Imperfect Love LX: Last Straw

21 2 0
                                    

Halos buong araw na tila wala sa sa sarili niya si Penny. Nagtatrabaho siya  ngunit tila naman wala sa opisina ang huwisyo niya at tila nasa kung saan iyon.

"Here,"

Nag-angat siya ng mukha at nakitang naroon si Julian, inilapag nito sa mesa niya ang isang banana milk at saka siya sinserong nginitian.

"Kanina ka pa hindi makausap, kahit si Blue, sabi niya parang may iba sa iyo. May nangyari ba? Gusto mo ng kausap?"

Marahan siyang umiling, wala siya sa mood sa labas at malis ngayong araw. Ang tanging nais lang niyang gawin ay ang magpahinga at matulog.

Ngunit sa halip na sabihin at ipaalam iyon sa binata ay pinili na lamang ni Penny na umiling at tipid ma ngumiti sa binata.

"Wala ito, baka pagod lang."

"Galing kang ospital? Doon ka ba natulog?"

"Oo, kailangan pang magtagal ni Papa roon para sa ilan pang mga test, kapag okay ang resulta, saka pa lang namin malalaman kung pwede na siyang umuwi." Aniya kay Julian.

"So doon ka ulit uuwi mamaya?"

"Hindi, sa bahay ako uuwi mamaya. Ang sabi ni Mama eh siya na raw muna ang magbabantay sa Papa."

"Sige, then ihahatid na kita. I know you're tired at halata naman sa itsura mo."

Magsasalita pa sana siya ngunit mabilis siya nitong pinigilan at nagsalita itong muli.

"Huwag mo nang balaking tumanggi, I won't take no for an answer. Isa pa, may pupuntahan din ako at along the way ang bahay mo so don't try to make excuses para lang hindi kita maihatid. Sinasabi ko na sa iyo, it's not gonna work."

At hindi na nakakontra pa si Penny.

Tutal ay totoo namanang sinabi jitong mukha siyang pagod, lately, pakiramdam niya ay parang nawawalan siya ng lakas. She's not the same Penny that she used to be, marahil dahil sa dami rin ng nangyayari sa kanya, sa Papa niya, kay Jared at sa babae sa restaurant na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isip niya.

"Wala na po akong sinabi,"

"Good, I'll see you later."

Magpatuloy siya sa pagtatrabaho, buong araw siyang naging abala at ipinagpasalamat niya iyon dahil kahit papaano ay nakalimot siya sa mga pimagdadaanan niya kahit saglit.

Nakatanggap siya ng mensahe mula sa Mama niya na nagsasabing okay naman daw ang sabi ng doktor sa Papa niya. May ilang test lang na kailangamg gawin dito at kapag normal naman ang resulta ay pwede na itong makauwi.

Tinawagan niya ang Mama niya upang makausap ito at masiguro ang sinabi nito sa kanya.

"Mabuti maman po," sabi niya rito nang marinig mula sa ginang ang simabi nito kanina sa text message.

"Hija, just relax. Alam ko na marami ka nang iniisip ngayon at ayaw naman namin ng Papa mo na makadagdag pa kami sa inaalala mo."

"How can I not think of you and Papa,  hindi niyo naman na po iyon maalis sa akin."

"Alam ko naman ang bagay na iyon, Hija. Ang sa akin lang, don't worry too much lalo na sa amin ng Papa mo. You already have so much on your plate, at alam namin na may mga pinagdadaanan ka kahit pa hindi ka magsabi."

Ramdam niya ang bawat salita ng Mama niya habang kausap siya, wala siyang sinasabi ritong kahit ano, maliban na lang noong isang beses na manggaling si Jared sa ospital at magtalo sila, ibinuhos niyang lahat sa mama niya at sa pag-iyak ang sama ng loob niya noon para sa kaibigan.

Imperfect LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora