Nagkatinginan ang dalawang babae at sabay na natawa ng malakas.

"HAHAHAHAHA Shuta naman Girl, HAHAHAHA"

"Ba 'yan Myrna! Ang slow mo naman!" Nakatawang sambit na iyon ni Wilma. Nabitawan pa nito ang hawak na patalim sa mesa at tumawa ng tumawa.

Tinignan ko si Noli.

Tumatawa din ito pero hindi tulad ng dalawa halos marinig sa kabilang bayan.

"B-bakit ka—yo tumatawa?" Nagtatakang tanong ko sa lalaki at sinulyapan ang dalawa kong kaibigan na tumatawa parin hanggang ngayon.

"E kasi naman Myrna..." narinig ko pang anas ni Noli kaya nilingon ko siya.

"Anong kasi?"

"Ang slow mo kasi, Pffft." At iyon lumabas din ang tunay na kulay. Tumawa na siya ng malakas. Kaya ngayon tatlo na silang tumatawa sa harapan ko.
Pinagmasdan ko silang tatlo.

Tumingin ako kay Wima. Sa aking paningin para silang mga alagad ni satanas kung tumawa.

Wala sa sariling napasulyap ako ako kay Wima. Nagpupunas na ito ng luha. Luha ng kakatawa.

Si Wilma hawak-hawak pa ang tiyan. At si Noli, Ayun halos maglupasay na sa lupa.

Nalukot ang mukha ko.

"Bakit ba kayo tumatawa?!" Nairitang sabi ko sa kanila.

Tinignan ako ni Almira. Hindi pa din tumitigil sa tawa.

"HAHAHAHA ano kasi—" hindi niya matapos-tapos ang sinasabi dahil muli na naman siyang natawa ng malakas. "HAHAHAHA"

Tumingin ako kay Wima. Nagpupunas ito ng luha. Luha ng kakatawa.

Napahilamos ako ng sariling mukha gamit ang palad ko.

Tumayo ako at walang salitang iniwan sila roon.

"H-hoy Mahal saan ka pupunta?" Narinig ko pang tanong ng magsasaka.

"Oo nga Myrna, Ba't ka aalis na? Dito ka muna." Sunod naman na sabi ni Almira pero dinig na dinig ko parin ang malakas niyang pagtawa.

"Myrna, Balik ka dito." Si Wilma.

"Babalik din 'yan kasi nandito ang Mahal niya, Pffft Shuta sakit talaga sa tainga Huhu." Palatak naman ni Almira uli.

"Bahala kayo diyan!" Inis na sambit ko sa kanila ng hindi pa ako nakakalayo.

"At saan mo naman balak magpunta?" Si Noli. "Uuwi ka na? Boring sa bahay niyo wala kang gagawin doon."

"Hindi sa bahay! Sa lugar na walang mga baliw na tulad niyo!" Singhal ko at padabog na nagmartsa paalis sa lugar na iyon.

Mawalan sana sila ng hininga!

Bawat dinadaanan ko ay sinisipa ko ang mga nadadaanan ng mga paa ko. Mga selopin ng sitsitrya, mga pinaginuman ng mga plastik na softdrink. At minsan mga maliit na bato.

"Alam ko namang slow ako, pero dapat ba akong pagtawanan? Nakakainis sila ah!" Kausap ko sa sarili at muling sinipa ang nadaanan kong maliit na bato. Tumatalsik 'yun kung saan.

"Fuck!"

Pak?

Napatingin ako sa lalaking nakaupo mula sa gilid ng kalsada. Sapo-sapo nito ang noo.

Hanla? Sino ang lalaking iyon? At anong nangyari sa kaniya?

Lakad-takbo ang ginawa ko para lang malapitan ang lalaki.

"Okay ka lang?"

Nagangat ito ng ulo at gayon na lamang ang singhap ko ng makita ng buo ang kaniyang mukha.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now