Dali-dali akong nagtungo sa kaniyang harapan. "Ama nais ko pong malaman kung pinaunlakan niyo po ba ng imbitasyon si Kuya David upang magtungo sa bayan?" Kalmado kong saad. Huminga nang malalim sa akin si ama habang walang bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.

"Huwag mo akong paandaran ngayon Solana marami akong ginagawa" napaawang ang aking labi dahil sa kaniyang sinambit. Huminga muli ako nang malalim. "Ama...oo o hindi lamang po ang nais kong marinig mula sa inyo...hindi ho ba kayo nangangamba kay Kuya David? Siya ho'y nasa bayan dahil may naglahad ho ng sulat galing sainyo na siya'y inyong pinapanhik sa bayan" nagsusumamo kong tinig.

Tumayo sa silya si ama at tumingin sa akin. "Hindi ko siya pinaunlakan ng imbitasyon na magtungo sa bayan....akala ko ba ay matalino ang tinuturing mong Kuya David ni bakit hindi nito kayang kilalanin ang aking sulat kamay?!" Tugon nito.

Nagtataka akong napatingin kay ama, ano ang ibig nitong ipahiwatig? May alitan ba sila ni Kuya David? Bakit tila ang nag-aalab ang dugo nito sa kaniyang sariling anak.

"Kung wala ka nang nais sabihin ay maaari ka nang umalis" kalmadong saad ni ama. Umupo ito sa kaniyang silya at muling hinithit ang kaniyang tabacco. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang tinuturan, tila wala itong nararamdamang malasakit kay Kuya David. Ni hindi man lang ito nagpakita ng pangamba.

Ano ang nangyayari saiyo ama? Tila hindi na ikaw ang aming ama na dati naming nakilala.

"Hindi ko na kailangang mangamba sa iyong kapatid. Kaya niya na ang kaniyang sarili...palagi itong naghihimasok at humahadlang sa aking desisyon....kaya't nararapat lamang na danasin niya kung ano man ang kaniyang kinahaharap ngayon!" mariing saad nito.

Napailing ako ng paulit-ulit sa kaniya, hindi ko akalaing sa sarili naming ama mismo nangagaling ang katagang iyon.

"Ano ang iyong tinuturan ama?...siya'y inyong anak" matalim at naluluha kong sambit. Napatingin sa akin si ama at pinatay ang baga ng apoy sa kaniyang tabacco.

"Wala akong anak na marunong manghimasok at pilit humahadlang sa aking desisyon!" matalim na saad nito dahilan upang mapaatras ang aking paa. Nangingilid ang aking luha habang nakatingin kay ama.

Bakit ganiyan ka magsalita ama? Tila hindi na kita kilala, mas matimbang pa ba saiyo ang kapangyarihan at salapi kaysa sa aming iyong kadugo't laman. Hindi kita maintindihan, kapakanan mo lamang ang iniisip ni Kuya David ngunit pilit mong binabalewala iyon.

Napahinga ako nang malalim habang nakatingin kay ama. Sumandal ito sa kaniyang upuan at hinawakan ang kaniyang sentido. Dahan-dahan akong yumuko at naglakad patungo sa pinto. Binalingan ko ito ng tingin at seryosong nakatingin ito sa akin.

Bago ko isinara ang pinto ay tumingin ako sa mga mata ni ama. "Tila hindi na ho ikaw ang aming ama na dati naming nakilala"

Halos mabunutan ako ng tinik nang makalabas ako sa opisina ni ama. Tandang-tanda ko dati noong mga bata pa lamang kami na madalas kami nitong tinatanong kung ano ang hilig naming mga pagkain dahil ito'y kaniyang ibibili para samin. Malimit din kaming ipinapasyal ni ama tuwing sasapit ang pasko at aking kaarawan. Nang mga panahong ako'y unti-unting nang nagdadalaga ay naging doble ang pagprotekta nito sa akin. Palagi nitong inaalam kung ako ba'y may problema o wala. Ngunit ngayo'y unti-unti nang nagbago ang lahat.

Ito ang isa sa pinakamasakit para sakin ang magbago ang pakikitungo sa iyo ng mga taong higit na pinapahalagahan mo.

Agad akong nagtungo sa aking silid at kumuha ng pluma at tinta. Susulatan ko si Kuya Samuel, nais kong iulat sa kaniya ang mga naging kilos ni ama. Kung maaari lamang ay nais ko na itong umuwi upang makausap din nito si ama. Hindi ko nais na magkaroon muli ng sila ng alitan ni kuya David.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now