Simula

7K 264 21
                                    

"ALAM MONG HINDI ko siya anak, Celine. Walang patutunguhan itong pagsasama natin dahil pagod na rin akong magpanggap na masaya. Ginawa ko lang ito para pagtakpan ka sa ginawa mo pero ayoko na. Tapusin na natin ito." Galit na usal ni ama.

"Sige. Tapusin na natin ito tutal pagod na rin naman ako sa'yo. Aalis ako mag-isa. Sa'yo maiiwan ang bata na iyan." Turo sa akin ni ina habang patuloy ako sa pag-iyak.

"Anak mo iyan, Celine. Kaya nararapat na sa'yo siya sumama." Sagot ni ama.

"Lance, alam mong hindi ko kaya siyang buhayin. Tsaka... hindi ko siya anak!" Sigaw ni ina na mas lalong nagpahagulhol sa akin.

"Celine!" Maawtoridad na tawag ni ama.

"Hindi ko siya anak!" Pag-uulit ni ina.

Namayani ang katahimikan sa pagitan ng aking mga magulang. Tanging hagulhol ko lang ang maririnig. Nasa sulok ako habang pinagmamasdan silang mag-away.

"Ipaampon na lang natin si Clay sa matandang mag-asawa tutal wala naman silang anak at lagi nilang binibigyan ng mga laruin ang bata." Pagbasag ni ina sa katahimikan.

"Anak mo siya Celine. Bakit kailangan mong ipagdiinan na hindi mo siya anak. Alam mo iyan" Mahinahon ngunit may diin ang bawat salita na tugon ni ama.

"Wala akong pakialam basta ipaampon na lang natin iyang si Clay tutal walang gustong kumupkop sa ating dalawa." ani ni ina.

Mahabang buntong hininga ang ginawad ni ama bago tumingin sa direksyon ko. Nakikita ko ang awa at pangamba sa kaniyang mga mata. Mabilis na dumako ang kaniyang titig kay ina sabay tango. Tugon na siya ay sumasang-ayon sa gustong gawin ni ina.

Tumakbo ako sa aking mga magulang habang nagmamakaawa na huwag nila akong iwan.

"M-magpapakabait po ako. G-gawin ko po lahat ng bilin ninyo. H-huwag ninyo lang po akong iwan. A-ama. I-ina." Pagmamakaawa ko habang sumisinok dahil sa paghagulhol. Lumuhod ako sa kanilang harapan habang nagbabakasakali na magbago ang desisyon nila pero nabigo ako. Buo na ang desisyon nila na iwan at ipaampon ako.

"AKO NA ANG BAHALA magpaliwanag sa aking mga magulang, Lance." sambit ni ina habang nilalagay sa isang bag ang aking mga damit. "Gawin mo rin sana ang nais ko." sabay tingin niya kay ama na nasa gilid habang nakapamulsa. Tanging tango lang ang kaniyang tugon. Nandito kami sa aming kuwarto nag-iimpake ng aking mga gamit. "Minahal mo ba talaga ako, Lance?" Dugtong ni ina.

"Minahal mo rin ba talaga ako, Celine?" Pabalik na sagot ni ama.

Napatigil sa paglalagay ng mga damit ko si ina sa malaking bag.

"Clay, pakikuha ng iba mo pang damit." Pag-iiba ng usapan ni ina. Hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan. "Clay! Pakikuha sabi!!" Sigaw ni ina kaya nataranta akong sumunod habang namumuo na ang luha sa aking mga mata.

"Huwag mong sigawan ang bata, Celine." Madiin na wika ni ama sabay lakad papunta sa akin at hinawakan ang aking magkabilang balikat sabay luhod. "Clay, may pagkain sa kusina. Alam kong nagugutom kana. Kumain ka muna roon. Mag-uusap lang kami sandali. Pwede bang doon ka muna?"

Tumingin ako sa kaniyang mga mata patungo kay ina na tahimik at patuloy sa paglagay ng aking mga damit. Gamit ang aking palad, pinunasan ko ang mga luha na pumapatak sa aking mga mata sabay tango bilang tugon.

Sa mura kong edad, naguguluhan ako sa mga nangyayari. Maraming tanong sa aking isipan pero ninais kong manahimik dahil natatakot akong pagalitan ng aking mga magulang. Natatakot akong paluin nila kaya sinunod ko ang nais ni ama.

Sa labas ng kuwarto rinig ko ang sigawan at pagkakaroon ng argumento ng aking mga magulang. Umiiyak na nginunguya ko ang pagkain. Nanginginig ang aking mga kamay sa paghawak sa kubyertos. Muntik pa akong mahulog sa aking kinauupuan dahil sa panginginig.

MAKULIMLIM ANG LANGIT habang binabatis namin ang daan papunta sa mag-ampon sa akin. Mahapdi ang aking mga mata habang kalong ako ng aking ama.

"Am-ma. Mahal ninyo ba a-ako?" Inosenteng tanong ko habang nakanguso.

Tumingin siya sa akin sabay ngiti ng pilit. Tanging pagtango at ngiti lang ang kaniyang naging tugon.

"Nandito na tayo." Walang buhay na usal ni ina habang dala-dala ang isang bag na puno ng aking damit.

Tumingin ako sa paligid. Nakikita ko rito ang magandang bahay na dalawang palapag. May harden na puno ng mga halaman at nagagandahang palamuti na nakakabit sa pader ng bahay. Hindi gaano masakit sa mata ang kulay na nakadesinyo sa pader. Malawak din ang garahe at mayroon doon na sasakyan.

"H-huwag po. Ina! Ama! H-huwag ninyo po akong iwan. B-bitawan ninyo ako. I-na! A-ma!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa humahawak sa akin.

Nakita ko sina Ama at Ina na nakikipag-usap sa dalawang matanda na mag-asawa. Patuloy ako sa pagsigaw kasabay nang paghagulhol at pagmamakaawa na huwag nila akong iwan. Isang sulyap ang ginawad sa akin ng aking magulang bago sila tumalikod papalayo sa akin. Nagpupumiglas at nagmamakaawa ako ngunit wala akong magawa. Napalupaypay na lang ako sa panghihina habang dinadaluhan ng matandang mag-asawa.

"Nagugutom ka na ba?" Mahinahon na tanong sa akin ng matandang babae. Hindi ako sumagot tanging nakatutok ang aking mga mata sa daan kung saan huli kong nakitang papaalis ang aking mga magulang.

"Dolor, pakiayos ng kaniyang kuwarto at maghanda na rin para sa hapunan" Rinig kong sabi ng matandang lalaki bago ako nawalan ng malay dahil sa panghihina.


NAGISING AKO sa lakas ng hangin at kirot sa aking katawan. Namumula ang buwan na siyang nagbibigay liwanag sa paligid. Malalaking puno ang aking nasisilayan kasabay ng pagliparan ng mga dahon at daing sa paghihinagpis.

Napahiyaw ako sa sakit nang bumulusok ako sa lupa. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Ang bibilis nilang tumakbo at namumula ang mga mata.

"S-sino kayo?" Nanginginig na usal ko habang umaatras dahil papalapit ang dalawang lalaking matangkad na itim na itim sa suot, habang nakalabas ang mga pangil nito at handa nang kumain ng buhay. "H-huwag po. Tulong!" Sigaw ko.

Sa isang iglap nasa paanan ko na sila at handa ng kagatin ang aking leeg ng bigla may sumuntok dito ng sobrang lakas. Nasilayan ko kung paano maglaban ang mga mabibilis na tao. Parang may sumasabog na sunod sunod ang aking naririnig. Mga ulong na nagdadaing sa sakit at hagupit ng mga hampas. Nakakahilo ang kanilang bawat galaw.

"Vince"

"Mosco"

"Dyroth"

"Akai"

Rinig ko sa paligid. Nakakabingi ang kanilang boses. Hindi ko maintindihan ang kanilang inuusal hanggang sa maramdaman kung umangat ako at nasa isang bisig ako ng makisig na lalaki.

"You're safe now. I'm willing to sacrifice my life just to save you, moya lyubov'" rinig kong sambit ng isang maskuladong lalaki.

Napaungol ako ng maramdaman ang mainit at malambot na labi sa aking kaliwang leeg. Kasabay noon ang pagsipsip sa aking balat na ani mo'y sabik na sabik. Ramdam na ramdam kong ito ay mag-iiwan ng pulang marka at bakas nang pinangyarihan.

|HOT DREAMER|

Moya lyubov (My love)

Sealed By A Possessive Vampire Book IHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin