Kabanata 14

2.3K 146 11
                                    

"I'M REALLY SORRY, CLAY. Hindi ako makakasama kasi nandito ako sa Batangas. Napaaga bakasyon ko tapos baka next week pa ako makakabalik diyan." wika ni Margarette sa kabilang linya nang tanungin ko siya na sabay kami mag-enroll ngayon.

Tinatawagan ko rin si Alice pero hindi niya sinasagot. Nagchat na rin ako sa kaniya pero walang reply. Nag-aalala na ako sa kaniya. Magmula ng mangyari iyong araw na iyon ay hindi kami nagkausap. Siguro hindi pa siya handa para magkausap kami. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko kung bakit kami nagkakaganito. Ayoko masira ang pagkakaibigan namin.

"Okay lang." sagot ko. "Margarette, nakakausap mo ba si Alice?" Seryusong tanong ko. Matagal bago makasagot si Margarette dahil may kausap ito.

"Sorry about that Clay." Pagpapaumanhin nito. "Yeah, nagkakausap kami ni Alice pero madalang na lang. She always said that she needed space." Napabuntong hininga ako. Hindi ako sanay na ganito kami. Nasanay kasi akong lagi kaming nagkakausap at magkakasama lalo na sa kalokohan.

"Gusto ko siyang puntahan para kausapin, but if she really needs space." I signed heavily. "Kailangan ko muna magtiis sa ganito kahit sobrang bigat sa dibdib." I wiped the tears from my eyes.

"Pagbalik ko riyan. Punta tayo sa bahay nila." Natapos ang usapan namin na kahit papaano ay napangiti ako sa mga biro ni Margarette. Makulit din kasi ito lalo pagtinutupak. Lakas mang-trip.

Napaupo ako sa couch dito sa living area ng bahay ni Thamuz. Lagi na akong nakatambay dito. Mabuti hindi ako pinapagalitan nina Mom and Dad. I am very happy that they supported me. They trusted me and always said that I was beyond legal age, so I know what is right and wrong.

Lumabas kanina si Thamuz kasama si Akai may bibilhin daw. Nahihiwagaan nga ako kasi gusto ko sumama sa kanila pero ayaw nila. Habang nasa taas naman sina Dyroth and Mosco, nasa guest room iyong dalawa. Hindi ko alam kung magkaayos na sila since napansin ko ang pagiging mailap ng dalawa sa isa't isa pero mukhang okay naman sila.

Nakita ko sa table ang phone ni Thamuz kaya kinuha ko iyon. Hindi niya ata dinala sa sobrang pagmamadali.

Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang mukha kong himbing na himbing sa pagtulog. May nakasulat pa sa gitna na moya lyubov. Napangiti na lang ako.

Walang lockscreen or password kaya mabilis kong nahalungkat. Inuna ko ang gallery.

"Bat ako lahat nandito?" Bulong ko habang pinipigilang sumigaw sa kilig.

Dali dali kong hinanap iyong google para e search kong ano ang ibig sabihin ng moya lyubov'. Uumpisahan ko ng magtype pero nakuha ng atensyon ko ang mga searching list. Binasa ko iyon ng dahan dahan.

How to court a guy?

How to make a man happy?

How to cook an adobong manok?

How to become a perfect boyfriend?

Marami pa iyon pero hindi ko na maisa isa. Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Mapupunit na ata ang aking labi sa lapad ng ngiti. Gusto kong sumigaw sa kilig pero pinipigilan ko. Muntik ko pang maibato ang hawak hawak na phone.

"Jusko. Natatae ata ako sa kilig." Sambit ko na lang habang pumunta ng kusina at uminom ng malamig na tubig. Hindi ko mabilang kung ilang baso ang nainom ko basta iyong utak ko nandoon pa rin nastuck sa mga nabasa. Nakalimutan ko na tuloy ang e search ko kanina.

Hingang malalim na bumalik ako sa living area at umupo sa couch bago kinuha ulit ang phone.

"My love." Sambit ko ng matapos ko masearch iyon. Iyon pala ang ibig sabihin nun.

Bumukas ang pinto kaya dali dali kong binalik ang phone sa kaninang kinalalagyan nito.

Naglakad si Thamuz papunta sa akin na may ngiti sa mga labi. Simula ng manligaw siya sa akin, wala ng nangyari sa amin. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niya pero masaya ako kasi seryuso siya talaga. He respects me. He has his words.

I have decided right now na sasagutin ko na siya. Gusto ko pa siyang makilala but I can not wait. Pwede ko namang makilala siya habang kami na. Wala akong pagsisihan dahil dito ako masaya.

"Hi." Mapang-akit na sambit ni Thamuz habang may ngiting abot langit sa labi. Napataas ako ng kilay sa paraan niya ng pagbati sa akin.

"Saan ka galing? Bat antagal mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Natraffic lang," tugon niya. Lumuwas pala sila ng lungsod kung ganoon. "Akai suggested this and he said that you would like this. I hope so, because I gonna kill him if not." Nakarinig ako ng tahol ng aso at hindi makapaniwalang napahawak sa bibig nang ilahad niya sa akin ang napakacute na aso.

"S-sa akin iyan?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Y-yeah. Don't you like it?" Napakamot siya sa kaniyang batok habang may binubulong bulong. Hindi ko lang iyon pinansin.

"I like it." Binigay niya sa akin ang aso kayo sinayaw sayaw ko iyon. "Thank you." Hinalikan ko siya sa pisngi na naging sanhi ng pamumula ng kaniyang buong mukha.

"Ano pangalan niya?" I asked. Hinaplos haplos ko ang mabalbon nitong balat.

"A-hh. Y-you can make a name for him." Tumango tango ako. Lalaki pala ito.

"How about Clinth?" He just shrugged his shoulder. "Okay, I will call him, Clinth." Sabay halik halik sa mukha nito. Nakarinig ako ng tikhim kaya napatingin ako kay Thamuz.

Naalala ko pala iyong sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano uumpisahan. Binaba ko muna si Clinth, mabuti hindi ito naging malikot. Umupo lang ito sa gilid. Lumapit ako kay Thamuz.

"Vince Thamuz" Tawag ko sa kaniya kaya napataas ang kaniyang kilay. Nandoon ang gulat sa kaniyang mukha. "A-ano.. a-ano kasi." Mas lalong tumaas ang kaniyang kilay. Kinakabahan ako ng sobra at diko alam kung paano sisimulang sabihin. Huminga ako ng malalim at pinagsalikop ang aking mga kamay.

"Is there anything wrong, moya lyubov'?" Napalabi ako habang mas lumapit sa kaniya.

"Sinasagot na kita." Mabilis na sambit ko habang tinitingnan ang kaniyang reaksyon.

"W-what did you say?" Napapikit ako ng mga mata bago siya hinarap ulit. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Sabi ko. Sinasagot na kita."

Nagulat ako ng bigla niya akong sunggaban ng halik. Nang makabawi ay tinugunan ko ang mapusok niyang halik. Nang magkahiwalay ang aming mga labi ay hinawakan niya ako sa pisngi.

"Thank you." Nataranta ako ng makita kong umiiyak siya. Ginawaran niya ako ng isa pang halik bago niyakap ng mahigpit.

|HOT DREAMER|

<33

Sealed By A Possessive Vampire Book IWhere stories live. Discover now