Chapter 49: Relationship?!

Comincia dall'inizio
                                    

"Hindi, takot akong malaman niyo ang katotohanan tungkol sakin pag nakita niyo ang nasa loob ng USB" paliwanag ni Elixir kaya nagtaka kaming lahat. So ano palang hindi namin alam tungkol kay Elixir?

"Katotohanan? Anong katotohanan? What in the-" napatigil si Tyco dahil sa nakita niya sa laptop files niya. Tiningnan namin ang laptop at napuno nga ang isang file ng videos

"Why are there tons of videos here? Elixir?!" tanong ni Tyco kay Elixir who just flinched dahil sa sudden na pasermon na tanong ni Tyco. Pero mukhang narealize bigla ni Elixir ang sinasabi ni Tyco kaya tumayo ito at tiningnan ang laptop

"Wait what? But I burned the USB hindi ko naman nilipat lahat sa laptop? How?!" sabi ni Elixir kaya nagulat nalang kami

"Ito yung laman ng USB?" tanong ni Cassidy sakanya na tumango

"Yes" simpleng sabi ni Elixir

"Pero anong katotohanan ba? Anong tinatago mo? Ano bang laman ng mga videos-" tanong ni Tyco sa kaibigan niya na patuloy na pinupunasan ang luha

"Naging karelasyon ko si Gwen" pag amin naman ni Elixir na ikinagulat namin kaya nanatili kaming tahimik

"Elix, hindi ngayon ang time para magbiro ng ganyan" sabi ni Tyco na ngumiti out of frustration

"Nagsasabi siya ng totoo" sabi namin at di namin inaasahan na manggagaling rin sakanya mismo

"Stacy?" tanong ni Cassidy

"Ito last picture namin together" sabi ni Elixir at inilabas ang photo sa wallet niya

"Pero bakit mo tinago? As if hindi kayo magkakilala?" tanong ni Neon

"Kasi ang huling request sakin ni Gwen ay alagaan ang bestfriend niyang si Stacy and the first thing na kailangan kong gawin ay itago ang relasyon namin to the point na hindi ko naisip na pag sinabi ko ito baka makatulong ako sa paghanap kung sino pumatay kay Gwen" sabi ni Elixir na nagsisimula nanamang umiyak pero tinakpan lang niya ang mukha niya. I feel so sad for Elixir, siguro kung titingnan natin ss different perspective. Hindi lang yun yung reason niya

Nahihirapan rin siguro siya magsabi or ilabas ang katotohanan dahil sino ba naman ang hindi masasaktan na isang araw malalaman mo nalang na patay na yung pinakamamahal mong tao sa buong mundo. Break pa nga lang di na kakayanin, mamatay pa kaya?

"Elixir, best friend moko. Why didn't you tell me this?" ani ni Tyco na nagpipigil ng luha kasi kahit siya mismo nasaktan kasi may ganto palang sekretong tinago si Elixir

"Kasi mas pinili kong itago muna at gawin ang request sakin ni Gwen. She means a lot to me and I'm still guilty dahil wala manlang akong nagawa nung mga time na may problema siya.. kaya Stacy hindi ka nag iisa" paliwanag ni Elixir at tumingin kay Stacy who's currently rubbing his back to calm down

"Nanghihingi rin ako ng sorry kay Kisha" sabi ni Elixir at tumingin kay Kisha na napaturo sa sarili niya out of confusion

"Bakit ako nadamay?" tanong ni Kisha at tinaasan si Elixir ng kilay

"Please see for yourself" sabi ni Elixir at nagsignal kay Tyco na pwede na niyang tingnan ang laman ng mga videos

"What? You're sure ipapakita mo na? I thought kailangan mong itago?" tanong ni Scarlet pero umiling si Elixir and smiled bitterly. Truth hurts pero the truth can also set everyone free

LULLABY Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora