The Wedding

112 8 0
                                    

***Unedited/...

//Leeyah POV//

Sa ilang oras ng paghahanda, sa wakas ikakasal na ang kanyang Ate Isabella. Ngayong araw gaganapin ang pagiisang dibdib ng kanyang kapatid at magiging brother-in-law niya na si Kuya Zack.

Nakahanda na ang lahat at ang hinihintay na lang ay ang bride at iyon ang Ate Isabella niya.

Nasa labas na sila ng simbahan at hinhintay ang que para pumasok ang bride. Siyempre kasama sila ng kanyang Mama. Gusto ng kanyang Ate Isabella na siya at ang ina nila ang magdadala nito sa altar at sa magiging kabiyak nito.

"Ganito pala ikakasal. Nakakakaba." Sabin g kanyang Ate.

"Kalma lang. Hindi ka naman bibitayin pagpasok mo, Ate." Biro niya rito.

"Leeyah, tumigil ka diyan. Kinakabahan na nga ang Ate mo." Sita naman ng kanyang ina.

"It's okay, Ma. Effective naman ang pagiging baliw ngayon ni Leeyah."

"Ate!" Grabe. Balik biro din itong kapatid niya.

"Bubuksan ko na po. Congratulations!" Announce ng wedding coordinator.

"Ready, anak?"

"Yes, Ma."

Binuksan na nito ang pinto ng simbahan at sinalubong ng mga bisita ang bride. Maligaya siya sa pinakaimportanteng okasyong ng kanyang kapatid lalo na sa magiging pagbabago ng buhay nito.

Nakaupo siya at ang kanyang Mama sa harapan. Kitang kita sa mukha ng dalawa ang saya habang sinasambit ang mga gustong sabihin sa isa't isa, pagsuot ng sing-sing at pagsambit ng mga katagang "I do".

Habang pinagmamasdan niya ang dalawa, may bigla na lang siyang naaalala? Hindi siya sigurado pero bakit pumasok sa kanyang isipan ang pinaghinipan niya? Palagi na lang at halos paulit-ulit na lang na ikinakasal siya. Nakasuot siya ng putting damit, may dala siyang pulang mga rosas, naglalakad siya papunta sa altar at lalo na sa lalaking pakakasalan niya na hindi man lang niya nasisilayan ang mukha nito!

Hindi naman siya nagmamadaling magka-asawa o bumuo ng pamilya at hindi pa siya handa na ibigay ang kanyang pagkababae sa isang lalaki! Bakit ganoon?

Hindi kaya dahil sa natamo niya noong naaksidente siya ilang taon na ang nakakalipas? Na-comatose siya ng isang taon at sa ilang buwang therapy gumaling din siya at bumalik sa pagaaral. Hindi naman siya humantong sa pagkawala ng alaala kaya alam niya kung anong nangyari sa buhay niya bago ang aksidente.

Bakit ba niya iniisip ito? Baka lang nare-reflect lang yata ang pagpapakasal ng kanyang ate sa kanya kaya ito na ang pumapasok sa isip niya pati na sa panaghinip niya. Sampung taon na ang dalawang engaged kaya iyon siguro ang dahilan. Pagkatapos ng kasal, mawawala din ang paulit-ulit na panaghinip niya.

Yeah, someday dadaan din siya gaya nito. May lalaking makikilala niya, magiging nobyo niya, hihingin ang kamay niya at magpapakasal pero hindi iyan ang first priority niya ngayon. Kakagraduate pa lang niya at hindi pa nakakatikim ng unang swledo so ngayon kailangan sarili muna niya ang iisipin niya. Gagawin muna niyang stable ang kanyang buhay bago siya magkapamilya.

Pagkatapos ng kasal. Lahat ng bisita pati na siya at Mama niya para mag-abang sa bride at groom paglabas sa simbahan. Paglabas ng dalawa, masayang sinabuyan nila ng bigas ang bagong mag-asawa. Lahat masaya para sa dalawa at punong puno ng congratulations at blessings ang binigay ng mga kapamilya at kaibigan ng dalawa.

Sa pagsaboy ng bigas, may nasilayan siyang pigura. Isang matangkad na lalaki na nakatayo lang sa likuran at pinagmamasdan ang mga tao habang dinadaluhan ang kanyang kapatid at brother-in-law. Nakasuot ito ng putting botton shirt, navy blue breasted suit at black pants.

Sandali lang para familiar ang lalaking ito. Nagisip-isip siya saan ba niya ito nakita. Saan nga ba...

