Imperfect Love XXXV: Surprise Call

28 2 0
                                    

"Ni hindi nga kita masigawan, ni singhal wala tapos hahayaan ko kang na pagsalitaan ka ng ganoon ng lalaking iyon? Never, kailangan niya muna akong kalabanin bago ka niya masaktan."

"Hindi naman niya ako sasaktan,"

"Iyong mga sinabi niya, hindi ba masakit ang mga iyon?" Bigla siyang tinignan ni Jared habang ang mga mata nito ay nangungusap at puno ng pag-aalala.

"H-hindi."

"Sinungaling, huwag mo na siyang pagtakpan. Narinig kong lahat ang sinabi niya, ni kahit ako ng mismo hindi ko matanggap at malunok ang mga iyon, ikaw pa kaya."

"N-narinig mo lahat ng sinabi niya?"

"Everything," mariin at matigas na sabi pa nito.

Napabuntong-hininga na lamang si Penny, gustuhin man niyang kalimutan ang mga nangyari kanina ay lalo naman niyang naaalala ang lahat ng sinabi ni Julian sa kanya.

He hated her for sure, he even fired her and that's how angry he is.

Pero sa kabilang banda ay wala naman siyang pimagsisihan sa nangyari. Ang importanemte sa kanya ay natulungan niya si Jayden at ang mama nito.

"Ano nang plano mo?"

"Hindi ko pa alam, baka mag-apply na lang ako sa pinagtatrabahuhan ni KC. Bahala na si Batman."

"Hay naku, I'll contact some of my friends. For sure naman makakahanap tayo ng pwe-"

"Hep!" Pigil niya sa iba pang sasabihin nito. "Kumalma ka pwede? Huwag ka nang magtatawag ng kung sino-sino at lalo nang huwag ka nang mag-abala na ipasok ako sa mga kaibigan mo."

"At bakit?"

"I want to stand on my own, Jared. Gusto kong patunayan sa sarili ko at sa mga magulang ko na kaya ko... I mean sa mga kinilala kong magulang. Ayokong isipin ng ibang tao na ginagamit ko ang pagkakaibigan natin for my advantage."

"Hindi naman ganon ang iniisip ko."

"Alam ko, pero how will I be able to survive on my own kung palagi ka namang nandiyan para saluhin ako."

"Ano mo ba ako?"

"Jared naman, hindi naman porket magkaibigan tayo eh tatanggapin ko na ang lahat ng kahit anong ibigay mo. Gusto ko rin naman maranasan lahat sa sarili ko, gusto kong magsumikap at gusto kong sabihin sa sarili ko na kaya ko."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Jared habang nagmamaneho. Napangiti naman siya habang tinitignan ito at saka naman siya nito tinignan saglit bago muling ituon ang paningin sa kalsada.

"Bakit?"

"Wala naman, iniisip ko lang na ang swerte ko kasi nandiyan ka."

He simply smile at nang mga sandaling iyon ay umaliwalas na ang mukhan ni Jared kumpara kanina.

"I must've been doing a lot of good deeds noong past life ko dahil binigyan ako ngayon ni Lord ng kaibigan na alam kong hindig-hindi ako pababayaan. That is why I am thankful."

"Para saan?"

"Sa pananagtiling kaibigan ko kahit pa nag-iba na ang estado mo sa buhay. Biruin mo, mula sa pagiging kaklase ko lang noong elementary hanggang sa malaman mo na apo ka pala ng isa sa mayayayamang angkan dito, you remained humble at higit sa lahat, eh hindi mo ako kinik-out sa buhay mo."

"At bakit ko naman gagawin ang bagay na iyon?"

"Syempre, dahil mayaman ka na."

"Ang arte mo, hindi naman ako ang mayaman kung hindi ang papa at lolo ko"

"Kahit na, sa inyo rin namang magpipinsan mapupunta ang mga iyon."

"Hindi rin,"

"Hay naku, basta, tigilan mo na ang kakaintindi sa akin pwede ba? Get a life, alam kong namiss mo ako pero huwag naman ganito. Ayoko namang maguilty na baka tumandang binata ka ng dahil sa akin."

"Excuse me, I can get any woman I want, ayoko pa lang."

"At bakit?"

"May hinihintay kasi ako, hinihintay ko pa siyang matauhan at makita ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya."

"Bulag ba iyan? Jusko, sino iyan? Pakilala mo sa akin nang mapintahan."

Ngumiti lang si Jared at saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Namg maihatid siya ng binata ay nagpaalam na ito sa kanya. Niyaya niya itong kumain dahil nagluto si KC ng paborito niyang carbonara ngunit tumanggi na si Jared matapos sabihing may kailangan pa itong puntahan.

"Thank you ulit." Sabi ni Penny kay Jared.

"Don't mention it, magpahinga ka na. Wala ka nang pasoo bukas kaya hindi mo na kailangan gumising ng maaga."

"May mga naiwan pa akong gamit sa opisina, paano ko kaya makukuha ang mga i-"

"Huwag ka nang mag-alala, ako na ang magpapadala ng mga gamit mo rito bukas pagpasok ko. Kailangan ko rin magturn-over kay Blue."

Natawa siya ng bahagya sa pagkakabanggit sa pangalan ni Blue. Naisip at nakikinita na niya ang magiging reaksyon nito oras na malamang nitong nagresign si Jared at pati na rin siya.

"Sigurado akong mainit ang ulo niya bukas pagkausap mo sa kanya."

"Sanay na ako roon," tinignan siya ni Jared habang nagpipigil ring mapangiti dahil sa sinabi nito. "Ganon lang naman siya, wala naman siyang choice. Ayaw sa akin boss niya, kaya magdusa siya."

"Hindi naman siguro sa ayaw."

Kunwari ay tinignan siya ni Jared ng masama, napasenyas naman siya na parang ziniper niya ang bibig niya.

"Ayan ka na naman, pinagresign ka na nga at lahat pimagtatanggol mo pa rin."

"Hindi ko siya pinagtatanggol, ang akin lang, baka hindi mo siya binibigyan ng chance na maging okay kayo."

"Hindi na kami magiging okay, okay?"

"Bahala ka nga,"

------

Nakaalis na si Jared, nakapasok na rin siya sa bahay at agad na nagtungo sa silid niya. Napabuntong-hininga na lamang siya habang umuupo sa kama na dala ng pagod at sa dami ng nangyari.

Literal na jobless na siya ngayon at walang kahit anong pumapasok sa isip niya. Pero isa lang ang alam niya at nararamdaman niya dahil sa nangyari.

"At least okay na sila, iyon naman ang importante." Sabi pa niya sa sarili kasabay ng paghiga sa kama.

"Ano nang gagawin mo ngayon, Penny?" Nagpatuloy siyang kausapin ang sarili niya hanggang sa bigla siyang mapabalikwas ng bangon matapos tumunog ng telepono niya.

Agad niyang sinagot iyon at nabosesan naman niya ang tao mula sa kabilang linya.

"Ako 'to." Sabi ng taong kausap niya na halata sa boses ang pagiging mataray at istrikto.

At isa lang ang alam niyang may ganoong tono ng boses.

Wala iyong iba kung hindi ang kapatid niya

Imperfect LoveWhere stories live. Discover now