-18✅

65 6 3
                                    

It was raining, darkness took over the sky. I felt my heart shrunk because of the new mail from Hospital, I sigh.

"Dude, let yourself rest from things. Breath." Martle was shouting while talking to me on the phone. Tumayo ako mula sa sofa ko at malakas na binalibag ang cellphone ko na naging dahilan ng pagkabasag no'n.

Kinuha ko ang payong at walang paalam na naglakad sa labas. Hindi ko na alam saan ako pupunta basta mailakad ko lang ang mga paa ko, hanggang sa mapunta ako sa isang parke.

Mas lumakas pa ang ulan kaya hindi naaninag ang daan. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa swing perp nangunot ang noo ko nang makakita ng babaeng nagsuswing do'n at nakatingala sa langit habang nakapikit.

The hell?

"Hey!" Malakas akong sumigaw at lumapit ng bahagya sakaniya. "It's raining."

Nagmulat siya at tumayo sa swing, literal na basa na siya. Pati 'yong papel na hinahawakan niya malapit nang mapunit dahil sa sobrang pagkabasa no'n. Ngumiti siya at sumilong sa payong ko.

"Malamang, may araw ba?" Umurong siya matapos sabihin 'yon at mabilis na tumakbo palayo habang tumatawa.

"What the hell is her problem? Abnormal." Umiling ako at umupo sa swing kung saan nakaupo ang babae kanina. Marahan kong pinagalaw 'yon gamit ang paa ko.

Pumikit ako nang maalala ulit ang mga pinag-usapan ni Mama at Doc. Trish kahapon sa bahay, tapos ngayon naman ay iyong mail na dumating sa bahay na kailangan ko nang pumunta sa Hospital.

I stayed in the playground swinging silently for about 2 hours, nanahan nadin ang ulan kaya hindi na'ko nakapayong at basta nalang nakatulala sa kung saan.

Nang maramdaman na nagugutom ako ay naisipan ko nang maglakad para bumili ng pagkain na madadaanan ko, isa lang ang nakita kong kainan sa paglalakad ko.

"Sinta Mamihan"

Naupo ako sa pinakadulong pwesto na malapit sa bintana at hinintay na may lumapit sa'kin, hindi naman nagtagal at lumapit sa'kin ang isang matandang babae.

Hindi naman siya ganoon katanda ang itsura, may itsura din kasi pero halatang may edad na dahil sa balat.

"Anong gusto mo hijo?" Pagtatanong ng matanda, hindi naman ako nakasagot dahil biglang lumakas ulit ang ulan. "Lumipat ka, mababasa ka riyan."

Lumipat ako sa kabilang table at doon sinabi ang order ko.

"Isa pong mami, tapos kape." Ngumiti ang matanda at umalis.

After a week.

"Ay na'ko Dylan. Baka mamatay ka sa kakape mo Hijo." Malakas akong tumayo at malambing na yumakay kay Nanay Elda.

"Aalis na po ako mamaya kaya pagbigyan niyo'ko." Tinapik niya ang braso ko at pina-upo ako para paghain ng pagkain sa lamesa. Naramdaman kong mag vibrate ang cellphone ko kaya inilapag ko ang kutsara at sinagot 'yon.

"Ma?"

"Matthan, where are you? Aalis na tayo in 2 minutes." Nakagat ko pang-ibabang labi ko at tumayo na saka humalik kay Nanay Elda bago nagpaalam.

Hospital

"Sinabi nang ayoko eh! Ayoko!" Malakas kong pinagtutulak ang mga nurses na humawak sa'kin para painumin ako ng gamot at tusukan ng kung ano.

Lumabas ang dalawang nurse, tatlo naman ang pumasok. Dahil sa inis ay itinumba ko ang mga metal plate at basta nalang humiga, narinig ko namang nagrereklamo ang isang nurse. Nang mawala sila sa kwarto ko ay nakahinga ako ng maluwag pero saglit lang 'yon dahil may pumasok ulit.

Midnight LoveWhere stories live. Discover now