Nagmamadali akong napapunas ng mga luha.

"Alright, let's end the meeting right here. You guys can take your lunch. Take my card, my treat.", imik ni Pearce dahilan upang bumaling ang atensyon sa kanya.

He gave his card to Betty at tuwang-tuwa naman ang iba kong mga kasamahan. 

Nagsitayuan na ang lahat, nag-uusap kung saan kakain. Nakalimutan nila agad ang kabaliwan ko kanina.

"Ms. Priestley, stay. I need to talk to you.", sabat ni Pearce nang makatayo na ako, hinihila pa ako ni Betty para sabay kami lumabas eh.

Nagkatinginan kami ni Betty.

"You go first.", pilit na ngiti kong sabi sa aking kaibigan. Tumango ito saka binitawan ang kamay ko.

Lumabas na ang lahat sa conference room, naiwan kaming dalawa ni Pearce.

It was a minute or two na nakatingin siya sa labas ng conference room, pinagmamasdan ang mga kasamahan kong unti-unti nagsisialisan palabas upang mag-lunch. Pinukulan niya ako ng tingin.

"Anong problema?", tanong niya sa akin.

Lumapit siya sa akin habang may kinukuha sa kanyang bulsa. "Wipe your tears completely.", abot nito ng panyo sa akin mula sa bulsa niya.

Hindi na ako umimik at kinuha na lamang iyon at pinunasan ang aking mga pisngi at mga mata.

"I am just not feeling well.", sagot ko sa tanong niya kanina pagkatapos kong punasan ang aking mukha.

Tinitigan niya ako ng matagal, checking my expression, as if he's trying to read me.

"Is someone bothering you?", sandal nito sa mesa, malapit lang sa inuupuan ko.

Someone bothering me?

Naupo ako ng maayos.

"Masama lang talaga pakiramdam ko. But, now that you've asked me. You've been acting weird since last time. You told me that you'll explain but seems that you forgot about it. Ano ba talaga ang meron?", pag-iiba ko sa usapan, at isa pa, it has been bothering me as well.

He smacks his lips, saka humila ng mauupuan sa tabi ko.

"That guy... ", panimula niya.

"That guy?", taas kilay kong ulit sa kanya.

"Yeah, you know last time? The guy you're going out with?", dagdag niya.

A guy I'm going out with? Sa pagkakaalam ko I'm  very much single and I'm not seeing anyone right now.

"Who?", kunot noo kong tanong while I'm trying to figure out kung sino ang tinutukoy niya. May dilaw na bumbilya ang umilaw sa ibabaw ng aking ulo.

"Baliw ka ba? I'm not going out with Sean!", medyo defensive kong sagot pero 'yon ang totoo.

Napahampas sa ibabaw ng mesa si Pearce. "Sean? So, Sean ang pangalan niya? Good thing that you're not dating him.", aniya.

"At bakit?", punas ko sa ilong ko, kasi nga galing ako iyak 'di ba?

"There's just something weird about that guy. He followed us that day nang ihatid kita pauwi.", sandal nito sa inuupuan niyang sabi.

Napaisip naman ako. Sinundan niya kami? Is that why deneretso ako ni Pearce sa condo niya?

"Why would he follow us?", I asked, obviously confused.

"We don't know his intentions. And, we also don't have any solid proof other than him following us home... To be exact, following you home.", turo ni Pearce sa akin.

The Ex-Girlfriend's RevengeWhere stories live. Discover now