CHAPTER 010 - Champorado At Tuyo

Start from the beginning
                                    

            "So... Sino-sino pa sa kanila ang may mga tattoo?"

             Balewala itong nagkibit-balikat. "I think Taurence has the most numbers next to Lance. Then Sacred and Sage. And I believe Leonne has one, too. Hindi lang ako sigurado kung sino pa sa kanila ang mayroon."

           "How about you? Hindi ka ba interesadong magpa-tattoo?"

           "It never crossed my mind." Sandali siya nitong sinulyapang muli bago ibinalik ang pansin sa daan. "Why?"

           "Wala lang... Naitanong ko lang." Itinuon naman niya ang tingin sa labas ng nakabukas na bintana ng truck. Malawak na taniman ng mangga ang magkabilang panig ng kalsada at ang pang-gabing hangin ay humahampas sa mukha niya. The night was so peaceful, and the air smelt fresh.

           It was almost midnight, at sinabihan na siya ni Gene na umidlip kung gusto niya. But something was bugging her and she couldn't sleep it through.

           "Why the sudden interest in my brothers' tattoos, Trini? Gusto mo bang magpa-tattoo?"

           Sa naging tanong ni Gene ay biglang bumalik sa balintanaw niya ang tattoo ni Chona sa balakang nito. Para iyong sumpa na hindi maalis sa utak niya.

           "I think I want a tattoo..."

           "Why?"

           Sinulyapan niya ito. "Dapat ba ay may dahilan?"

           "Yes. Because tattoos are permanent. Hindi mo iyon mabubura sa pagdating ng araw na ayaw mo na."

           Nagkibit-balikat siya. "Sapat na bang dahilan ang kagustuhan kong magmukhang sexy?"

           Nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay nito. "What is this sudden change in you, Trini? Maliban sa maiksi mong shorts ay gusto mo nang magpa-tattoo para magmukhang sexy. What's the deal?"

          She grunted and rolled her eyes upwardly. "Walang kinalaman ang peckpeck shorts ko rito sa plano ko; nagkataon lang na sale sa mall kaya bumili ako. Whereas for the tattoo... I guess I want to try something that I haven't done before. Gusto kong may ibahin sa sarili ko."

           "Paano kung ang lalaking makikilala mo't magugustuhan ay ayaw sa babaeng may tattoo?"

           "Bakit, Gene? Ayaw ba ng mga lalaki sa babaeng may tattoo?"

           "Depends."

           "Saan?'

           "Sa klase ng utak mayroon sila."

           "You can speak in general, though."

           "Well, it is actually divided in two. I'd say, 50% of men population wants their women clean in many aspects. Malinis ang dangal, backgroud, katawan, you name it. While the other half is those who like their women irrespective."

           "In short?"

           "The good and the bad. The former was the bad, unfortunately. Because they expect their women to be everything but less. They probably like perfection, and perfection is unsustainable as we know it. Kapag nagkamali ka ay magkakagulo na. Iyon ang problema sa mga ganoong uri ng lalaki. Whilst the other half don't really care. They like their women as is, so I'd say they are the good ones."

           "'Yon naman pala, eh. Maghahanap na lang ako ng lalaking may gusto sa babaeng inked."

           "Speaking of men searching. What is the status between you and Deewee? I thought it worked out?"

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now