Kabanata 10

2.7K 145 8
                                    

DALAWANG BUWAN ang nakalipas pero wala ng Thamuz na nagparamdam. Magmula ng mangyari ang gabing iyon ay parang naglaho na ang lahat. Nagising na lang ako na nasa aking sariling kuwarto't hindi makapaniwala kung paano ako nakabalik. Tinanong ko rin ang mga magulang ko pero tanging sagot lang nila ay may humatid sa akin, mga kaibigan daw. Galing daw kami sa roudtrip kaya nakatulog ako. Marami rin ang palusot ang sinagot ko sa aking mga magulang nang magtanong sila patungkol sa aking sugat at pamumula ng aking leeg.

"Huy, Clay" Natauhan lang ako ng tapikin ako ni Alice sa balikat. "Pasok na. May exam pa tayo." Nagmamadali kaming naglakad papasok sa room na kanina ay may mga kabilang section din nag-exam. Finals kasi naman ngayon at unang araw. Major subjects pa naman ngayon.

Naghintay kasi kami kanina sa corridor sa paglabas ng mga nag-exam at para kami naman ang sumunod na gumamit sa room. Dito kasi kami naka-assign. Sa 4th floor pa naman ito, nakakapagod maglakad sa hagdan.

Pagkaupo ko sa silya ay boses agad ni Margarette ang namayani. "Alam ninyo ba ang bali-balita," Tinaasan ko siya ng kilay. "Patay na raw si Prof. Mendez, iyong prof natin sa Calculus. Aksidente raw kinamatay pero maraming nagsasabi na bampira daw ang may kagagawan."

"Hala." Gulat na sambit ni Alice habang nakatakip ang palad sa bibig. "Diba, kahapon lang nakita natin siyang nasa River Park." Tumango-tango kami.

"Sa kaniya ring subject ang una nating exam."

Hindi na natuloy ang pag-uusap namin dahil pumasok na ang proctor dala dala ang test paper. Nang madistribute ay nag-umpisa na ang lahat pero hindi ako makafocus. Pumikit ako bago huminga ng malalim at sinimulang magsagot.

"Differentiate. y= 1+sin x / x+cos x" Pagbabasa ko sa last part na sasagutan. Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa mga given.

Natapos namin ngayong araw ang major subjects. Bukas ay mga minors na lang. Sobrang sakit ng ulo ko, parang mabibiyak.



"ALICE, BAKIT KA MALUNGKOT? Patingin nga ng grades mo." Sabi ni Margarette. Ang bilis ng mga araw dahil ngayon ay kuhanan na agad ng certificate of grades. Kamakailan lang ay halos mabiyak na ulo ko sa kakareview. Hindi pa naman ako makafocus sa dami kong iniisip. Inaamin ko rin na namimiss ko na si Thamuz. "Okay naman grades mo ha." Rinig kong sambit ni Margarette.

Hindi sa pagmamayabang ay uno lahat ang grades ko sa lahat ng subject. "S-sinong nagsabing malungkot ako. Ang s-saya ko nga eh." ani ni Alice. Nagkatinginan kaming dalawa ni Margarette dahil sa tono nito. Halatang pinipilit nitong maging masaya. Nakita ko kanina ang grades ni Alice at masasabi kong mataas iyon. Marami rin siyang uno at mga natira ay 1.25 na.

"Ayos ka lang ba, Alice?" Nag-aalalang tanong ko.

"O-oo naman." Pilit niyang sagot kahit nanunubig na ang kaniyang mga mata. Dadaluhan sana namin siya ni Margarette pero umiwas siya. "Okay lang talaga ako."

"Hindi ka okay." Tugon ni Margarette. "Alam naming hindi ka okay. Kaibigan mo kami kaya sabihin mo kung ano ang problema, Alice."

"Okay lang sabi ako!!" Nagulat kaming dalawa ni Margarette sa biglaan nitong pagsigaw. Mas lalo kaming nagulat ng umiyak ito.

"Alice.." Sabay naming tawag sa kaniya. Mas lalong nagulat kami sa mga sumunod.

