CHAPTER 2

3 2 14
                                    


Naalimpungatan ng gising si Ashree dahil may kumakalabit sa likod niya, naka dapa pa naman siya kaya tinatamad siyang pagtuonan ng pansin ang kumakalabit sa kaniya.

"Miss Genius! Your breakfast is ready! Time to eat now and prepare for your classes!" Masiglang sabi ni Lyree--ang kaniyang Humanoid Robot na siya mismo ang gumawa.

Tinakpan ni Ashree ang tenga niya gamit ang kaniyang unan, ayaw niyang bumangon dahil sobrang puyat niya kagabi. Alas-tres na siyang nakatulog dahil iniisip pa rin niya ang nangyari nung papauwi siya ng bahay.

That pure hearted boy.

"Give me Five minutes!" Sabi ni Ashree, pero talagang makulit si Lyree dahil naka crazy mode ito.

Kinuha ni Lyree ang isang unan at hinampas iyon sa likod ni Ashree, umusok ang ilong ni Ashree at galit na umupo ng maayos.

She glared at Lyree.

"Ly, quite mode!"

"Yes, Genius. Quite mode is now on." Sabay yumuko si Lyree at hindi na nag-salita.

Madiing napa-pikit si Evander ng muling batukan siya ng malakas ng mga lalaking nambubully sa kaniya.

My mom said to me that it's okay to be a victim of bullying rather than being bully.

"W-wala naman akong ginagawang masama ah, gusto ko lang mag-aral ng maayos. Masama bang tuparin ko ang pangarap ko?" Mahinang sabi ni Evander.

"Pangarap daw, wala kang maaabot dahil lampa ka! Loser!"

Muling napa-pikit si Evander. Naglabas ng kutsilo ang isa mga lalaki at itinutok iyon sa mukha ni Evander.

"Ano? Amin na pera mo! Wala kang pera? Eh kung patayin na lang kaya kita?"

"Eh kung ikaw ang patayin ko?" Natahimik ang lahat at naimulat ni Evander ang kaniyang mata ng marinig ang isang pamilyar na boses.

Kumislap agad ang mata niya ng mag-tama ang paningin nila ng babaeng nag salita. Bumilis uli ang tibok ng puso niya at pakiramdam niya parang bumabagal ang oras lalo na ng liparin ang mahabang buhok ni Ashree na nakabraid style ang gilid ng buhok nito.

My hero...

"Sino ka ba ah?!"

"Pre, siya 'yung matalino, iyung may astig na motor." Bulong ng lalaki, natawa ang lalaki.

"Matalino, astig? Tss, sisiw lang 'yan. Mukha namang mahina eh, lampa rin!" Napangisi si Ashree at may kinuha sa bulsa niya.

Isang pen, black pen.

"Loser? I'm not born to be a loser, loser." Nang tanggalin ni Ashree ang kalahating katawan ng pen ay may lumabas na maliit na kutsilo rito.

Isa itong pen knife na laging hawak ni Ashree.

"Tss! A-akala mo naman sanay kang gumamit niyan?"

"Of course, I know how to stab it in your head and break your skull, boy. Don't dare me to do that." Napalunok ang mga kalalakihan at nagsitakbuhan ng lumakad papalapit sa kanila si Ashree.

Napayuko si Evander ng duruin siya ni Ashree at ng lumapit ito sa harap niya. Wala sa sariling napa-hawak si Evander sa dibdib niya, ang lakas ng tibok nito at tila ba nagugustuhan niya ang presensya ni Ashree malapit sa kaniya.

"You must beat them up, kick their ass, punch their f*cking face and break their damn neck!" Napa-pikit si Evander sa sigaw ni Ashree.

"But why you can't do that? or must I say that you don't want to do that.."

The Bewitching Dauntless GeniusWhere stories live. Discover now