078

131 3 0
                                    

Dave's POV

[ Ito yung kakarating pa lang nila sa Private Beach nila Skie. So bali yung mga nauna kong update ay ito ang flashback. Thankies ]

_____

Pumunta kami ng mga kaibigan ko ngayon sa private beach ng kaibigan kong si Skie. Matagal na rin kaming magkakilala at magkakaibigan. Halos lahat ata ng mga ka-cornyhan namin nung Junior High at Senior High ay nawitness namin isa-isa.

Hindi naging madali ang pagpunta namin dito dahil sa magkaaway kami ni Steven dahil sa nangyari noon. Isa pa yung issue ko nung nakaraan dahil sa company.


Ang totoo ayokong sumama pero iba kapag si Skie na ang nagyaya at nagalit. Kaya sumama na lang rin ako.



”Ang sabi ko naman kasi sa ’yo , Dave. Mag-iingat ka sa mga issues kasi ikaw ang nasa spotlight. ” Mahinahon na sambit ni Skie pero alam kong naiinis na siya sa akin dahil ilang oras na siyang nagsesermon ay wala pa rin siyang nakukuhang sagot sa akin.


”Tumigil kana nga Skie! Nandito tayo para magbakasyon okay? Para kumalma yung mga utak niyo!” Awat naman ni Josh. Imbis na pansinin pa sila ay agad akong tumayo at kinuha ang cellphone ko.


Ngunit pinigilan ako ni Steven at Keilo. Hindi ko sila maintindihan pero parang may sinesenyasan sila sa likod ko. Nagtataka na talaga ako kasi hindi naman sila ganito ka-weird umakto.


Si Steven siguro. Sanay na kami sa pagiging magulo non. Natural na sa kanya ’yon pero kay Keilo hindi.




”Sorry na tol. Kung inaway kita sa gc alam mo naman kasi na natatakot lang talaga akong mangyari ulit yung dati. ” Paghingi ng tawad ni Steven dahilan kaya napuno ng tawanan ang kwarto namin...


Tumango lang ako at kinuha ang unan sa kama tsaka inihampas ’yon kay Steven. Hindi naman talaga madaling kalimutan kung ano ang nangyari noon dahil muntik na ’yong makasira ng pagkakaibigan namin...


”Sige na, Grabe na talaga kayo! ” Angal ni Steven dahil patuloy pa rin siyang ginugulo nila Josh.


Tumunog naman ang cellphone ko at nakita ko na naman ang chats ni user bfkosidave. Hindi ko alam kung bakit lagi siyang nakatambay sa convo namin. Madalas nagpapasalamat ako sa mga comforting words na sine-send niya. Lalo na nung nakaraan dahil sa issue.


Minsan sa buhay ko naranasan ko ulit 'to. Yung maging mahalaga kahit na nagkakamali ako.


”Uy si Dave nagbibinata na!!” pag-aanunsyo ni Keilo sa mga tropa namin dahil nakita niyang binabasa ko ang chats nung user bfkosidave.


”Manahimik ka nga!”



”Hindi pre , grabe ka naman ang damot mo porke chats ni bfkosidave! ”


”Wala namang meaning ’yon. Natutuwa lang ako sa kanya ayun na ’yon. ” Madiin na sambit ko at inilayo na sa kanila ang cellphone ko. Napangiti naman ako dahil sa mga chats niya at mga tweets niya. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako.

Sino ka nga ba talaga? User Bfkosidave.
Bakit interesado ako sa ’yo at kahit minsan nalilito ako sa mga pinagsasabi mo ay gusto kong makilala kung sino kaba talaga...

Made for you , Dave.Where stories live. Discover now