Chapter 3

5 2 0
                                    

Lumipas na ang ilang araw. Tapos na ang foundation.

Pero hindi pa din mawala sa isip ko lahat ng pinag sasabi ng lintek na four-eyed na yun. Kahit pa na sabihin ko sa isip ko na naiinggit lamang yun dahil girlfriend ko si Samantha ay hindi pa din ako matahimik.

Alam mo yung feeling na kalahati ng pag katao mo ay gustong sumang ayon sa sinabi ng bwisit na yun. Pero yung kalahat ay ayaw, dahil alam mo sa sarili mo na mahal ko si Samantha kaya lahat ng makakapag pasaya sa kanya ay gagawin ko...

Gaya nga ng inaasahan, mas lalong naging busy si Samantha dahil sa pag lakad nya sa proposal nya.

Halos hindi na din kami nakakapag sabay pumasok at umuwe. Minsan nga ay ayaw ko ng pumasok dahil nakakawalang gana. Pero pumasok nanaman sa isip ko yung sinabi ni four-eyed. Kaya mas pinili ko nalang pumasok. At nag babasakaling makita si Samantha kahit sa pag uwe man lang.

Gaya ngayon, nandito ako ngayon sa may main gate ng school para hintayin sya at sabay kaming uuwe.

"Miguel!"

Agad akong napalingon dahil excited na din akong makita ang itsura ng nag mamay-ari ng boses na yun.

"Tara na?" aya ko sa kanya nang makalapit sya. Pero napansin kong hindi nya dala yung bag nya. Kaya alam na this. :(

"Sorry. Pero may emergency meeting kami after class. Kaya mauna ka na."

"Matagal ba yun? Baka naman saglit lang, mahihintay naman kita e."

"Hindi ko lang sure. Pero baka matagalan kami nyan." halata sa itsura nya ang pag-aalala. Importante nga talaga siguro yung meeting na yun.

"Sige, sige. Mauuna na ako. Wag mo na mashadong dibdibin, sige ka baka lumiit yan." tumawa pa ako para pagaanin lamang ang luob nya. At para hindi nya na din isipin pa ang kung ano ano.

At mukhang epektib naman dahil gumaan naman ang mukha nya. At masaya na ako sa ganun.

"Okay, maraming salamat talaga." lumapit sya sa akin at niyakap ako. Gumanti din ako ng yakap. Ayaw ko pa sana syang pakawalan kaso nararamdaman ko ng onte onte na nyang inaalis ang pagkakayakap nya sa akin. Kaya naman napilitan na din ako.

At ayun, there she goes. Tumatakbo palayo sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Patakbo sa mga pangarap nya...

And all I can do is stand here, as I watch her fade a way...

Napailing nalang ako sa sarili kong naiisip. Tss. Kelan pa ako naging dramatic? Tss. Epekto na to ng madalas na pag sama ko kay Rico sa panunuod nya ng mga korean dramas e. Tss.

Tatalikod na sana ako para makalabas ng school, kaso napansin kong papalapit nanaman yung taong ayaw ko ng makita. Dahil agad kumukulo ang dugo ko sa pag mumukha nya. Ano nanaman kaya ang kailangan ng ungas na to.

Si Allen.

"Ikaw ang dahilan." medyo pasigaw nyang sabi.

May kalayuan kasi ang pagitan namin. Well, takot na siguro. Alam nya siguro kung ano ang mag yayari kapag malapit sya sa akin. Nhako, baka kahit ngayon palang ay hindi na ako makapag pigil. Dahil ito nanaman sya, at nababanas na ako sa pagiging maangas nya.

"Ano nanaman ba yang sinasabi mo?" kalma lang Miguel. Sayang at ilang hakbang nalang ay pareho na kaming wala sa school premises, at kapag nag kataon, salamin nya lang ang walang pantal mula sa akin.

"Tss. Alam mo naman kung gano kahalaga sa kanya ang proposal nya diba?" maya maya'y sabi nya.

"Oh, ano naman ang kinalaman ko dun?"

"Para mas mapalakas yung kapit namin, we asks some help from the alumni from this school. Pero kelan lang, may mga rumors na dumating sa kanila. At ang tsismis ay tungkol kay Samantha na nakikitang pumapasok sa dorm ng panlalaki tuwing uwian at nakikitang galing sa bahay ng boyfriend nya bago pumasok."

