Napangiti ako ng palihim. "Senyora?" napabalik ako sa ulirat nang tawagin muli ni Manang Loring ang aking ngalan, ngayon ko lamang natanto na nasa loob na kami ng aming sala at nakatayo at nakaharap na sa akin si Jacinto. "Magandang araw Binibining Solana!" bati sa akin ni Jacinto at bagyang yumuko. Ngumiti ako ng tipid "Magandang araw rin saiyo Ginoo, ano ho ang inyong sadya?" saad ko at binigyang pahintulot ito sa pag-upo habang ako'y umupo sa isang silya katapat niya.

Kahit na minsan ay nawawala ako sa wastong katinuan ngunit kaya ko pa ring respetuhin ang aming panauhin. Tumikhim muna ito bago tumugon. "May ipinakausap sa akin ang iyong ama, na kung sakali ay maaari mo akong samahan sa kwartel...sapagkat may nais itong ipaulat sa iyong kapatid" tuloy-tuloy na saad nito at nagpasilay ng matamis na ngiti. Naisip ko lamang kung ano rin ang magiging itsura ni Lazaro kapag ito'y ngumiti.

Napailing ako at ipinako ang aking tingin kay Jacinto. Kagagaling ko lamang kanina sa kwartel at ngayon ay ako'y tutungo na naman. Hindi kaya magtaka sa akin si Kuya David niyan. "Maaari ba Binibini?" Tanong muli nito. Napangiti ako sa kaniya, tiyak na malalaman ito ni ama dahil hindi ko sinunod ang kaniyang utos "Maaari, Ginoo" saad ko at tumango sa kaniya ng paulit-ulit, kahit pa may alinlangan sa akin.

Ngumiti muli ng matamis si Jacinto na wari'y isang matagumpay dahil pinahintulutan ko ang kaniyang nais. "Ngunit maaari ba nating isama si Anna?" tanong ko muli at sumilay ng matamis na ngiti. Madalas ko itong ginagawa sa tuwing humihingi ng pabor kina ama, ina at kuya. Dahil ako'y naniniwala sa kapangyarihan ng aking ngiti.

"Walang problema Binibini" saad nito at binigy muli ako ng ngiti. Napapansin ko na palagian ang pagagawad nito ng ngiti sa'kin hindi ko tuloy mapigilan hindi mahawa sa kaniya. "Maraming Salamat, papaunlakan ko lamang siya at tayo'y tutungo na roon" saad ko at tumayo. Magalang na tumayo rin ito bahagyang yumuko.

Hinakbang ko kaagad ang aking paa patungo sa kusina nakita ko na abala ito sa pagpupunas ng mga pinggan. "Anna, sumama ka sa akin" saad ko. Napatingin sa akin si Anna nang may pagtataka "Saan ho tayo tutungo Binibini?" tanong nito. Napahinga ako nang malalim bago tumugon "Sa kwartel" saad ko, nanlaki ang mata nito "Hindi po ba't galing na tayo do---"

"Huwag kang maingay, ikaw ba'y makasasama sa akin?" Pagputol ko sa kaniyang sinabi, sandali itong nagnilay at napatingin sa mga pinggan nitong pinupunasan. "Pasensiya na ho Bininini, ngunit marami pong inutos sa akin ngayon si Manang Loring, bigla-bigla na lang daw po kase akong nawawala sa oras ng trabaho" nalulumbay na saad nito. Napahinga ako nang malalim, matatapos agad ni Anna ang kaniyang trabaho kung hindi ko ito pinilit na sumama sa akin kanina.

"Ayos lamang, tapusin mo na lamang iyan" saad ko at ngumiti ng matamis bago humakbang paalis. Tila aking hindi makakayang kasama ngayon si Jacinto, hindi pa ganon kahinog ang pagkakakilala ko sa kaniya. Batid kong maganda ang ugnayan nilang dalawa ni ama at ni kuya subalit sa akin ay hindi pa.

Napabuntong hininga ako nang makalapit ako sa kaniyang kinaroroonan. "Tayo'y humayo na Ginoo" saad ko, napangiti at napatango ito at inilahad ang kaniyang kamay upang alalayan ako sa pag-akyat sa kanilang kalesa. Mas mainam sana kung kamay ni Lazaro ang aking hahawakan ngunit ito'y mga palad ni Jacinto. Ngumiti ako at idinampi ang aking palad sa may kagaspangan nitong kamay.

Walang salita akong lumulan sa magarbong kalesa ni Jacinto at kasunod non ang pagsakay niya. Mabuti na lamang ay maluwag at kasyang pagtatluhang tao ang kanilang kalesa kaya't isiniksik ko ang aking katawan sa dulo ng upuan. "Nasaan nga pala ang sinasabi mong Anna, Binibini?" tanong nito pagkaakyat sa kalesa. "Hindi niya ibig sumama" tipid kong sagot. Tumango na lamang ito at inayos ang kaniyang pagkakaupo.

TAHIMIK lamang kami hanggang sa makarating kami sa kwartel. Pinagpapasalamat ko na hindi gaanong mahaba ang dila ni Jacinto dahil nangangamba ako na iba ang masagot ko sa kaniya at baka maisagot ko pa ang pangalan ni Lazaro. Nauna itong bumaba at inilahad muli ang kaniyang kamay sa akin, tinanggap ko naman iyon dahil sa mahihirapan talaga akong bumababa sa taas ng kanilang kalesa.

Tulang Walang Tugma (Pahayagan Serye-Dos)Where stories live. Discover now