A Man From Behind

796 20 0
                                    

//LEEYAH POV//

She feels so safe. Parang lumulutang siya na hindi niya maintindihan pero ang isip niya, gusto niya ang ganitong pakiramdam.

Wait. This is not right! What is she thinking?! May kahalikan siyang lalaki? And she's naked!

"I'll never let you go." Bulong ng lalaking sa kanya. "You're mine, Helena. Mine only."

Here is it again. Iyong pangalan na iyon. "Helena". Hindi naman iyan ang pangalan niya!

Pinagmasdan niya kung sino itong lalaking kayakap niya pero hindi niya naaninag ang mukha nito. Malabo ang kanyang paningin parang ayaw ng kanyang mga mata makita ng kabuuan ng mukha ng lalaking ito.

----------------------------------

Biglang nagbago ang hitsura ng kanyang paligid. Ngayon ay nasa simbahan siya at nakasuot ng putting damit at may dala siyang mga bulaklak.

Papalakad siya papunta sa altar at ang lalaking iyon na naman ang nasilayan niya. Hinihintay siya. Kahit anong gawin niya, hindi niya talaga masilayan ang mukha nito. Bakit siya nandito sa simabahn? Bakit siya ikakasal sa lalaking hindi pa niya nakikilala?

****************************

Nagiba na naman ang kanyang paligid. Nakahiga siya at parang may oxygen na nakalagay sa kanyang bibig at... nararamdaman niya ang sobrang sakit sa kanyang katawan. At ang mga taong nakapaligid sa kanya ay nagkukumahog na parang may nangyari sa kanya na masama.

"Helena! Helena! Don't close your eye!" Nandito na naman siya. Palagi na lang ang pangalan na iyong ang sinasambit nito. Mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay. What is he doing? Hindi siya si Helena.

"Don't leave me, please... Helena..."

"Sino ka?"

Please, kahit pangalan mo lang. Sino ka ba talaga?

Agad siyang napamulat sa pagtunog ng alarm clock. Ang panaghinip na naman iyon. Hindi niya alam kung binabangungot siya o hindi pero bakit palaging ganito na lang ang napapanaghinipan niya.

Lalong lalo na ang lalaking iyon. Sino ba ang lalaking iyon? At sino ang Helena palaging tinatawag nito?

Sa sinapit niyang aksidente ilang taon na ang nakakalipas, hindi man palagi pero minsan, napapanaghinipan lang niya ang ganitong panaghinip. Panaghinip na ni minsan hindi pa niya nararanasan o dumaan sa kanyang buhay. Sa edad niya na dalawamput tatlong taong gulang, wala pa siyang boyfriend at wala rin siyang experience sa s*x. Kaya napakaimposible itong napapanaghinipan niya. At ikakasal na siya? Wala pa nga siyang boyfriend, hindi ba?

"Leeyah!" Rinig niyang tawag sa kanyang Ate Isabella sa ibaba. "Gising ka na? pagkatapos mo diyan, bumaba ka na para mag-breakfast. Ayaw mo naman siguro na ma-late sa graduation ceremony mo."

"Oo nga pala!" Bigla siyang napabalikwas ng bangon ng may maalala siyang pinakaimportanteng event ngayong araw at iyon ang graduation niya. Nang dahil sa panaghinip na iyon nakalimutan na niya na ngayong araw na siya ga-graduate.

Ito na ang pinakahihintay sa buong buhay niya! Sa wakas, ga-graduate na siya! Business Administration Major in Finance ang kinuha niyang kurso. Sa tagal niyang naghintay, makukuha na rin niya ang kanyang diploma at makakahanap na rin siya ng mapapasukang trabaho.

Laking pasasalamat niya sa kanyang Mama Raquel at Ate Isabelle dahil sa labis na suporta at lakas ng loob binibigay sa kanya lalo na sa pag-aaral niya. Tiyak na double celebration ito dahil sa susunod na linggo, nakatakdang ikakasal ang kanyang Ate Isabelle. Siya na lang kasi ang hinihintay nito na makapagtapos sa college at makahanap ng disenteng trabaho. Kaya ngayong araw na ito magaganap ang pinakamahalagang okasyon hindi lang sa kanya para na din sa kanyang pinakamamahal na pamilya.

Uncensored Series 2: The Wife's Lost Memories [Dreame/ Yugto APP Teaser Only]Where stories live. Discover now