''So, bakit ka mag-isa?'' Biglang tanong ni Wilson nang makaalis iyong babae na kumuha ng order namin.

''Yumi doesn't want to come with me'' I honestly answered Him and He just put his two palms on his chin which made him cute! Did I say Wilson is cute in front of me? Shane, This is Crazy! You're Crazy.

''So mag isa ka?'' Pagtatanong niya ulit kaya naman bumuntong hininga ako bago siya sinagot.

''Hindi, kasama na kita. Technically, I'm not alone.'' Pagsagot ko sa kanya at natawa naman siya sa sinagot ko na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

''Sabi ko nga, Shane'' natatawa niyang sabi sa akin kung kaya napailing na lang ako. Sakto naman dumating na iyong order namin dalawa.

Nakangiti akong kumakain, dahil sa sarap ng food. Ang tagal ko na rin pala kasing Hindi nakakain ng Japanese food, And Their food are so great! Babalik ako dito!

''Sarap ba ng food?'' Biglang tanong ni Wilson kaya naman napaangat ako ng tingin sa kanya at nilunok ang kinain ko bago ko siya sagutin.

''Yes! Ang sarap. Babalik ako dito. Their food are delicious!'' I informed him happily at ngumiti naman siya sa akin hanggang sa pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko,. Hindi ako manhid dahil nakikita ko ang bawat tingin sa akin ni Wilson.

Bumalik kaming dalawa sa Hotel ni Wilson, dahil ako para magtrabaho at siya naman para umuwi sa tinutuluyan niya dahil wala pala siyang pasok ngayon, dahil kakabalik niya lang from Manila.

''Thank you, Wilson!'' Nakangiting sabi ko nang makapasok na ako sa Hotel, at ngumiti naman siya sa akin.

''Thank you, Shane. Masaya ako na nakasama kita.'' He said while looking at me intently before letting himself go up in his place.

Gabi na pero nandito pa rin ako sa Resto ng Hotel namin, I just can't sleep kaya bumaba ako para makatulog ako. Mabuti na lang 24 hours bukas ang resturant, para pwedeng tumambay kahit anong oras. Hindi lang ako mag-isa, may ibang nagsstay din dito sa Hotel na narito sa Resturant. They are drinking liquors and the others are having their coffee.

''Mind If I sit?'' Napataas ang tingin ko dahil may biglang nagsalita kaya naman napataas ang kilay ko

''Wilson?'' Mahinang sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin at umupo sa harapan ko. Gabing gabi na ah? Bakit gising pa rin 'to?

''Hi, Gusto ko ng kape, e. Tinatamad ako gumawa sa Condo dahil may tinapos akong mga report'' He explained to me, at sakto may kapeng nilagay sa table namin. Habang ako ay umiinom ng Mango shake dahil kung magkakape ako baka hindi ako makatulog.

''Hindi ka makakatulog n'yan'' Seryosong sabi ko tapos napangisi naman siya bago uminom ng kape niya.

''Concern ka?'' Natatawa niyang sabi kaya naman napairap ako sa kanya

''Sinasabi ko lang, Wilson'' Sagot ko naman sa kanya kaya naman tumawa siya sa harapan ko

''I know right. Anyway, Why are you here at this hour?'' He asked me directly while He is leaning in his chair.

'' I can't sleep, kaya bumaba ako baka sakali antukin ako.'' Pagpapaliwanag ko sa kanya.

We just talked about some random things, about Our day and work. He just told me about His meetings for this day and His day in the office.

''Nakakapagod. Ang dami mong ginawa'' pabiro kong sabi sa kanya at tumawa lang naman siya sa akin

''Yeah, Ngayon lang naman dahil marami lang mga hinahabol ngayon'' Simple niyang sabi sa akin kaya naman napatango ako sa kanya.

''You want some food? So, I can order'' He asked me. Pero napailing ako dahil mas lalo akong hindi makatulog kapag busog, May trabaho pa naman ako bukas!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How We Found LoveWhere stories live. Discover now