Chapter 10

1.9K 167 38
                                    

Her Tearing Yes
━─━────༺༻────━─━
Warning.





◤─────•~❈𓈀❈~•─────◥
HANIKA
◣─────•~❈ꞋꞌꞋꞌꞋꞌꞋꞌ❈~•─────◢

"Are you ready for tomorrow, my daughter?" Dad asked as he sat on the couch kung nasaan kaming tatlo. He was giving me the sweet smile I've been craving for so long. Buti nalang talaga at sumaktong sabado ang birthday ko.

When dad messaged me na he was already home, nagpasundo agad ako kay Luxien. Tatlong linggo rin kasi akong hindi nakauwi ng mansyon. Gusto ko salubungin birthday ko with my family, although medyo maagang aalis si dad because he still has a lot of work to do.

"Yes dad, sayang nga at hindi kayo aabot. It's okay, I understand." I replied. Tomorrow is a big day for me. Nag set na rin ako ng alarm by 12:00 para salubungin ang birthday ko.

Daddy is a very busy man. Sobrang once in a blue moon lang siya umuuwi pero bawing bawi naman. Gaya nalang kaninang pagkauwi ko ay nanood kami nila Hajj ng movie. We played mind games and did some betting. Sa maikling oras na 'yon ay ang saya-saya ko. Even if he can't make it to my birthday bukas, I know he's trying.

Dad touched the back of my head at dahan-dahan 'yong hinaplos. "I'm sorry anak. Dad will make it up to you once I get to have my day off. Then, you'll have 2 debut parties." I just nodded. I have to understand. Besides, kapag naman bumabawi si daddy ay literal na worth it talaga.

"How's school Hanika?" Pagtatanong ni mom. I sighed, sana naman ay hindi mauwi sa away 'to. I just smiled at her. "It's fine mom. I met new friends, pupunta sila bukas." Sagot ko.

"You go to school Hanika? But why? Your principal said you were already over qualified to graduate early." Napatingin ako kay daddy na ngayon ay nakakunot ang noong nakatingin sa akin. I was about to answer him but mom already did.

"Ayan nga ang hindi ko maintindihan sa batang 'yan. She already has the time to do more productive things, pero mas pinili niyang sayangin 'to sa walang kwentang bagay." Sermon ni mom. I tried to remain calm pero sige pa rin siya ng sige.

"Why would she waste her time studying the things she already know? Para magpasikat sa classmates niya? To show them how smart she is?" Hearing those words coming out of my mom's mouth was so painful. Is this how she sees me? I didn't want to listen further kaya naman tumayo na ako. "Pasok na po akong kwarto." Nag lakad na ako papalayo ng sofa nang bigla ulit magsalita si mom.

"Quit school and go back to Canada."

"Why mom? Hindi pa ba sapat sayo yung ingay na ginawa ko sa Canada?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Want to know why I agreed to go there? Kasi sabi mo sa akin, I'm a prodigy and gusto mong bumuo ako ng pangalan don! You said you'd be very proud of me. Pero nung dumating ako ron, ni minsan ba mom, kinumusta mo man lang ba ako? Did you ask me if I already ate, if may sakit ako, am I doing good in school, am I...am I being bullied? You've never even congratulated me! Sige nga mommy. Sabihin mo sakin kung may naaalala ka kahit isa lang. Isang beses lang na dinalaw o tinawagan mo man lang ako." I waited for and answer but nothing came.

Mapait akong ngumiti. Ged was the only reason I was able to keep up with the pressure. He would always call me, check up on me, send me jokes that I don't understand, but that's what makes it funny. Pero ngayon, pati siya wala na rin. Ayaw na rin sa akin.

"7 years old ako mom. Kailangan ko non ng nanay. Hindi isang katutak na maids. Hindi nag kukumpulang guards. Magulang, mom." Huminga ako ng malalim dahil ayokong umiyak sa harap nila.

Game Of Death : After DeathWhere stories live. Discover now