-4 The warning

125 25 7
                                    

"Wait... let me breath, mas mabilis akong mapagod this days." Hindi man humihingal ay ramdam na ramdam ko ang pagod at panghihina. Nakahawak ako sa railings ng hagdan at masamanf nakatingin kay Matthan na inosenteng nakatingin sa'kin. "Tigilan mo nga 'ya- ah!"

Naramdaman ko ang kamay niya ng igutin niya ang braso ko dahil sa pagkawala ko sa balanse ng itapak ko sa pataas na baitang ang paa ko. Hindi ko man lang napansing ang nanginginig niyang kamay nang mahawakan niya akong maayos dahil sa naramdaman ko.

Nahihirapan na ako sa paglalakad at sobrang bilis mapagod.

Kumawala ako sa pagkakahawak niya at mariing pumukit saka umupo sa isang baytang at doon sumukob sa mga braso ko.

It's really eating me, isn't it.

Marahas akong bumuntong hininga at tumuloy sa paglalakad, pero sa ngayon ay mabagal at maayos kong inilalapat ang mga paa ko sa mga steps sa takot na mawalan ako ng tuluyang balanse at mahulog.

"Are you okay?" Bakas sa tono ni Matthan ang pag-aalala pero hindi ko 'yon pinansin at hinawakan nalang ang door handle at pumasok doon. Paulit-ulit na paghinga ng malalim ang ginawa ko bago naglakad palapit sa edge ng rooftop at doon umupo. Inayos ko naman ang IV stand sa tabi ko at pinaghawak na ang mga kamay saka ako tumitig sa city lights.

Narinig ko ang mga yapak niya na papalapit sa'kin pero hindi ko inalis ang atensyon ko sa mga buildings at mga sasakyan. Naramdaman ko naman ang pagod na tuluyang kinakain ang katawan ko, kasabay nito ang pagkirot ng binti ko.

"Here. Drink this." Kinuha ko ang nakabukas na bote ng tubig at inaldok 'yon. "You really look like her."

"Sino?"

Ngumiti siya at tumabi sa'kin. "My first love."

Napatitig ako sakaniya at nagtaas ng kilay. Tumingin siya sa'kin at bahagyang natawa. "Erayne."

Nagliwanag ang mga mata ko at napangiti. "Uyy! Ang ganda naman ng name niya." Tsaka ako pumalakpak.

"Okay, how about you? Any first love?" Maya-mayapang tanong niya. Nagulat man ay hindi ko 'yon pinahalata.

Umiling ako. "Wala. I never actually felt inlove." Binasa ko ang mga labi ko at tumikhim.

"Wow."

Natawa naman ako at pinalo siya sa braso. "Hindi ba maganda 'yon?"

Mabilis siyang umiling. "That's fine, actually cool."

Nakangiti akong nag-iwas tingin saka nalang itinuon sa mga nagtataasang buildings.

"But I want to feel it. Kasi, my time isn't really that long. Pwede akong mawala bukas okaya sa makalawa, everytime. You know, I want to feel that love na nakikita ko sa mga magulang ko kapag nagtititigan sila, the sparks of love, the admiration of my father's eyes when he looks at my mom." Mahabang paliwanag ko. Isinukbit ko ang mga nagliliparang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko at bumuntong hininga. "I know It's not really need, but as a woman. I really want to be loved my someone whom I really admire. Someone who's really wanting to love me." Tumingin ako sakaniya. "Yung mamahalin ako kahit sa kabaong na yung higaan ko."

Nakita kong napalitan ng lungkot at paghanga ang reaksyon niya na kanina'y nagtatakha.

"But you know, love is like, unnecessary feelings in our body." Biglang bulalas niya. Tahimik lang ako at pinapakinggan siya. "Falling inlove is like putting yourself in a suicide situation. Kapag hinayaang mong mahulog ka, masasaktan ka. Pero kapag nandito kalang patuloy na nabubuhay, mahihirapan ka naman." Tumingin siya sa'kin. "But Love is magical."

Malakas akong tumawa at umiling ng umiling. "I don't care! Hindi naman kasi puro saya at kilig ang pumapaloob sa pagmamahal, talagang suicide ang Love. Kapag kasi nasa loob ka na ng relasyon, doon mo makikita paano kayo magkakasakitan, magkakaintindihan."

Midnight LoveOn viuen les histories. Descobreix ara