Wakas

59 5 4
                                    

Wakas
Eliana




"Ihanda mo na ang iyong sarili at tayo'y nasa San Ignacio na" bulong sa'kin ni Manang Lita habang kasalukuyan kaming nakasakay sa kalesa patungo sa mansyon ng Villaflores.

Halos anim na buwan na rin ang nakalipas nang aking mabasa ang liham ni Binibining Miranda. Hindi ko maiwasang malungkot para sa kaniyang kalagayan kahit pa may nagawa siya sa'king buhay ay mas nangibabaw ang aking pag-aalala para sa kaniya.


Napahinga ako nang malalim nang makadaong kami sa tapat ng tarangkahan ng mansyon. Kapansin-pansin ang pagbabago ng postura ng kanilang mansyon wari'y unti-unting nababawasan ang kulay noya. Agad kaming niyakap nang mahigpit ni Manang Linda nang kami'y makapasok sa loob.

Napansin ko na halos mangangayat si Manang Linda at hindi makatingin nang diretso sa akin si Rosa. Wala sa loob ng mansiyon sina Don Alonzo at Donya Flora dahil sa mayroon silang mahalagang nilakad.

Napatingin ako sa buong loob ng mansyon, walang pinagbago ang ayos ng mga kagamitan doon subalit kapansin-pansin na kumpara dati ay paunti nang paunti ang mga kagamitan sa loob.

Hindi ko maiwasang hindi mangulila. Pinagmamasdan ko pa lamang ang kanilang mansyon ay kapansin-pansin na ang pinagbago nito.

Pinahid ko ang nagbabadya kong luha at ngumiti nang matamis. Kahit papaano'y unti-unti ko nang nabaon sa limot ang aking nakaraan.

Gumaan ang aking loob nang mabigyang hustisya ni Kuya Lazaro ang nagawang pagdakip at pagpaslang kay Marcelo. Kahit ako'y magtanim ng galit kay Binibining Miranda ay hindi ko magawa dahil batid kong walang magagawa ang namumuong galit sa aking puso.

Kung patuloy akong magtatanim ng galit ay wala itong mababago, hindi nito magagawang ibalik ang buhay ni Marcelo at hindi nito kayang hilumin ang sakit na aking pinagdaanan.

Agad akong nagpaalam sa kanila na ako'y papanhik sa ikalawang palapag upang aking kumustahin ang kalagayan ni Binibinig Miranda. Nasa tapat pa lamang ako ng kaniyang silid nang katukin ako ng kaba, akin ding naamoy ang mga halamang gamot na maaaring makatulong sa kaniyang kalagayan.

Napahinga ako nang malalim bago ako tuluyang pamanhik sa loob ng kaniyang silid. Halos tumulo ang aking luha nang aking makita ang kalagayan ni Binibining Miranda. Nakaratay siya sa kaniyang katre at payapang natutulog.

Ang dating mapupungay niyang mga mata ay napalitan ng malamlam na postura. Ang dating kaaya-aya niyang katawan ay halos butot-balat na lamang ang nanariwa.

Napalitan nang kulay kayumanggi ang mapuputi at makikinis  niyang balat . Dahan-dahan akong umupo sa silyang katabi sa kaniyang katre. Nagkalat ang mga halamang gamot sa lapag pati na rin ang mga papel. Hindi pa rin nawawala ang sigla ng kaniyang silid bagkus nakasabit pa rin doon ang kaniyang ginawang mga burda.

Pinahid ko ang aking luha at dahan-dahang hinaplos ang kaniyang ulo. Payapa na natutulog siya ngunit bakas ang lumbay sa kaniyang mga mata. Sandali ko siyang pinagmasdan kahit halos lubog na at namumuti na ang kaniyang pisngi at labi ay bakas pa rin ang kagandahan  niya.

Noong una'y tinamaan siya ng pambihirang sakit sa pag-iisip, lumalala ang kalagayan niya nang hindi ito umiinom ng kaniyang gamot. At dumating sa punto na mas lumalala ang kaniyang kalagayan dahilan upang saktan niya ang kaniyang sarili ng paulit-ulit.

Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now