"Tito, pabukas muna kami ng ref mo ha, kakamustahin lang namin" sabi ng mga patay-gutom kong kaibigan este shikshins na SooNa with sweet smile. Gutom na naman. 

"Ladies and gentlemen, gusto ko lang iannounce na may bakasyon kayo at bukas ang alis niyo" plain niyang sabi. Parang wala lang sakanila yung sinabi niya.

"ANO?! BAKIT NGAYON MO LANG SINABI TITO?!"

"P-po? Hindi po ba parang ang late na po yan?" tanong nung mga lalaki kaya sinamaan sila ng tingin ni tito. Oops, wrong move guys. "Ah eh hehe, tuloy mo lang po" bawi nila.

"Tito, di pa po kami nakakapaglaba." sabi ko.

"IDC, any questions?" grabe, IDC IDC na lang? Surrender! Wala kaming choice. Bawal back out pag siya nagdesisyon eh. Tahimik lang kami at di na sumagot.

"Wala naman siguro ano? Sige na, magsiuwi na kayo" Waaaaaaaaaah!

End of Flashbaaaaaaaaaack


Buti na lang at mabilis ako natapos. Itatanong mo ba yung iba pang details?

What? Vacation raw sa mga tagong lugar dito sa Pilipinas-- mga probinsya. First time to kaya feeling ko exciting. Hindi kasama ang mga sikat na lugar dito gaya ng Boracay, Baguio, like that. Yan lang yung binigay niya samin. Masaya to kasi bagong pangtotroll ko itu! Hahaha

When? Tomorrow agad agad! Kaya nga umuwi na kami agad eh. Ang kakalat pa naman namin at babagal kumilos. Isang buwan o mahigit rin kami dun. My gosh! Baka mahaggard kami dun.

Where? Eastern Visayas. Ewan ko na sa trip ni tito. Boset. Pero I swear, hindi siya ganoon kakilala-- yung lugar dun sa Eastern Visayas na pupuntahan namin. Ang good news lang, hindi na kami makikita ng ibang tao. Saka sabi rin kasi ni tito na dapat maranasan naming maging simple, yung walang net, walang stoves, walang bumbilya, walang gadgets, at kung ano ano pang nasa Maynila.

Who? Exo and SNSD lang naman. Kami lang talaga. Ayaw ni tito isama ang ibang friends namin, kaya okay sige kami na lang.

How? Magbabarko-- o yung RORO? raw kami. It is a one day trip. Sa barko kami matutulog, kakain, magsasaya. But the worse is PUBLIC VEHICLE SIYA! MAEEXPOSE ANG KAGANDAHAN NAMIN. AT ng EXO, in case na meron silang KAGWAPUHAN hahaha joke. Ano ba kayo, gwapo sila. Imaginin mo, EXO dadaan sa street niyo?! Head turners pa naman yung mga gheis na yun.

At ang mga nilagay ko sa maleta ko ay panty, bra, tee shirts, sando, pjs (pajamas), short shorts, towel kumot, unan at pants na sobrang pang one month malamang. Nasabi kasi ni Tito na medyo ilap raw sa tubig doon kaya halos ilagay ko na lang lahat ng damit ko sa closet sa maleta ko. Hindi naman sa tamad ako, gusto ko lang na hindi ako maubusan ng damit. Nilagay ko na lang rin yung mga damit ko na hindi pa naman madumi pero nasa labahan. And naglaba na rin ako. Ewan ko na lang dun sa mga iba.

Sa jansport naman na backpack, extra undies (panty and bra), extra clothes (shirt and short), tawas, deodorant, facial wash, toothbrush, toothpaste, wallet, charger, earphones, shades, glasses, flashlight (kaylangan yan sa pagtotroll ko haha), batteries para sa flashlight ko, yung powerbank ko,  lotion, sunblock, mga pang-ipit, make-up kit, powder, maliit na towel, at kung ano ano pa! Alam niyo naman na siguro yung mga kaylangan diba? Kasi umuuwi rin naman kayo ng probinsya.

Lumabas na ako ng kwarto. Sobrang ingay pala nila dito hahaha. Masyado nilang pinagkakaguluhan ang dyosang katulad ko. Chossss~

"Taeng unnie! Where is my bikini!" Sabi nung pito. Ay oo nga pala! Di bale na, marami naman na ako niyan sa maleta ko.

The Girls' Rules [UNDER CONSTRUCTION]Where stories live. Discover now