So, ayon. Lagi na si Fel kasabay ko on the way sa school but it infuriates me lang na sobrang aga niya lagi. Alam kong strict si Miss Costales sa time but seriously sobrang aga niya.

Tapos kanina, where I am doing my makeup maririnig ko na lang busina ng kotse nila kaya ang ending sa kotse pa ako nag ayos. Buti na lang ay nakapag bihis na ako that time

"Here."

May nag lapag ng isang orange sa aking lamesa kaya tumingin ako sa may gawa noon at nakita si Miss na ngayon ay naka-krus ang mga braso habang nakatingin sa kawalan. Hindi rin naman mawawala sa aking paningin ang bahagyang pamumula ng mukha nito.

Matapos kasi ng huling pag-uusap na ginawa namin ni Miss sa ospital noon ay hindi na muli kami nag-usap dahil sa napagkasunduan namin.

I told her naman that time that we should try but she insisted na I go on my own as she don't want me to be distracted. I don't know but her, doing that, hindi ko maiwasan isipan na, is she doing this because she's slowly moving on from me?

I heard from one of the professors kasi na may nagtatangka na manligaw dito na professor din. Agad akong nag overthink ng dahil doon sa narinig.

I didn't mean to eavesdrop that time pero sadyang malakas lang boses nila.

I want to ask her but because of the line she draw between us, I can't.

I miss her, there's no doubt in that. I always find myself crying dahil sa sobrang pagka-miss ko dito pero wala naman kaming magagawa dahil professor pa rin siya sa pinapasukan kong paaralan at higit sa lahat President din ng university.

However, I always found her watching me lalo na tuwing may lumalapit sa akin na hindi ko naman kilala at sinasamaan ito ng tingin kaya ang ending, umaalis ang kausap ko dahil sa takot na mabugahan ng apoy nito.

"Mamaya mo na titigan si Miss at kainin na 'yan. Gutom ka na, 'di ba?" Rinig kong sabi ni Soleil sa nang-aasar na boses kaya dahan dahan akong bumaling at inirapan ito ng bongga. Napaka epal niya lagi!

Kinuha ko na ang orange para magsimula ng baltan ito pero nagsalita pa si Soleil na nagpatigil sa akin.

"Future insan! Kung pwede daw, ikaw na din ang magbalat!" sabi nito kaya nanlalaki ang mata na bumaling ako dito habang umiling iling with matching shaking hands pa.

"Hindi na! Kaya ko na!" Histerikal kong sabi, nanlalaki pa rin ang mata pero si Miss ay lumapit pa rin sa akin at kinuha ang orange sa aking kamay para siya na ang magbalat nito.

Napapikit nalang ako sa inis at kinurot ang tagiliran ni Soleil, "Sarap ibusal ang bibig mo, peste!" I hissed and glare at her.

Kung ngayon na wala si Dione, ito naman si Soleil ang pumalit sa kaniyang pwesto para pag trip-an ako. Nakakainis lang!

Naghintay lang naman ako na matapos ito sa pagbabalat at minsan ay tinitingnan ng masama si Soleil tuwing naalala ang ginawa nito na may kasamang kurot.

"Here." sabi nito ng matapos sa pagbabalat at nilagay ang orange sa lamesa ng nakapatong sa balat nito.

Tumingin naman ako dito ng namumula ang mukha, "Thank you." Mahina kong saad and happily eat the orange.

She smiled at me and that's enough to make my day brighter.

"Uh, Felicity." tawag ni Miss kay Fel kaya tumingin kami sa kaniya. "Esther wants to talk to you. She said that you can meet her at the library."

"Uy tago." biglang usal ni Soleil at tinaas ang kilay kay Fel. Napairap naman ang isa sa kabila ng pamumula ng mukha bago ibato kay Soleil ang chips na hawak.

Splintered Heart (Eastwood University Series #1) ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora