Kabanata 2

4.4K 229 14
                                    

KINABUKASAN, usap-usapan ang mga larawang nakuhanan patungkol sa mga bampira. Hindi rin ako makapaniwala sa aking mga nasaksihan. Dapat ba akong maniwala o ipawalang bahala na lang iyon. Naguguluhan ako. Mayroon sa aking parte na naniniwala at sa kabilang banda naman ay hindi.

"Kumain ka muna anak." Pukaw sa akin ni Mom. Kanina pa pala ako nakatunganga sa hapagkainan. Napatingin ako sa aking pangalawang magulang habang bumuntong hininga.

"'Di ba't hapon ang iyong klase?" Pagbasag ng katahimikan ni Dad kaya napatingala ako.

"Opo, Dad." Tipid kong sagot. Hindi ko mawari kung bakit nawawalan ako ng gana. Siguro dahil sa kalunos-lunos na sinapit ni Dilemma na aking kaklase.

"Mag-usap tayo anak pagkatapos mo kumain. Hintayin kita sa taas." Wika ni Mom. Tapos na pala siya kumain. Ngumiti ako bilang tugon. Napatingin ako sa gawi ni Dad. Nakita kong seryuso ang kaniyang mukha habang makikita ang pangamba sa kaniyang mga mata.

"Ayos lang po kayo, Dad?" Hindi ko mapigilang magtanong. Uminom muna siya ng tubig bago tumango sa akin at nagpaalam dahil luluwas siya ng lungsod para sa importanteng trabaho. Hindi ba siya magpapaalam kay Mom. Siguro nakapagpaalam na't hindi ko lang napansin dahil okupado kanina ang aking isip.

Nagpatuloy ako sa pagkain habang iniisip kung bakit ganoon na lang kaseryuso ang mukha ng aking mga magulang. Pagkatapos ko kumain ay pumunta agad ako sa taas. Kumatok muna ako sa pinto ng kuwarto ni Mom bago pumasok.

"Maupo ka rito" Turo niya sa bandang kanan ng kama. Sumunod ako at hindi nakatakas sa aking paningin ang hawak hawak niyang libro.

"Do you believe in the existence of vampire?" Panimula ni Mom habang tutok na tutok sa librong kaniyang hawak. Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha ni Mom. Hindi maipagkakaila na sa edad niya ay malakas pa rin ito. Makikita pa rin ang kaniyang pagkachinita.

Huminga akong malalim bago sumagot. "I do believe since you always tell me about it. However, there is a part of me that refuses to accept it, Mom."

"Totoo sila." Namamaos na usal niya sabay buklat ng libro. Napalunok ako sa kaba. Nababasa ko rito ang unang pahina ng libro na may nakasulat na "The Truth Behind Every Secrets". "Naalala ko noong nasa edad mo palang ako. Napunta ako sa mundo ng mga bampira." Halos mapalundag ako sa kaba ng biglang tumitig nang mariin sa akin si Mom sabayan pa ng kaniyang paraan ng pagbigkas. Nakakapanindig balahibo. Sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. "Maniniwala ka bang hindi sila takot sa araw? Hindi sila nasusunog." Kahit na natatakot ay mas lumapit ako kay Mom. "Sila ay nakakasalamuha natin at baka nga ay nakakausap pa natin." Dugtong niya.

Nanindig ang balahibo ko sa huli niyang sinambit. Natatakot ako dahil kung totoo nga na may bampira. Ibig sabihin, isa isa nila kaming papatayin. Wala kaming magagawa lalo sa kakayahan nila.

"Mom, wait lang," Wika ko. Hindi masyado mag sink in sa utak ko lahat ng kaniyang binanggit. Ilang minuto ang nakalipas ay nagsalita ako. "Kung totoo ngang may bampira. Sila po ba ang mga salarin sa mga pagpatay?" mausisa kong tanong. Namayani ang mahabang katahimikan.

"Oo, sila ang pumapatay. May mga bampirang sakim sa kapangyarihan. Alam nila na ang dugo ng tao ay magpapalakas lalo sa kanila." Pinagmasdan ko si Mom na ngayon ay nakamasid na sa terasa na ani mo'y may inaalala. Kita ko rito na maaliwalas ang panahon. "Nang makapasok ako sa mundo ng mga bampira. Akala ko katapusan ko na pero hindi pa pala. Akala ko masasama silang lahat pero doon ako nagkamali. We should not generalize that vampires kill people because of human blood. Mayroong tribu ng mga bampira na dugo ng mga hayop ang iniinom." seryusong pagkukwento niya at biglang nagbago ang ekspresyon sa pagkagalak. "Iba rin sila magmahal." sabay abot niya sa akin ng libro. Hindi na mawala ang kaniyang ngiti sa mga labi. "Kung may oras ka, basahin mo iyan at malalaman mo ang katotohanan patungkol sa mga bampira."

Sealed By A Possessive Vampire Book IWhere stories live. Discover now