Kabanata 3

785 23 0
                                    

"Sir...tumayo kayo. Ang laki niyong tao." bulong bulong ko sa sarili habang pinipilit siyang maitayo. Sobrang bigat niya! Paano ko siya mabubuhat sa kama nito?

Napakamot ako sa ulo. Dapat pala, weightlifter ang kinuha nilang mag-aalaga rito.

"Sir!" may diin kong tawag sa kanya at niyogyog siya. Pero ayaw talagang magising. Wala na akong magagawa kundi ang humingi ng tulong.

Bumaba ako at hinanap ang ginang. Mabuti na lang at nahanap ko naman siya agad.

"Nay Lolit?" tawag ko sa kanya at napalingun siya sa akin habang kausap ang isang katulong na hindi ko pa kilala. Sabi sa amin ay sampu raw ang mga kasambahay ng mansyon.

May huling sinabi siya sa kausap bago pa ito humarap sa akin.

"Ano iyon, iha?" tanong niya.

"Uh...kasi po si Señorito, lasing at nasa banyo. Hindi ko po kayang buhatin," nahihiya kong pagtatapat sa ginang.

"Dios mio. Halika na," sabi niya sa akin at nagmadali na kaming umakyat sa taas.

Pagkarating namin sa banyo ay walang tigil na ang sermon ng ginang. Animo'y naririnig ito ng sinsermonan niya.

Pinagtulungan naming buhatin si Sir Alex papunta sa kama niya. Pati ang ginang ay hirap na hirap din sa ginagawa namin.

"Paano na lang kung wala na ako, bata ka. Sino na lang ang mag-aalaga sayo!" tonog pag-aalalang sinabi ng ginang.

Nasa kama na si Sir at wala pa rin itong kaalam-alam sa ginawa naming pagbuhat sa kanya.

"Salamat po. Ako na po ang bahala," sabi ko sa ginang.

"Salamat iha. May heater naman sa banyo niya, kaya do'n ka na lang kumuha ng tubig upang ipamunas mo sa kanya," utos niya sa akin at agad naman akong tumango.

Kumuha ako ng malinis na bimpo sa banyo at binasa ko iyon gamit ang mainit-init na tubig galing sa shower.
Piniga ko muna iyon at bumalik na sa kinaroroonan ng lalaki.

Sinimulan ko agad punasan ang mukha niya bago pa ang braso niya, saka pa ang katawan niya. Maingat na maingat ako sa pagpupunas dahil natatakot akong magising ko siya o kung sino pa mang pwedeng magising.

Masasabi kong pangarap ito ng ibang kababaehan...itong ginagawa ko. Ang malayang makita at mapunasan ang maganda niyang katawan. Pero para sa akin, swerte ako hindi dahil dito, kundi dahil sa malaking sweldo.

"Hmmm..." laking gulat ko nang umungol siya.

Napahinto ako sa pagpupunas at tinitigan ko lang siya. Huwag ka munang gumising...please. Sabi ko sa isip ko.

"Anong itsura niya, Honey? Pogi? Maganda ba ang katawan?" sunod-sunod na tanong ni Joce sa akin nang makababa na ako.

Babalikan ko maya-maya si Sir, at baka magising siya. Hindi pa man din siya kumakain ng agahan. Sigurado rin akong masakit ang ulo no'n pagkagising.

"Pogi naman," sagot ko kay Joce habang nakahiga sa kama.

"Ang katawan?" kuryoso niyang tanong.

Umirap ako sa kawalan bago pa sumagot.

"Okay lang din," sagot ko, kahit ang totoo, sobrang pogi at sobrang ganda ng katawan niya! Pero siyempre, ayokong ipahalata sa kanya ang pagkamangha ko, at baka puro kantyaw na naman ang abutin ko sa kaibigan.

"Gano'n ba? Akala ko pa naman sobrang gwapo. Hindi talaga lahat ng mayaman ay pogi," giit niya.

Naputol kami sa pag-uusap nang biglang may sunod-sunod na katok kaming narinig. Nagmadali namang binukas ni Joce ang pintuan.

Secret ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon