Chapter 6

5 2 0
                                    

"Ano? Aalis ka na? Pero may after party pa daw tayo sabi nila Yna." sabi ni Rico.

Nag paalam na kasi ako sa kanya na mauuna na akong umalis sa school. Kaya naman umandar nanaman ang pagka-TH nya na mag eemo lang daw akong mag isa sa bahay imbes na sulitin at i-enjoy ko ang sarili kasama sila.

Nag pasalamat naman ako sa pag-aalala nya pati na si Yna kanina. Pero sinabi kong okay lang ako.

"Hahabol nalang siguro ako. Pero kung hindi man, puntahan nalang kita sa apartment mo." sabi ko at tuluyan na akong umalis ng room.

Nang tuluyan na akong makalabas ng school ay napaisip ako kung san nga ba talaga ako pupunta.

Uuwe na ba talaga ako? Pero ayoko pa. Paniguradong nandun sa bahay sila Tita Millet kasama ang mga pinsan ko na abala sa pag ayos ng bahay para sa pag graduate ko. Kahit naman wala ako dun ay kaya nilang mag celebrate.

'Tama sa park nalang...'

Gusto ko munang mag-isa kaya naman sa park ang sure kong dapat puntahan.

Well, inalis ko nalang sa isip ko na sa park na yun ay kung saan nag yari ang break up namin ni Samantha. Pero di ko na inisip yun. Tutal baka makatulong pa ang lugar na yun kung ano ang dapat kong gawin para matahimik na ang isip ko.

After ng mahabang speech na para sa akin ay panenermon ni Yna ay nakapag desisyon na ako na kausapin si Samantha. Pero hindi ko alam kung pano at mas lalong hindi ko pa mahanap kung bakit ko sya kakausapin. Pero ang sa akin lang ay alam kong 'dapat' ko syang makausap.

Ilang hakbang nalang ay malapit na ako sa malaking puno dito sa park. Kung saan madalas kaming pumunta ni Samantha...

Nung makarating ako sa mismong puno ay nagulat pa ako ng biglang lumakas ang hangin. Kaya naman napa-pikit pa ako para hindi mapuwing.

Pero nang muling pag bukas ko nang mata ay... muli akong pumikit-dilat.

Dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Si...

Si Samantha.

Nasa harapan ko.

You and Me: Against All OddsWhere stories live. Discover now