Chapter Twenty-Nine: Suspicious

779 87 60
                                    

"Siyempre kinumbinsi ko sila na hindi nga totoo ang sinabi mo, Raven! Inamin kong lumabas nga ako ng house tapos nakita ko kayo sa hallway kaya sumunod ako! Pero hindi man lang sila nagreact! Hindi sila naniwala!"

Maybe I'm just overthinking things? I mean, talaga namang hindi pwedeng ako 'yon. Baka feelingera lang talaga ako. It was only my name in the book and Sarienne's whispers. Baka nga hindi pala si Sarienne iyong nakakausap ko at nagpapanggap lang! Saka Raia lang naman ang nakalagay, hindi Raia Venetia... Sa dami ng tao sa mundong 'to, talaga bang ako 'yon sa tingin ko?

"Kaya kinumbinsi ko din 'tong si Azriel na magsalita nga! Pero kahit siya hindi pinaniwalaan! Kahit nga si Tamara na hindi tumigil sa pagtatanggol sa'yo, hindi man lang pinakinggan. Pinabalik lang kami sa house kung saan doon naman nag-iingay si Beatrix."

I burrowed my face in my hands. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi dulot ng pagkahiya. Nakakapagpaka-baliw na ata ang Salière na 'yon dahil kung ano-ano na ang naiisip ko!

"Tapos... Nakikinig ba si Raven sa'kin?"

But then... I mean, without all those strange actions and words, I wouldn't arrive at such a conclusion. Bakit ba kasi ako tinatawag ng Tsukishima na 'yon ng little sister? Hindi ko naman siya kuya ah! Tsaka ano ba ang trip ng War at Ruin na 'yon at ako pinagdiskitahan?

"She's been like that ever since she got back from the Salière. Siguro ay napakasama ng nangyari sa kaniya do'n."

Don't tell me... they just found out the prophecy and because my name seems to be connected with all this shit, they were just desperate to capture me?

Hinampas ko ang mesa at narinig ang impit na sigaw ni Griffin. Itinaas ko ang masamang tingin sa kaniya kaya mas lalo siyang namutla. He was raising his fork, holding it against me as if it would protect him. Akala mo naman hindi siya malaking tao kumpara sa'kin.

Azriel narrowed his eyes at him before moving slightly away. Napaawang naman ang labi ni Tamara. She looked at Griffin as if she couldn't believe such an airhead exists.

"Okay ka lang?" tanong pa niya.

Griffin pointed the fork at me. "Ba't ako?! Siya 'yong biglang naghahampas ng mesa ah!"

"Hindi naman siya ang tumalon at sumigaw e. Ikaw." Giovanni, who was sitting beside me, inserted. Sinulyapan niya ako nang may ngisi sa labi. "Ba't mukhang bad mood ka, Raven? Are you finally done with all your detentions?"

"Sino ba hindi maba-bad mood kung kayong dalawa ni Griffin lagi kong nakikita." I grumbled, continuing my breakfast.

It was only seven in the morning. Limang oras lang ang naging tulog ko mula sa pagpapalabas sa'kin ni Ellis. They made me leave early, with Ellis muttering about how locking me in Salière won't do any good. I tried asking her about what happened in the forest that weekend but she dodged it with a lecture about my school behavior.

Sa lahat ng taong nakilala ko, si Ellis ang pinakaayaw kong pagtanungan. Maliban sa hindi maganda ang relasyon namin mula pagkabata, she also never breaks her promises. Kaya if she promised to keep her mouth shut, she will. Kahit na kunin mo pa ang dila niya at ipasagot sa ibang tao, she would never spill anything. She's as stubborn as I am, but replace fights with information.

Giovanni shrugged. "Just wondering. Parang mas marami ka na kasing attendance sa detention. I don't even remember when you last attended class!"

"That's just because your memory is shit."

Hinawakan niya ang dibdib na parang ininsulto ko ang buong angkan niya sa sinabi. "Oh my goodness!" he turned to the uninterested Damon. "Damon! Narinig mo ba ang sinabi ni Raven sa'kin? She just insulted me!"

Soulstone AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon