"Are you ready?" Tanong niya sakin.

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko alam." Kaninang umaga kami nag-ayos hanggang umabot ng hapon sa paghahanda. Alas singko ang simula ng fashion week ng isang brand na pupuntahan namin. Schiaparelli black dress ang suot ko, may top akong suot pero tama lang para takpan ang dibdib ko. Mababa ang neckline

Ngumisi si Phoebian. "I'm sure you are. You just need to relax and chin up when we're already there. You have the hold of this tonight's event because you are the most beautiful woman who'd sit beside me at the front row." Sabi ni Phoebian habang nakatangin siya sa repleksyon ko sa vanity mirror. Nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng balikat ko.

Hindi ako nakaiwas nang patakan niya ako ng halik sa pisngi. Hindi ako natatakot na mabura ang makeup na suot ko pero natatakot ako na baka lumamat ang labi niya sa pisngi ko, ang dami kasing nilagay sa mukha ko. Feeling ko ay makapal na ang mukha ko pero hindi siya makapal tignan. Puro neutral color ang nilagay sa mukha ko. Wala pa akong alam sa cosmetics pero aalamin ko din yan kapag ako lang na mag-isa sa iisang kwarto dahil nakabantay si Phoebian sakin palagi. Kung di lang dahil sa mga investors niya ay para na kaming priso dito sa hotel room.

"Before we go. May ibibigay ako."

Hindi ko napansin ang itim na paper bag na dala niya. May kinuha siyang box. May tatak ng Bulgari sa ibabaw ng kahon. Binuksan niya ito at tumambad ang isang makintab na serpentine necklace.

Natameme ako. Natatakot akong hawakan yun dahil hindi ko alam kung paano yun aalagaan habang suot ko sa aking leeg.

"Phoebian--"

"I know sweetheart. But I like to give this to you. You deserve to be the star tonight." Sinuot niya sakin ang kwentas. Mabigat sa leeg pero hindi ako nasasakal. May suot na akong hikaw na kulay ginto na hanggang sa leeg ko ang haba. Schiaparelli surrealist anatomy bijoux ang tawag nila dito. Para na akong si Cleopatra. Ang dami kong suot.

Nakabun ang buhok ko pero ginamitan yun ng hair extension kaya parang tower ang buhok ko.

"Come on. We're going to be late. Huwag mong tatanggalin yan hanggang makabalik tayo dito."

Tumango ako. Kinuha niya ang bag na dadalhin ko. Cellphone namin at ang black card niya ang laman nun. Hinanda niya ang lahat ng 'to hanggang sa mga gamit na gagamitin ko, damit na susuotin ko at makeup na ipapahid sakin. Syempre ginamit ng makeup artist ang Phoebian cosmetics. Inabot ni Phoebian ang bijoux visage bag.

Anim na bodyguards ang nakapalibot sa amin at sumabay samin palabas ng hotel. Paglabas namin ng hotel ay may apat ng nakabantay sa amin dahil maraming photographers ang nakabantay din samin at maraming tanong sila kay Phoebian, sa ganitong oras ay tiyak na pag-uusapan kami.

Sumakay kami sa itim na Range Rover. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok kami sa loob ng sasakyan.

"Drive." Malamig na utos ni Phoebian sa isa niyang bodyguard. Hindi ko alam kung iilan ang bodyguard niya pero mayaman siya at kaya niyang magbayad para sa proteksyon naming dalawa.

Sa musée des arts décoratifs kami huminto. Doon tinalaga ang show. Paglabas palang namin ni Phoebian sa Range Rover ay umulan agad ng kisap galing sa mga camera na nakabantay sa amin. Mahigpit akong hinakawan ni Phoebian at mahigpik ko ring hinawakan ang bag ko.

"Chin up sweetheart." Bulong ni Phoebian.

Mas lalong lumakas at bumilis ang pagkuha ng larawan sa amin. Click ng camera dito, click ng camera doon. Pagpasok namin ay may ilang celebrity akong nakita, yung iba ay namumukhaan ko, ang iba naman ay hindi. May pinakilala sakin si Phoebian na sikat ding fashion designer at editor-in-chief ng sikat na magazine sa buong mundo.

PhoebianDonde viven las historias. Descúbrelo ahora