"I don't know, pero kahit ano pang gawin o sabihin ni mama, I will not give you up, I won't let anything or anyone destroy what we have right now, Reihan. I've waited so long for this relationship between us to happen." Napangiti ako sa isinagot niya saakin habang hinahaplos-haplos niya ang buhok ko. Inangat ko ang ulo ko at inalipit ko iyon sakanya. Pareho kaming napangiti sa isa't-isa.

"Arken, promise me that whatever trouble that will come our way, you'll always be with me." Nakikiusap kong sabi sakanya habang pareho kaming nakatitig sa mata ng isa't-isa. Ngumiti siya saakin at hinawakan ang pisnge ko.

"I promise, I'll always be by your side, love." He finally promised and claimed my lips. Tinugon ko ang mga halik niya at ilang minuto kaming naghalikan bago ko naramdaman ang malilikot niyang kamay sa pang-upo ko. Napangiti ako at i-aangat ko na sana ang damit niya nang biglang may kumatok sa pinto namin. Agad akong napabalikwas ng bangon at umalis sa ibabaw niya. Napamura naman si Arken nang makitang muntikan pa ako mahulog sa kama dahil sa gulat.

"Hey, be careful." Mahina niyang singhal pero hindi ko na siya pinansin dahil nagsalita ang kumatok sa pinto namin.

"Rei? Reihan? Are you there, dre?" Boses iyon ni Liam. Naningkit ang mata ko at pareho kaming napasinghal ni Arken. Akala ko si mama!

"Nandito ako, pasok!" Sigaw ko. Umayos naman ng upo si Arken sa likod ko at inakbayan ako. Pumasok nga si Liam at nakita kong kunot na kunot ang noo niya at parang galit.

"Samahan mo nga ako, pre." Sabi niya agad saakin habang ang tingin niya ay iniiwas niya saamin. Pinagkunotan ko naman siya ng noo. Anong nangyari dito?

"Saan? Bakit parang stress ka?" Tanong ko. Napasinghal naman siya at ipinadyak pa ang paa bago nagsalita. Baliw.

"Susundan ko si Elizer, mukhang may ka-meet up na iba!" Singhal niya ulit. Natameme naman kami pareho ni Arken at nagkatinginan pa dahil halatang inis nga si Liam.

You're really dead, Eli.

---

"Sigurado ka bang dito?" Tanong ko kay Liam habang pareho kaming nagtatago sa isang underground parking lot ng isang hotel. Na-t-track niya daw kasi kung nasaan si Eli at nakita niyang nasa isang hotel ang loko at kanina pa daw si Eli nandito. Eto nga kami at hinihintay na lumabas ang gago dahil ayaw naman ni Liam na pumasok kami sa hotel para lang makita kung sino ang kasama ni Eli.

"Sigurado, kanina pa yun, paniguradong palabas na din yun." Seryoso niyang sabi habang tutok na tutok ang mga mata sa elevator na exit ng hotel. Nandito na kami sa isang sulok sa parking lot kung saan nakita nga namin ang kotse ni Eli. Napangiwi ako. Lintek ka talaga kay Liam, Elizer.

"Teka nga, bakit ba natin 'to ginagawa? Jowa ka ba?" Naguguluhan kong tanong. Ang alam ko kasi ay may nangyayari sakanila pero hindi naman sila. Nilingon niya ako at tumalas ang tingin niya saakin. Napangiwi ako at napailag.

"Bwesit ka, kahit na hindi kami, kung si Arken 'to sa tingin mo hindi mo 'to gagawin? Syempre gusto kong malaman kung may kinakalantari pa siyang iba bukod saakin!" Napaungot ako sa sinabi niya. Nadamay pa nga si Arken.

"Oo na, pero bakit natin kailangan mag tago?" Pwede naman namin bulagain si Eli pagkalabas pa lang niya sa elevator.

"Shh! Ayan na may pababa na!" Nilingon ko ang elevator at pababa nga ang number na nakalagay sa taas. Hinintay naming bumaba ang elevator at pareho kaming malakas na napamura nang makita nga namin si Eli na may kasamang babae. Nagtatawanan ang dalawa at nanlaki naman ang mga mata ko nang makilala ko agad ang babae. Gusto ko sanang matawa pero may nahagilap ang mata ko kaya't nabaling doon ang atensyon ko.

Arken Needsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें