“Bakit? Nandito sa ano --- pauwi pa lang galing school. Bakit?”

Bigla tuloy akong kinabahan at baka kung ano na ang nangyari.

“You need to go home as soon as possible. Mom called me na uuwi na raw sila ngayon. Galit na galit.”

“Ha? Bakit anong nangyari? Biglaan naman yata. Akala ko ba next month pa sila babalik?”

Naguguluhan na ako. May nangyari ba?

“Sevi...” ani Ate na kahit wala pa siyang sinabi parang natatakot na ako.

“Bakit nga, Ate? Tinatakot mo naman ako.”

“Sevi, you don't lie naman 'di ba if I ask you something, right?”

Fuck.

Kahit hindi niya na sabihin parang alam ko na. Pero bakit? Paano nila nalaman?

“Ate, sinong nagsabi kay na Mama?“

Pilit kong pinalalakas ang loob ko kahit parang tatalon na sa sobrang bilis ang puso ko. Ako ang dapat magsasabi sa kanila nang tungkol doon.

Sino naman kaya 'yong pala-desisyon na pinangunahan ako sa sarili kong pamilya? Putangina!

“So, it's true?” pagkukumpirma pa ni Ate Rheone.

Tumango lang ako kahit hindi niya ako nakikita. Maybe she knows that silence means yes.

“Oh God, Sevi! Why did you do that?”

I shrugged my shoulders. “Mahal ko, Ate.”

“With that age?!”

I nodded. “Yes, of course. Is there something wrong?”

I heard her sigh. “Wala naman. Kaya lang---”

Hindi ko na siya hinintay na matapos. Alam ko na ang sasabihin niya. Kaya nga kahit gusto kong sabihin sa buong mundo, hindi ko magawa kasi may mga katulad nilang palaging may sasabihin.

Buong akala ko pa naman maiintindihan niya ako dahil sa mga nangyari last time sa bahay. Hindi rin pala.

“Kaya lang ano, Ate? I thought you'd understand me. Isa ka lang pala sa mga taong huhusgahan ang pagmamahal ko sa isang tao.” Medyo tumaas ang boses ko sa hindi ko mapigilang nararamdaman.

Nakakainis lang kasi. Shit.

“Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, Sevi. Naiintindihan naman kita, kaya lang sina Mama. Baka kung anong gawin nila sa'yo at kay Ate Crisanta.”

My forehead furrowed. “Ha? Bakit anong gagawin daw nila?”

“I don't know. Pero baka sa galit no'n magulat na lang tayo sa kaya niyang gawin. Kaya umuwi ka na bago pa maghalo ang balat sa tinalupan. Go!”

Sa mga sinabi ni Ate Rheone para akong biglang nataranta. Binaba ko na lang ang cellphone ko at hindi na siya sinagot. Pinaharurot ko ang kotse para maabutan pa silang lahat na buhay.

Kapag may nangyari lang talaga sa mag-iina ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa nagsabi sa mga magulang ko. Kung sino 'man siya, magtago na siya ngayon pa lang.

Bwisit.

Pagpasok sa village namin, para na akong sinisilihan sa takot at init ng aking katawan. Hindi ko na rin malaman kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan ako, natatakot at naiinis.

Tangina lang kasi. Kung gusto niya ng gulo bakit hindi niya sabihin sa akin ng harapan na gagawin niyo 'to. Hindi ko talaga mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Tita Crisanta at sa kambal.

✔ || Hot Mom Where stories live. Discover now