"A-ano? Sa dorm ni Rico kami kumakain after class, at sa umaga naman pumupunta sya sa bahay para gisingin lang ako."

"Kahit pa na yun ang totoo, ang problema lang naman dito ay ikaw. Ikaw lang ay puno na ng kung ano anong tsismis. Isipin mo nalang, si Samantha Villegas known as the SC president. She who should be the role model of all. Is seeing with the most known deliquents of the campus. What would everybody think?"

Whats inside my head: Urrrrg!!^#*#(!@#$*%(^

Pero wala akong masagot sa bwiset na four-eyed nerd na to. At pag sinaktan ko sya? What good would it get me? Baka lalo lang mapasama si Samantha, at mangyare nga yung sinasabi ng bwisit na to.

Pero teka, edi parang sumasang ayon na din ako sa pinag sasabi nya?

Hindi! No! Hindi!

Mas mabuti ng maingat, kesa maging padalos dalos.

Naisip ko na, na ano man ang gawin ko ay maaring mag refeclt yun kay Samantha. Dahil girlfriend ko sya. At boyfriend nya ako. Kaya Miguel, kalma lang. Kahit pa na ang sarap tirisin ng nerd na to.

"Alam mo ba talaga kung anong klaseng tao yang tinuturing mong girlfriend? At kung ano ka?"

Damn! Nandyan pa din pala sya. Akala ko ay umalis na sya dahil hindi ko na nga sya pinapansin.

Well, kung ayaw nyang umalis, e di ako na. Nakakahiya naman sa kanya.

So, I did. Tuluyan na akong tumalikod. Walang pake kung ano man ang isipin o sabihin pa nya. Ang gusto ko lang ay ang lumayo sa kanya. Dahil alam ko sa sarili kong malapit na ako sa limit ng pag titimpi ko sa kanya.

Baka pag nag tagal pa ako dun ay makakagawa ako ng isang bagay na pag sisisihan ko. At ayaw kong mang-yari yun.

Magulo na ang utak ko. At dahil sa mga sinabi ng Allen na yun ay pakiramdam ko sasabog na talaga to.

Pakiramdam ko nao-over used ko na mashado ang utak ko, witch is madalang mang yare. Dahil kahit sa pag aaral o pag rereview ay hindi ko nagawang istress ng ganito ang utak ko.

Lakas talaga manlason ng nerd na yun.

'Alam mo ba talaga kung anong klaseng tao yang tinuturing mong girlfriend? At kung ano ka?'

Naalala ko nanaman yung sinabi nya. Tss.

****

Kinabukasan, napag desisyunan kong kausapin yung school admin tungkol dun sa sinabi sa akin ng Allen na yun na tsismis samin ni Samantha. Gusto kong linawin yun, para hindi na mahirapan pa si Samantha.

Alam ko sa sarili ko na ang gagawin ko ay malayong malayo sa Miguel na kilala ng lahat.

Pero ano pa nga bang magagawa ko, mahal ko si Samantha. At kung totoo man ang sinasabi ni Allen na pabigat ako sa kanya. Pwes, sisimulan ko ng baguhin ang lahat ng yun.

Mahirap man tanggapin, pero nakapag isip na ako at nakapag desisyon na ako.

Para kay Samantha. Para sa mahal ko.

*****

Ayos na. Tapos ko ng nakausap yung baklang - este yung school admin.

I must say, lume-level up na talaga ang tolerance ko sa mga nakakabanas na tao.

The whole duration kasi ng pag uusap namin ng school admin; scratch that, hindi naman pag uusap ang naganap. Kundi, panenermon.

Oo, dahil sa halos isang oras na pag stay ko kun ay sya halos lang nag salita. At ang malala ay lahat na ata ng nakakababa ng pag katao ay nasabi nya na. Kaya nakakapag taka na naging school admin ang gaya nya.

Pero wala na akong pake pa dun. Basta ang mahalaga ay nalinaw na, at naayos na ang issue sa amin ni Samantha.

Okay na. At dahil sa pag clear ko sa pangalan nya ay okay na ulit ang standing ng proposal nya.

But I guess everything has a price...

******

You and Me: Against All OddsWhere stories live. Discover now