CHAPTER 003 - Never Gonna Happen

Start from the beginning
                                    

           "You get so furious at simple jokes, Trinity. Kaya walang lalaking nagkakagusto sa'yo kahit maganda ka." Napailing si Gene at dinala ang kamay sa ibabaw ng ulo niya. He was wearing his dirty gloves at wala itong pakialam kahit na marumihan ang buhok niya. At tulad ng madalas nitong gawin, he ruffled her hair. "Ikaw na rin ang nagsabi, malapit ka nang lumampas sa kalendaryo. Grow up."

           Inis niyang tinabig ang kamay nito. "Hindi ako umaastang bata, Genesis. Desperation drives me nuts. Sa mga lalaki ay walang kaso kung umabot sila ng cuarenta bago mag-asawa. Iba sa mga babae. Kapag lumampas lang kami sa trenta at wala pa ring sariling pamilya, we get judgments, sometimes sympathy. Ayaw kong pagdaanan ang judgement at simpatya ng mga tao, ano."

           Napailing si Gene at ibinalik ang pansin sa ginagawa. "Ang laki ng problema mo."

           Kumunyapit siya sa braso nito at hindi pinansin ang pawis na pumuno roon. She was used to it, anyway. Walang araw na hindi ito pawisan dahil araw-araw ay nasa workshop lang ito upang mag-ayos ng mga sirang sasakyan o kung hindi man ay nasa service.

           Si Genesis ay nagtapos sa kursong mechanical engineering, habang siya naman ay kumuha ng accounting course. Hindi niya alam kung papaano siyang nakapagtapos, pero nagawa niyang pumasa at ngayon ay nagta-trabaho bilang finance support sa isang insurance company. Nang makapagtapos sila ay kaagad na nagbukas ng negosyo si Gene sa tulong ng perang minana sa ama. Itinayo nito ang talyer/workshop sa katabing lote ng nabiling bahay sa isang subdivision sa bayan ng Ramirez. Doon sa workshop nito tinatanggap ang mga sasakyang nangangailangan ng repair o upgrade. At mapili rin ang mokong, hindi ito tumatanggap ng simpleng sasakyan lang. It has to be a sports car, luxury car, or racing vehicle. Ayon dito'y mas maganda ang makina ng mga ganoong sasakyan at nacha-challenge ito kaya ganoon. Noong una'y madalang ang mga nagpapa-service kay Gene, pero kalaunan ay dumami ang mga kliyente nito nang kinaibigan nito ang isa sa mga maintenance field technicians ng pinakamalaking race track sa kabilang bayan. Then, he was introduced to several wealthy men who owns luxury cars, at ito na ang ginawang resident mechanical engineer ng mga taong iyon. Eksklusibong mekaniko sa ibang termino.

           Gene had a two-bedroom house with a huge garage. Ang garahe na iyon ay giniba nito at ini-dugtong sa pinatayong workshop sa katabing lote upang lalo iyong lumawak. At ito mismo ay may mamahaling motorbike at pick up truck na doon rin nito ini-gagarahe sa loob ng workshop.

           Sa laki ng workshop nito'y kakasya ang tatlong sasakyan maliban pa sa pag-aari nito, at sa paligid ng shop ay may naka-install na mga shelves kung saan naka-organisa ang lahat ng tools, kasama na ang mga spray paints, spare parts, at mga gulong dahil minsan ay nagko-customize din ito ng sports cars. His warehouse was getting crowded, actually... at may gusto siyang i-suhestiyon kay Gene upang mapalawak pa ang business nito.

           Sa umaga, bago pumasok sa trabaho, ay pumupunta siya sa bahay ng kaibigan upang sabay silang mag-almusal. Her job started at 10am, so they still had time to chitchat. Kapag paalis na siya ay saka naman mag-uumpisa sa trabaho nito si Gene. Pagdating ng hapon, pagkatapos ng trabaho niya'y doon din sa bahay ng kaibigan ang destinasyon niya. Siya ang magluluto ng hapunan at sabay silang kakain. They'd watch movie after dinner, then she would come home around 10 or 11 in the evening.

           Same routine the next day.

           Minsan nga ay doon na siya natutulog, at may mga naiwan na siyang damit sa bahay ng kaibigan. At kapag doon siya nag-o-overnight ay sa sala sila natutulog ni Gene; sa couch siya habang nasa matress naman ito katabi ng couch.

Walong taon na silang nakatira ni Gene sa Ramirez. Nang magtapos sila sa kolehiyo at nang nagpasya si Gene na lilipat sa ibang bayan upang magsimula at tumayo sa sariling mga paa ay kaagad siyang sumama. Tuwing Sabado ay umuuwi siya sa Asteria upang dalawin ang ina na naninirahan kasama ang matanda nilang katulong. Huli na nang malaman niyang may sakit ito; and her mother's cancer had gotten worse each day. Simula nang maospital ang mommy niya hanggang sa tuluyan itong namaalam ay hindi siya umalis sa tabi nito. And Gene would also be there for her.

KEEP ME CLOSE (Isaac Genesis Zodiac)Where stories live. Discover now