukhang siyam na buwan na sa laki. Siguro dahil mabilis ang phase sa mga bampira.

Hindi ko na rin naituloy ang pag-aaral ko. Magtatapos na sana ako ngayong taon pero hindi pwede. Gusto kong mag-aral pero natatakot ako sa mga sasabihin ng tao kapag nakita nila ako. I am also thinking na baka eksperimentuhan ako at dagsain ang bahay namin ng madla.

"I like your eyes." Sambit ko kay Floryn kaya napatigil siya sa pagnguya. Punong puno pa ang kaniyang bibig kaya mas lalong nag-ilab ang pagnanasa kong pisilin ang kaniyang pisngi.

"My eyes?" Sagot niya nang malunok ang kinakain. "This is not my real eyes. Contact lens lang po ito to protect my eyes from sunlight. Bagay po ba sa akin?" Sabay puppy eyes niya kaya hindi ko na mapigilang pisilin ang kaniyang pisngi. Natigil lang ako ng ngumuso siya at sinabing masakit na raw.

"I'm sorry, Floryn" Kinakabahang usal ko dahil baka umiyak siya. Pulang pula na ang kaniyang pisngi. Hindi ko lang talaga napigilan.

"It's okay po," Ngumiti pa siya sa akin. "Can I call you, Daddy too?" Nagulat ako sa sinambit niya kaya napaturo ako sa aking sarili. "Hmm" Usal niya.

"O-okay" Sagot ko. Tumalon talon pa siya sabay yakap sa akin.

"Yehey, I have two daddies na." Napangiti na lang ako.

Napagdesisyunan kong bumalik na sa cottage dahil tumitirik na ang araw. Masakit na rin sa balat. Habang naglalakad pabalik at katabi si Floryn ay napapangiti na lang ako dahil sa kacute-an niya. Papasok na kami sa loob ng cottage ng dumating din si Doc. Aamon.

"Okay ka lang, Doc?" Nag-aalalang tanong ko dahil umuubo siya kaya may suot siyang surgical mask. Kita ko rin ang pagod sa kaniyang mga mata. Halatang walang tulog.

"Yeah. I'm fine. Shall we proceed?" Sagot niya. May check up pala ako ngayon. Tumango ako at sabay kaming pumasok.

Nandito kami sa kuwarto at nasa salas naman si Floryn naglalaro.

Nilabas niya ang sphygmomanometer. Isa rin sa napapansin ko sa akin ang pamamayat ko.

Pagkatapos niya e measure ang aking dugo ay bumuntong hininga siya. "Ang baba ng dugo mo. Iniinom mo ba ang human blood?" May pag-aalalang sambit niya.

"Yes, doc." Sagot ko. Kailangan ko uminom ng dugo dahil nauuhaw ako. Ayaw ko man pero kailangan dahil nanunuyo ang lalamunan ko kapag hindi nakakainom ng dugo. Hindi ko akalain sa pagbubuntis ko ay dugo ang magpapalakas sa akin.

Sealed By A Possessive Vampire Book IWhere stories live. Discover now