Chapter 1

7.2K 264 111
                                    

Knowing The Game
━─━────༺༻────━─━



◤─────•~❈𓈀❈~•─────◥
HANIKA
◣─────•~❈ꞋꞌꞋꞌꞋꞌꞋꞌꞋ❈~•─────◢

"Hoy ate bangon ka na raw sabi ni mommy." I opened my eyes to see my 8 year old little brother Hajj (Hadj) looking straight at me. "Alam mo ate pansin ko, ang pangit mo matulog." Seryosong saad nito kaya't agad ko namang dinampot ang unan ko at ibinato sakanya.

"Ang aga-aga Hajj, 'wag mo sirain araw ko." I said irritatedly.

"You know what ate, makita ko palang pagmumukha mo kanina sira na araw ko kaya quits lang tayo." He said throwing the pillow back to me at agad tumakbo palabas ng kwarto.

"Mommy yung anak mo nanunutil nanaman!" Pagsusumbong ko. "Nyenye sumbungera." Rinig kong bulong mula sa labas.

"Narinig ko 'yon."

"Edi may tenga ka!"

"Papansin na feeling Sherlock, ugaling Uncle Grandpa naman!" I said at agad nagsuot ng slippers bago lumabas ng kwarto para habulin siya.

"For the record, Pierre-Simon Laplace is the man I want to become. Not Sherlock! Ikaw talaga ate you don't listen to what I say about his theories!" Kung anong daldal niya ay siya ring bilis niya sa pag takbo. I ran faster trying to to catch up with him. "Bla-bla-bla kwento mo sa fish."

"Si ate mommy oh!" Sigaw ni Hajj na kunwari umiiyak pero wala namang luha.

We ended up running around the kitchen. Habang hinahabol ko siya ay may bigla na lang umakap sakin mula sa likod dahilan para matigilan ako. "Huli ka!" I was shocked but not surprised to see my best friend Ged.

"Ever since you came back from Canada, ginawa mong exercise paghahabol kay Hajj tuwing umaga ." Natatawang sermon nito sakin.

"Oo nga kuya Ged, pagalitan mo nga." Sulsol ni Hajj na ngayon ay nakabelat pa. I took off one of my slippers at ibinato 'yon sakaniya.

Inilagan agad 'to ni Hajj."Kuya Ged oh, namamato pa."

Ngumuso ako. Eh bakit si Hajj? Unang araw ko palang dito sa pilipinas pinag t-tripan na ako lagi. Well pinag t-tripan ko rin naman siya pag bored ako but that's beside the point! Ang aga-aga niya kaya mameste.

"Stop that, both of you. Hindi na kayo nahiya kay Ged (Jed)." Sita ni mom. "Tara na sa Dining Area. Ged, come eat with us." Mom said.

"I'm actually full na tita. I just came here to come pick her up." Turo niya sakin.

"I have my own car."

"We can drive together."

"Saan ba punta niyo? Why not use the limo instead?" Mom asked. "Mambababae raw po si Ged mom-" Binatukan ako nito. "Aray! Masakit 'yon ah!"

"'Wag ka maniwala riyan tita, we're just going to the mall to buy some stuff we'll be needing for school. Starting of classes is coming na rin kasi."

"Starting of classes is coming na rin kasi." Bulong na pang gagaya ni Hajj na may halong arte sa tono.

"Bagay sayo." I laughed.

"Oh siya, tama na. Sige na Hanika, go and eat para makaligo ka na rin. Pwede ba paki-enroll na rin si Hajj? I still have a case to settle. If not, I can ask Luxien to do so."

I looked at Ged and he nodded. "Sure mom. I'll go get his papers later sa office ni dad."

"Mom, where's dad?" Biglang tanong ni Hajj who's now holding one hotdog in each hand.

Game Of Death : After DeathWhere stories live. Discover now