"Nakakapagod! Pagod na pagod na ako. Ginagawa ko ang lahat para matapatan ka, Clay pero hindi ko magawa. Ang hira-hirap mong tapatan." Pinapakalma namin siya pero patuloy pa rin. "E-eh kukompara na naman ng mga magulang ko ang grades ko sa'yo," Sabay turo niya sa akin. "Itatanong nila kong ako naba ang nangunguna sa klase. Nakakapressure lang dahil lagi nila akong kinocompare lalo na sa'yo at sa mga kapatid ko na mula elementary hanggang college ay sila ang nangunguna sa klase. Eh paano naman ako? Ito lang ako eh. Ito lang nakayanan ko. Nakakapagod na maging anak." Napaupo siya sa sahig at doon umiyak nang umiyak.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Sa tagal naming pagkakaibigan bakit ngayon niya lang sinabi ito? Ano'ng klaseng kaibigan ako.

Hindi ko akalain na sa lahat ng mga ngiti niya ay may nakakubli pala roon na hinanakit at pighating nararamdaman. I'm asking myself now if naging mabuti ba akong kaibigan.

"I'm sorry, Alice. I'm sorry." Tanging sambit ko na lang. Naiiyak na rin ako kaya tumingin ako sa itaas para hindi tumulo ang mga luha.



TUMAKBO AGAD AKO sa aking kuwarto ng makauwi sa bahay at doon humagulhol. Bakit ang manhid ko. Bakit hindi ko napansin na ganoon na pala. Ano'ng klaseng kaibigan ako. Ang sama-sama ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Papasok ako, anak." Malumanay na sambit ni Mom. Nang makaupo siya sa kama ay yinakap ko siya ng mahigpit at doon humagulhol.

"M-mom, n-naging mabuti ba akong kaibigan? Mabuti ba akong kaibigan kung may n-nasasaktan na ako?" Patuloy lang ako sa pag-iyak habang hinahagod niya ang aking likod.

"Anak, ako nagpalaki sa'yo kaya alam kong mabuti kang kaibigan. Napakabuti mong anak kaya huwag mong sisihin ang sarili mo." Umiling iling ako. Pinagsisiksikan na hindi ako naging mabuting kaibigan.

Ilang minuto kaming ganoon ang posisyon. Wala rin akong gana kumain. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa bisig ni Mom.

Mugdo ang mga matang nagising ako sa mahimbing na pagtulog. Bumangon ako sa kama dahil nauuhaw ako. Tumingin ako sa orasan at pasado alas dose na pala. Sobrang tahimik ng paligid habang bumaba ako ng hagdan. Nang makaabot sa kusina ay binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng pitsel na may lamang tubig at sinalin sa baso. Hindi ko pa nauubos ang isang baso tubig ng may marinig akong bosena ng sasakyan.

Binuksan ko ang pinto rito sa kusina at tatagos sa garahe. Habang papalapit ako sa garahe ay may naririnig akong usapan. Naririnig ko rin ang pamilyar na boses.

"Orders completed." Rinig kong sambit ni dad. Inaaninag ko kung sino ang kausap ni Dad na lalaking matangkad at nakasuot ng itim. Mas lumapit pa ako sa kanila para marinig ang pinag-uusapan.

Napatakip ako ng aking bibig nang makilala kung sino ang kausap ni Dad. "Dyroth..." Mas lalo akong nagulat sa mga sumunod. May mga nilabas si Dad na malalaking lalagyan at binuksan iyon.

"You can inspect every weapons." Ani ni Dad. Napapikit pikit pa ako kung namamalikmata ba ako sa aking nakikita.

May kinuha si Dyroth sa malaking basket. Mga armas iyong pandigmaan. Iba't ibang klaseng baril, may maliit at mahaba. Mga espado na kumikinang kapag nasisinagan ng buwan. Ano ang ginagawa niya rito?

"It looks like every thing's good." Sabay tango tango ni Dyroth. Luminga pa ako sa paligid kung may mga kasama siya. Mayroong mga lalaki sa labas ng gate nakabantay. "How about the blood." Namilog ang aking mga mata sa narinig.

May container na nilabas si Dad sabay bigay kay Dyroth. "You can try this one. Galing pa iyan sa ibang bansa." Binuksan ni Dyroth ang takip sa container at kaniya iyong inamoy bago ininom. Napaatras ako ng makita kong namula ang kaniyang mga mata sabay tingin sa direksyon ko.

Dali-daling naglakad ako pabalik habang sapol ang dibdib. Illegal ba ang trabaho ni Dad? Bakit may mga baril at espada? Para saan lahat ng iyon?

Papasok na ako sa pinto nitong kusina ng may taong nakatayo roon. Tumingin ako sa kaniyang kanang kamay na may hawak na patalim.

"Mom.."

|HOT DREAMER|

Sealed By A Possessive Vampire Book IWhere stories live. Discover now