"Leeyah! Halika ka, pumunta na tayo sa reception!" Tawag ng kanyang ina.

"Opo, Ma!" Dali-dali siyang sumama rito papunta sa sasakyan. Mamaya na lang niya isipin iyon. Baka kakilala lang ng Kuya Zack niya iyon.

Kasal ng Ate at Kuya niya, ano-ano pa ang pinagiisip niya.

.

//Leeyah POV//

Ni-reserved talaga ng dalawa ang pinakamalaking ballroom para ditto ganapin ang reception. Halos lahat ng mga bisita nage-enjoy mula sa mga mini shows, games, mga masasarap na pagkain at sa nakakaaliw na mga remix musics ng DJ.

"Leeyah! Ayaw mong sumayaw?" Ang Kuya Zack niya.

"Nah. Hindi naman ako marunong sumayaw at ayokong sumayaw. Bakit hindi mo samahan ang si Ate sa dancefloor?" Nasa dancefloor ang kanyang Ate at todo sayaw kasama ang mga kaibigan nito.

"Nah. Parehas lang tayo." Gayang sabi nito. Umupo ito sa tabi niya. "I just let my wife enjoy with her friends. Total pagkatapos nitong celebration, kami na rin naming dalawa ang magkasama."

"Diretso na ba kayo sa honeymoon ninyo?"

"Yes. Sa Maldives ang gusto ng Ate mo at pati na din ako. Mukhang mas excited pa yata siya mag-snorkling at makakita ng mga isa kesa sa kasal."

"Hindi naman. Parang ang tingin ko sa inyo parang wala kaming lahat ditto."

Natawa ito. "Parang ganoon na nga siguro. Leeyah, thank you for being so supportive sa amin ng Ate mo. I can't promise anything but I will assure you, I will never leave your sister."

"Sus! Huwag kang maging artista, Kuya. Hindi na kailangan dahil simula ng pinakilala ka sa amin ni Ate, pagpasok mo palang sa bahay alam na namin na magiging maligaya ang Ate ko sa iyo. Kahit na medyo sumpungin minsan iyon, pinagtiisan mo pa rin."

"Ikaw talaga. Binibiro mo pa rin ang kapatid mo hanggang ngayon."

"Nandiyan lang pala kayo eh! Halina kayo!" Imbita ng kanyang Ate.

"Ang asawa mo hilahin mo, Ate. May ipapakita daw siyang secret dance moves sa iyo."

"Oh?! Talaga? Honey, come on ipakita mo naman sa akin!" Sabay hila sa asawa nito papunta sa dancefloor. Natawa na lang siya ng tinignan siya ng Kuya niya ng masama dahil sa biro niya. Wala na itong magagawa. Kailangan na nitong ipakita ang dance moves sa lovey-dove nito.

Napabaling siya ng tingin sa di kalayuan ng makita na naman niya ang lalaking nakita niya kanina sa simabahan.

Yeah, sure, may hitsura nga ito kaya naintriga siya lalo kung bakit sa mga kasama nito sa iisang lamesa na nagsasaya, ito lang ang hindi. Para bang nago-obserba lang. Hindi ngumingiti o kung ano man ekspresyon na makikita sa mukha nito. Kakilala ba talaga ito ng kanyang Ate at Kuya? Imbitado ba talaga ito sa kasal ng dalawa?

O hindi naman kaya... ito iyong pinaguusapan ng Ate at Mama niya sa bahay nab aka dadalo ang ex-boyfriend nito sa kasal?! Ito ba ang sinasabi nito?! Ni minsan walang ibang lalaking pinakilala ang Ate niya kesa sa Kuya Zack niya.

Mas lalo siyang naintriga rito. Nandito ba ito para sirain ang kasal. Edi sana tumutol na ito kanina sa simbahan, hindi ba? O hindi naman kaya may iba pa itong pinaplano?

Nakita niya na tumayo ito parang pupunta sa labas. Walang kung ano-ano bigla din siyang napatayo at sinundan ang lalaki. Hindi niya alam bakit bigla na lang gumalaw ang kanyang katawan pero kung tama ang iniisip niya...

...mas mabuti ng unahan na niya ito at baka may mangyari pang masama.

Oo, kailangan niyang komprontahan ang lalaking ito ngayon din.

.

.

.

TO BE CONTINUED...

Uncensored Series 2: The Wife's Lost Memories [Dreame/ Yugto APP Teaser Only]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon