CHAPTER 15

2 1 6
                                    

Nakipag high-five si David kayla Rome, yes he's alive. Kasama iyon sa parte ng plano nila Ashree, ang kunwaring pag-inom ni David ng pekeng poison galing sa kaibigan ni Feyra na si Olivia dahil gusto rin ni Olivia na matapos na ang kabaliwan ni Feyra.

"Galing kong umarte, right?" David said.

"Well I'm proud, 'tol." Rome said, proudly.

"Yes! Success! Bye na nga tumawag 'yong jowa ko, miss agad yata ako eh, hihi." Paalam ni Deb, sunod na umalis si Rome.

"Ree? Hatid na kita sa bahay niyo, para makapagpahinga kana." Asheee shook her head.

"I'm not tired, let's talk Evan."

"H-ha? Talk? S-sige... Saan?" She smirk.

"In your condo." She whispered.

Nang makarating sila sa condo ni Evan ay agad niyang tinimplahan ng juice si Ashree habang busy si Ashree kakalibot ng tingin sa buong condo ni Evan.

"I'll love staying here from now on." Ashree said, dahilan para mabitawan ni Evan ang baso at mabasag ito.

Nataranta silang pareho pero hindi hinayaan ni Evan si Ashree na dumampot ng bubog.

"A-ako na, Ree... Baka masugatan ka pa, mas mabuting ako nalang." He said, she nodded.

"S-sorry... Nagulat lang kasi ako eh..." Dagdag pa ni Evan.

"No its ok, saan ka naman nagulat?"

"A-ah eh, s-sa sinabi mo n-na mag stay ka dito f-from now on..." Napahalakhak si Ashree sa itsura ni Evan.

"Tss, why ayaw mo ba?" Mabilis na umiling si Evan.

"H-hindi ah! G-gusto ko pero bakit?" Umupo si Evan sa tabi ni Ashree nakaupo sa sofa.

"Bakit nga ba? Hmm, siguro gusto kitang makasama sa iisang bahay. I want to protect you, the things are getting worse Evan and I can't let your world become in danger because of me." Ashree said, seriously.

Evan held her hands and looked at her, his eyes became more serious now.

"I can fight as long as I have you, ipagpapaalam kita sa magulang at kapatid mo kung gusto mong tumira rito. May respeto ako sayo kaya may respeto rin ako sakanila, k-kapag hindi sila pumayag Ree baka--" She cut him off.

"Papayag sila, Evan. Don't worry, hindi strict parents ko kasi mas malandi pa sila satin." They laughed.

"Sige mamaya, pupuntahan kita sa bahay niyo at liligawan ko ang buong angkan mo." Evan said before he kiss her hand.









Gulat na gulat ang magulang ni Ashree pati na rin si H ng dalhin ni Ashree si Evan sa bahay nila, lalo na ng ipakilala ni Ashree si Evan bilang nobyo nito.

"Ate? Seriously? Yes may future bayaw na 'ko!" H said.

Evan smiled at H.

"Mama--ay este tita po pala... E-eh may ipagpapaalam po ako sainyo, baka po magulat kayo pero sana po maintindihan niyo po ang sasabihin ko..." Panimula ni Evan at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Ashree.

"Ito hong anak niyo gusto pong tumira sa condo ko, sana po payagan niyo dahil pangako ko po na pakakasalan ko muna siya bago ko--a-alam niyo na po iyon, hehe..." Napangiti si Ashree at nakanganga naman ang magulang niya.

"Anak? Alam niyo ang aga niyo sa mga sinasabi niyo pero gets ko kaya, malandi rin kasi kami ng tatay Asher mo noon at hanggang ngayun rin naman hihi!" ani mama ni Ashree.

"Mahal! Ikaw anak, babae ka kaya hindi maganda ang sinasabi ng boyfriend mo. Sige tama ang mama mo, malandi kami kaya alam kong sa mama mo namana ang kalandian but! Kailangan muna ng boyfriend mo na dumaan sa kagwapuhan ko--este sa test ko. Payag ka ba, Lavander?" Asher said.

"Dad! Evander not Lavander!" Tumawa nalang siya.

"Yes po, dad--este sir... Kaya ko po 'yan kahit gaano kahirap, basta para kay Ashree." He said while looking at her.

Kitang kita ng magulang ni Ashree ang kislap at pagmamahalan ng dalawa, dahil iyon din ang naranasan at nararamdaman nila sa isa't isa hanggang ngayun at magpakailanman.

Napalunok si Evan ng makadalawang bote na siya ng red horse, sobra ang kabog ng dibdib niya dahil alam niyang mahina siya sa pag-inom ng alak pero ayaw niyang sumuko para sa dalaga.

"Mahal na mahal ko ho ang anak niyo, sir. Shobrang ashtig niya po shir, nakaka-in love po talaga." Lasing na sabi ni Evan.

"Dapat lang, lasing kana niyan? Baka matalo ka, ikaw rin hindi mo makukuha ang anak ko samin." Asher said.

"Nako sir, hindi ho!" Humalakhak si Asher ng makitang ang pula ng pisngi ni Evan pati tenga nito.

"Gaano mo kamahal ang anak ko?"

Walang alinlangang sumagot si Evan.

"Walang hangganan ho ang pagmamahal ko kay Ree, dahil alam ko hong siya ang pang habang-buhay ko. Kahit mamatay ako sa pagmamahal ko sakaniya, hindi ko siya iiwan dahil ikamamatay ko kapag wala siya sa tabi ko."

The Bewitching Dauntless GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon