“Mayaman ka naman, bakit ako mag-po-problema? Ikaw ang may gusto na huwag akong aalis kaya panagutan mo ako. Isusumbong talaga kita kay Tita kapag pinabayaan mo lang ako.”

I chuckled. “As if naman, baka nga pasunurin ka pa ni Mama sa pamilya mo sa states. Gold ka, girl?”

“Gago ka, ah! Baka ikaw ang palayasin ko kapag mag-asawa na kami ng Mama mo.”

Bigla akong nawala sa mood at kunot noo siyang tiningnan sa rear mirror. “Desisyon ka? Feeling pakakasalan.” I tsked.

Hindi naman sa tumututol ako at ayaw ko, nakakagulat lang na may possibility nga pala na mangyari 'yon. Kailangan ko lang siguro na ihanda muna ang sarili ko bago pa mangyari ang kasalan na 'yon.

Matagal pa naman siguro, makakapaghanda pa ako.

Nasa Batangas na kami. Nagsimula na kami agad ni Sevi. Naghiwalay na rin kami para mas madali kaming matapos.

Isa-isa kong pinagtanungan ang mga nakakasalubong ko. May pinapakita lang akong picture para mas madali ang paghahanap namin.

“Miss, nakita niyo po ba---”

“Hindi, ho. Pasensya na.”

“Sir, baka po nakita niyo itong babaeng 'to. Ganito po siya katangka---”

“Aba ay hindi.”

“Ate, excuse po, baka po nakita niyo itong babaeng 'to?” tanong ko sa isang babae na mag-isang nakaupo sa may bench. Nasa parang parke kasi ako, at hindi ko alam kung anong lugar ito.

Marami na rin akong napagtatanungan kakalakad pero kahit isa walang nakakakilala kay Mama.

Tiningnan lang ni Ate iyong picture bago tumingin sa akin. “Hindi po. Kapatid mo ga?” usisa pa niya.

If I'm not mistaken, she's asking me if that woman in the picture was my sister. Sounds like.

Umiling ako. “Nanay ko po.” I smiled. Nagpaalam na rin ako na hahanapin ko pa si Mama. Baka kasi makipagkwentuhan pa sa akin.

Aware naman ako na bata pa si Mama at talagang parang magkapatid lang kami. Kaya nga minsan nasasanay na lang ako.

Magdidilim na nang muli kaming magkita ni Sevi sa kotse ko. Katulad ko, para siyang pagod na pagod na rin.

“Hanap na tayo ng matutulugan?” tanong ko bago pumasok ng kotse.

“Huwag na. May kamag-anak kami dito. Ako na lang magmamaneho,” aniya.

Tumango na lang ako bago kami nagpalitan ng puwesto. Makakatipid naman kami kahit papaano.

Ilang minutong biyahe lang nakarating na kami agad sa bahay ng kamag-anak nila Sevi. Kinuha muna namin lahat ng mga dala naming bag bago kami pumasok.

Gusto ko na lang maligo at matulog sa sobrang pagod.

“Lola! I'm home!”

Nilingon ko si Sevi sa sinabi niya. Lola niya? Hindi nagsasabi ang baliw na 'to, buhay pa pala ang Lola niya.

Mukhang napansin ni Sevi ang pagtingin ko sa kan'ya kaya nilingon niya ako. “Don't worry, hindi masama ugali ng Lola ko.” He smiled.

Napangiti na lang din ako. That's nice. Ayoko nang makipagtalo sa mga matatanda, nakakabawas points sa langit. Mag-ta-tantrums talaga ako kay San Pedro kung hanggang kamatayan makakasama ko si Lola.

“Apo! Kumusta?” Lumabas ang isang matandang babae na halos puti na ang buhok at nakadaster. Siya siguro ang Lola ni Sevi.

Nilapitan at niyakap agad siya ni Sevi. “Ayos lang po ako. Kayo po dito?” Sevi asked.

✔ || Hot Mom Donde viven las historias. Descúbrelo ahora