Kabanata 20

1.2K 46 22
                                    

Napahinga ako nang malalim sa kabang nadarama sa dibdib ko dahil sa biglaang inasta niya. Ano'ng problema niya? Bakit siya nagagalit sa napakaliit na bagay? Isa pa, tama naman ang ginagawa ko 'di ba? Hindi naman pang-iinsulto o ano ang tawagin siyang sir.

"Sir..." saglit akong tumigil at nakitang mas lalong nagalit ang itsura niya. "Kung galit kayo sa kung ano mang dahilan, huwag mo sanang ibunton sa akin. Dahil ba... hindi natuloy ang... gagawin niyo sana ni Jasmine sa loob ng walk-in closet mo? Sabi ko naman 'di ba na lala-"

"What the fuck are you talking about?" Malutong niyang tanong at pulang-pula na ang teynga niya.

"I-Iyon nga 'yon hindi ba? Puwede niyo namang ituloy-"

"Fuck."

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla na lang siyang lumapit sa akin at pahaklit na hinila ang beywang ko palapit sa katawan niya.
Sa sobrang gulat ko ay huli ko nang namalayang magkadikit na ang aming mga labi.

Pikit-mata siya habang hinahalikan ako samantalang ako ay dilat na dilat. Gulat, kinakabahan at parang nawawalan ng hininga sa nangyayari. Mas lalo niya pang idinikit ang beywang ko sa katawan niya kaya mas lalo kong naramdaman ang init ng katawan niya.

Laglag panga ako nang tumigil siya sa paghalik. Nakatingin siya sa akin samantalang sa labi niyang basa ako nakatitig. Nangyari na naman ulit. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya. Gulong-gulo na ako sa inaasta niya.

"I am mad. I'm like this when I'm mad. The next time you say bullshit things. I will not restrain myself anymore."

Unti-unti niyang binitawan ang beywang ko at tumalikod, paalis. Naiwan akong tulala, at parang naghihina ang tuhod ko kasabay ng kalabog ng dibdib ko.

Ano'ng ginagawa niya sa akin? Ano 'yon? Kapag galit siya basta na lang niya akong hahalikan? Bakit? Dahil gano'n daw siya kung magalit? Paano kung may nakakita sa amin? Paano kung nakita kami ni Jasmine? Iisipin niyang inaahas ko si Alex sa kanya!

Hindi ito maaari. Kailangan ko siyang kausapin na itigil na itong kagaguhang ginagawa niya! Dahil...nasasaktan ako. Ayokong masanay sa isang bagay na gusto ko ngunit...hindi naman sa akin.

Dapat kong kalimutan itong nararamdaman ko. Ayokong mapagtawanan dahil nagkagusto ako sa sarili kong amo. Isa pa, may mahal na siyang iba.

Pumasok kami ni Joce kinagabihan at lumilipad pa rin ang utak ko sa nangyari sa kusina. Kahit ano'ng gawin ko, hindi man lang naaalis sa utak ko!

"Honey, may tao ba riyan? Parang kahoy kausap ko, ah! Hindi ka sumasagot!"

Napabaling ako kay Joce na busangot ang mukha. Naglalakad na kami palabas ng gate pauwi.

"H-Huh? Ano 'yon?"

Pagod siyang huminga. "Ano ba ang nasa isipan mo ngayon at wala ka na naman sa sarili. May problema ka ba?" Tonog nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako at napayuko sabay iwas ng tingin. Nagdadalawang isip akong sabihin sa kanya ang nagyari. Dahil siguradong hindi niya rin maintindihan ang ginagawa ni Alex kagaya ko.

"Sige, maniniwala akong wala. O kahit ayaw mo lang talagang sabihin. Hindi kita pipilitin pero sana lang, hindi ka mapahamak diyan sa tinatago mo, ha."

Tumango ako ngumiti gano'n din siya. Sasabihin ko naman talaga sa kanya kung may sagot na ako. Ngayong wala pa, at ako mismo ay hindi alam ang nangyayari. Kakausapin ko pa si Alex. Naisip ko rin kung dapat bang umalis na lang ako para makalayo sa kanya at makalimutan itong nararamdaman ko.

Pagdating namin sa bahay ay tahimik na dahil medyo gabi na rin. Dumiretso na kami sa kwarto namin at naligo na rin isa-isa. Pagkatapos ay abala na si Joce sa cellphone habang ako naman ay nagugutom. Kaya nagpaalam ako sa kanya na kakain na muna ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon