14

86 9 0
                                    

Uncensored Series 2: The Wife's Lost Memories

Chapter 14

[Leeyah POV]

Ganoon pa rin ang ginagawa niya. Sa bawat araw na pagtatrabaho, tila ba unti-unting dumadagdag ang mga trabaho niya. Hindi na pagde-deliver ng mga documents ang trabaho niya, kung ano na ang trabaho ng kanyang mga seniors iyon na rin ang ginagawa niya. Much more na minsan, pinapatawag siya ni Sir William para utusan siya. Under evaluation siya at bawal siyang tumanggi.

Mula ng nangyari ang meeting na iyon na naging impromptu assistant siya ng CEO, marami siyang natututunan. Naranasan niya kung ano ang trabaho ng kanyang ate noon. Excited nga siya na ikuwento ang pangyayari na 'yun pero busy naman ang ate niya sa pinaplanong café business nito. Sayang pero may ibang time pa naman para ikuwento niya yun.

Pero pagdating sa mga kasamahan niya rito, may konti lang namang problema. Dahil siya ang inatasan ni Sir William na mag-assist muna sa CEO, may mga tao na naiinis o di naman kaya'y inggit na inggit. Unang-una, hindi niya kasalanan na siya ang pinakiusapan ni Sir William at pangalawa, masama ang mainggit sa ibang tao at pinasalitaan pa siya ng masama. Dinamay pa ang mga kaibigan niya sa galit nila sa kanya! Ang malala pa nito, binantaan pa siya ng dalawang babae na magiging mapagmatiyag ito sa bawat kinikilos niya. Kaya namomoblema siya 'pag namalaman nila na ate niya ang former secretary ng CEO. Papaano niya ipapaliwanag iyon sa kanila lalo na sa mga kaibigan niya?

Bakit 'di na lang kaya ang mga sarili nila ang mamatiyagan nila para naman mag gumaling pa sila at mapansin ni Sir William gaya ng gustong-gusto nilang mangyari? Hindi siya nag-apply ng trabaho para maghanap ng kaaway at hindi niya pinangarap na mabigyan ng promotion. Ang importante, magagawa niya ng mabuti ang trabaho niya, papasa siya sa evaluation at magiging full-time employee! Siyempre ang pinakahihintay niyang first income! Excited na siya na ilibre niya ang mama at ate niya gamit ang sarili niyang pera.

Naabutan siya ng alas nuwebe ng gabi sa mga pinapatapos sa kanyang mga trabaho. Since araw ngayon ng biyernes, talagang minadali niyang tapusin ang mga documents para bukas, wala siyang iisipin na trabaho at magagawa niya anong gusto niya. Baka mamamasyal sila ng family niya o happy time lang sa bahay gaya ng movie marathon. Iyon kasi ang ginagawa nila 'pag weekends.

It's getting late at ilang beses na niyang tinatawagan ang ate niya para sunduin siya. Kokonti na lang ang mga tao nandito at nasa waiting shed na siya kanina pa naghihintay.

Inuli niya muli ang pagtawag sa kanyang ate. At last, sumagot na rin! "Ate! Ilang beses na ako tawag ng tawag sa 'yo. Bakit ayaw mong sumagot?"

"I'm so sorry, Lee. Masyado lang kasi akong busy. Nandito rin si Zack para sa café. Minadali namin ang pagme-meeting para sa mga gagawin construction ng lugar."

"It's fine. Kailan ka pupunta ditto? Malapit na mag-alas otso."

Ilang segundo ito hindi sumagot. "Lee, pasensya ka na hindi kita masusundo ngayon."

"What?!"

"Hindi ko maiwan-iwan ang meeting. I'm sure hanggang madaling araw pa kami matatapos. I'm really sorry. Pagbigyan mo muna ako ngayong araw, okay? Kaya mo naman umuwi ng mag-isa, 'di ba?"

"O-oo. Pero bakit hindi mo man lang pinagsabihan o i-text man lang? Edi sana nakauwi na ako kanina pa."

"I'm really, really sorry Sis. Nawala sa isip ko, eh. Don't worry, babawi ako next time, ah? Ngayon lang talaga 'to."

"Sige na nga. Ingat kayo ni Kuya Zack diyan."

"Ikaw din. Umuwi ka na agad. May kasama ka ba ngayon?"

Uncensored Series 2: The Wife's Lost Memories [Dreame/ Yugto APP Teaser Only]Место, где живут истории. Откройте их для себя