Tinatamad na kasi kaming kumain kaya matutulog na lang kami. Kakain lang siguro kami bukas.

“Sige. Pakisabi kay Kuya Santi, goodnight. Thank you!” Nginitian niya ako at parang kinikilig na umalis.

My forehead furrowed. Landing bata!

“Mag-aral ka muna. Jusko!” sigaw ko bago padabog na sinarado ang pinto.

Pinsan ko 'yon kaya hindi uubra sa akin ang kaharutan niya. At saka bata pa siya, magpalaki muna siya bago lumandi.

I'm twenty-one na kaya puwede na ako.

“Pogi ko talaga 'no?”

Matalim kong nilingon si Santi. Pangiti-ngiti pa siya. Pasalamat siya anak siya ni Tita Crisanta, magkamukha sila kaya given na may itsura siya. Kanino pa ba magmamana? Ganda ni Tita, e.

Hindi na lang ako nagsalita at baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. Inaantok na rin kasi ako. I wanna sleep.

Maaga kaming nagising ni Santi kinabukasan. Uuwi na kami kaya hindi kami puwedeng magpagabi sa daan.

“Mag-ingat kayo, Apo. Ito, oh, pasalubong. Bigay mo sa Mama mo.”

Ngumiti ako at kinuha ang inaabot sa akin ni Lola na kahon. Hindi iyon kalakahihan, pero punong-puno ng mga pampasalubong.

“Salama po, Lola.” Niyakap ko siya.

“Salamat po,“ ani naman ni Santi at nagmano kay Lola. Niyakap naman siya ni Lola.

Pagkatapos naming magpaalam, umalis na kami ni Santi. Ako ang nagmamaneho kasi medyo masakit daw ang ulo ng kasama ko.

Ayan kasi, paulan pa more!

“Bakit hindi mo sinabi kanina na masama pala ang pakiramdam mo? Hindi na sana muna tayo umalis.” Nagmamaneho lang ako pero hindi mawala kay Santi ang atensyon ko. Tigas kasi ng ulo.

“Masakit lang naman ang ulo ko. No big deal.”

“No big deal ka diyan, kapag nagkasakit ka yari ako sa Mama mo.” Tiningnan ko siya sa rear mirror. Nakapikit lang siya at nakasandal sa upuan habang hinihilot ang sariling sintido.

I sigh.

Ngayon alam ko na ang feeling kung paano maging magulang. Mabuti na lang may free trial para ready na ako sa kambal.

Huwag naman sana sila kasing tigas ng ulo ng Kuya Santi nila. Baka ibalik ko sila sa matres ni Tita Crisanta.

Pinarada ko lang ang kotse bago ako naunang bumaba at pinagbuksan ng pinto si Santi. Kawawa naman ang bata, baka magsumbong sa Mama kapag hindi ko inalagaan.

“Gago, masakit lang ang ulo ko. Hindi ako baldado.” Hinawi niya ang kamay ko bago marahan at maingat na bumaba ng kotse.

Hinayaan ko lang siya at pinanood ang mabagal niyang paggalaw. Naningkit ang mga mata ko.

Masakit lang ba talaga ang ulo niya?

“Ako na kukuha ng mga bag.” Hinarangan ko siya sa pinto sa likod.

“Aalis ka diyan o tatadyakan kita?” pananakot niya kaya agad akong lumayo sa pinto.

Mukhang masakit nga lang ang ulo. Mahirap na baka may mabasag. Sayang.

“Umuwi ka na muna, magpapahinga lang ako saglit bago tayo umalis.”

Nabitawan ko ang hawak kong bag na kakakuha ko lang sa likod ng kan'yang kotse. Anong pinagsasabi niyang aalis?

✔ || Hot Mom Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz