“No, he won't go with you. He'll stay with me.” Matigas kong sabi sakanya at saka ko siya tinalikuran. Narinig ko naman na tinawag pa ako ni mama pero hindi ko na sila pinansin. Umakyat ako sa kwarto namin ni Arken at doon ako maghapon na nagmukmuk.

Wala naman nagbago sa relasyon namin ni Arken, he's still all over me, he's still sweet and he's still being my boyfriend. Nasaakin pa din ang centro ng atensyon niya at hangga't maari ay ayaw niya akong maapektuhan sa pagdating ng tatay niya but I just can't help it, I'm going insane, I'm paranoid and I'm freaking scared. Hindi ko alam pero ang pakiramdam ko ang may hindi magandang mangyayari.

Hapon ng alas singko ay dumating si Arken at agad niyang napansin na wala ako sa hulog. Agad niya akong nilapitan at tumabi saakin ng higa.

“Hi, love. What's wrong?” Tanong niya habang ang ilong niya ay inaamoy ang leeg ko. Humarap ako sakanya at yumakap. Naka unipurme pa siya at halatang pagod pero napakabango niya pa rin.

“Arken, you won't leave me, right?” Umaasa kong tanong habang mahigpit ko siyang yakap-yakap. Humigpit din ang yakap niya saakin bago niya hinawakan ang mukha ko para tumingin sakanya.

“Hey, Reihan, diba sabi ko sayo wala kang dapat na ipangamba, I'm not going anywhere, okay, love?” Pilit niyang isinisiksik iyon sa ulo ko noong isang araw pa lang pero hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon mapaniwalaan. Kahit na hindi gumaan ang pakiramdam ko ay tumango pa rin ako sakanya.

“Promise me.” Pilit ko kay Arken. Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo.

“I promise, I'll stay.” Malambing niyang sabi. Even tho I'm still feeling paranoid, I want to believe him and I'm really holding onto his promise.

———

Arken's

Ilang araw na wala sa hulog si Reihan. It's surely because of my father's arrival. Kahit ako ay hindi okay sa nangyayari, I know my father just want to know me more because I'm his only child but I can't and won't leave Reihan. We can get to know each other without me leaving anyone here in the Philippines.

“Are you sure you won't go with your father?” Tanong ni Hamdel. Nasa school cafeteria kami at kumakain. Kanina ko pa nga hinihintay si Reihan dahil sabay kaming kakain pero wala pa rin siya.

“Hamdel, leaving Reihan was never in my options.” Sagot ko sa tanong ni Hamdel. Napatango naman siya.

“Well, this is your dream, being with kuya Reihan as his lover was your fantasy, noon pa man ay siya lang ang nakikita mo at sakanya lang lagi ang atensyon mo, and now that he's already your lover, of course you won't easily leave him, but what are you gonna do about Tito Aiyden?” Banggit ni Hamdel sa papa ko. He already met my dad because for some reason, halos kilala lahat ni Dad ang kaibigan ko at ang mga kakilala ko. Talagang gusto niyang pumasok sa buhay ko and I don't really know what to feel about it.

All my life I've been contented with mama Rein and Reihan as my family, but with my father's arrival, I don't know if I should be happy or what. It confuses me lalo na at gusto niya akong ilayo kay Reihan.

“I don't know, he seems nice, but you know me, I'll always choose Reihan.” Napapagod kong ani. I'm so tired of this topic, hindi ko rin gusto na nakikitang nababahala si Reihan dahil dito.

“Arken! Arken!” Nagulat ako nang biglang pumasok si Harper sa cafeteria at pinagtatawag ang pangalan ko na parang may hinahabol siya. Nagtinginan naman halos lahat ng estudyante sakanya na nandito sa cafeteria. He's making a scene. Hindi ko na sana siya papansinin dahil hindi pa rin kami magkaayos pero nang makita niya ako ay agad siyang lumapit saakin.

Arken NeedsWhere stories live. Discover now