Kabanata 17

2.2K 118 12
                                    

NAKASANDAL ANG AKING ULO sa pinto habang nakayuko at patuloy ang pag-agos ng aking mga luha. Nanginginig ang aking kamay na hawak hawak ang busol.

Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob. Walang atubiling binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang gulat nilang mukha.

"Clay." Rining kong tawag nila pero nakatutok ang mata ko kay Thamuz. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit.

"Totoo ba!?" Sigaw ko. Randam na randam ko ang pagtaas baba ng aking dibdib sa pighati at galit.

"Let me explain, moya lyubov'" Mahinahong sambit ni Thamuz.

"So, totoo nga?" Humalakhak ako ng pilit habang pinunasan ang luhang patuloy sa pag-agos. "Huwag mo akong hahawakan!" dugtong ko nang lalapit siya sa akin.

"Please, calm down. It is not what you think." Mahinahon na wika ni Thamuz. Umiling iling ako. Hindi ako bingi. Hindi ako manhid at tanga para hindi maintindihan ang pinag-uusapan nila kanina.

Sinulyapan ko sina Akai, Dyroth at Mosco na ngayon ay tahimik sa gilid at nagmamasid sa amin.

"T-totoo bang i-ikakasal kana?" Pumiyok pa ako pero hindi ko na iyon pinansin. Kailangan ko ng sagot galing sa kaniya kahit alam kong masasaktan ako lalo kapag binanggit niya ang katagang may nakalaan na sa kaniya. Masakit kasi hindi ako iyon.

Hindi niya ako sinagot. Pinagmamasdan niya ako kaya inulit ko. Mas malakas na ngayon. "Totoo ba!? Totoo bang ikakasal kana!?" Umatras ako nang hahawakan niya ako. "Sagutin mo ako!!"

"Yes."

Hindi ako makagalaw. Paulit ulit sa aking utak ang sagot niya. Gusto kong magsalita pero nawalan ako ng boses. Gumuho ang aking mundo dahil sa sagot niya. Ayoko paniwalaan pero sa kaniya na galing ang sagot na ikakasal na siya.

"Please. Let me explain. I can fix this, just please don't leave me. Give me a time." Pagmamakaawa niya pero umiling iling ako.

"Huwag mo sabi akong hahawakan! Huwag kang lalapit sabi!" Namamaos na sigaw ko. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagod at namumuong butil ng luha.

"Please. Please" Pagmamakaawa niyang paulit ulit pero parang bingi ako at hindi siya pinakinggan.

Tatakbo na sana ako papuntang hagdan ngunit may yumakap sa aking likod. Nagpupumiglas ako pero hindi niya ako binibitawan. Sobrang lakas niya. Hindi ko kaya ang kaniyang lakas lalo't nanghihina ako. Mas lalong umagos ang aking mga luha.

"Please. Don't leave. Ayusin natin ito." Umiling iling ako.

"Mabuti sigurong ta-tapusin na lang natin ito." Naninikip ang aking dibdib pero ito ang naiisip ko na tama.

"No. No. Please." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy sa aking leeg. Umiiyak siya.

"L-let me go." My voice cracked and I tried to push him, but it didn't work.

"Bullshit, Akai. Fuck off." Galit na wika ni Thamuz nang awatin siya ni Akai para makaalis ako sa yakap niya.

"Vince. Let him go. Do you think you can talk to him if he is mad? Walang patutunguhan kung mag-uusap kayong ganiyan ang sitwasyon. Sinasaktan mo lang lalo siya." Seryusong sambit ni Akai.

"Fucking shut up!" Namayani ang malakas na sigaw ni Thamuz sa buong bahay. Humagulhol na ako at pinipilit kumawala sa kaniyang mahigpit na pagkakayakap.

"P-please. L-let me go." Pagmamakaawa ko. "Nasasaktan na ako." Dugtong ko kaya naramdaman ko ang pagluwag ng kaniyang yakap.

"Don't do this to me. I'm begging you." Hinay hinay kong hinawakan ang kaniyang braso para alisin sa aking baywang. Mas lalo akong naiyak dahil lumuluwag na ang kaniyang pagkakayakap sa akin. Iyong braso niyang nakapulot ay unti-unting bumibitaw.

ꜱᴇᴀʟᴇᴅ ʙʏ ᴀ ᴘᴏꜱꜱᴇꜱꜱɪᴠᴇ ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon