Kabanata 8

30 6 1
                                    

Kabanata 8



"Mayroon tayong problema Binibini, sa tingin ko'y nakulong tayong dalawa rito sa loob ng opisina ng aking ama,"

Halos mapabagsak ang aking balikat dahil sa kaniyang sinambit. Nababahala akong nakatingin sa kaniya habang punong-puno ako ng alinlangan. Hindi maaaring makulong kaming dalawa rito ni Ginoong Samuel.

Walang salitang humakbang ako patungo sa pinto at sinubukan din itong buksan. Ngunit halos mapabagsak ulit ang aking balikat nang hindi iyon mabuksan.

"Marahil ang akala nila ay walang tao rito sa loob kung kaya't sinarado nila ito," rinig kong wika ni Ginoong Samuel sa aking likuran.

Napaharap ako sa kaniya at mabibigat na hakbang ang ginawa ko. "Ginoong Samuel, hindi tayo dapat na makulong ditong dalawa, nangangamba ako sa anumang sabihin nila." nag-aalinlangan kong saad at dahang-dahang napaupo sa silya.

Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang dalawang sulok ng aking mga mata. Tila ngayon pa lang ay nakikita ko na ang maaaring sabihin ng nakararami sa'kin sa oras na nadatnan nila kaming dalawa rito. At isa pa natatakot akong magkaroon kami ng hidwaan ni Binibining Miranda dahil alam kong may pagtingin siya kay Ginoong Samuel.

"Huwag kang mawalan  ng pag-asa Binibini, may alam akong maaari nating labasan." wika niyang muli dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. Nagtama ulit ang mga mata at ngumiti siya sa'kin na para bang pinapahiwatig niya na wala akong dapat ipangamba.

Umiwas siya ng tingin sa'kin at binuksan ang bintana katapat ng lamesa ng opisina ng kaniyang ama. Tumambad sa'min ang kabilugan ng buwan at ang manaka-nakang simoy ng hangin.

"Maaari tayong dumaan dito." saad niya habang nakatingin sa ibaba bago siya muling tumingin sa'kin.

"Ito ang nakikita kong paraan Binibining Eliana, ako na ang mauunang bababa at hahanap ako ng hagdan upang makababa ka." paliwanag niya at napabalik ang tingin niya sa ibaba na parang pinag-iisipan niya kung ano ang kaniyang gagawin.

Napatango ako at naglakad din patungo sa bintana at sumilip doon. May kataasan din ito at ang babagsakan ay damuhan.

"Sigurado ho ba kayong kaya niyong makababa mula rito sa taas." nagtataka kong saad habang nakatingin sa baba.


Naramdaman kong bumaling siya ng tingin sa'kin. "Kung hindi ako sigurado Binibini hindi tayo makakaalis dito." wika niya habang nakatingin sa'kin. Napatango na lamang ako at piniling hindi tumingin sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin bago muling magsalita. "Kailangan mo lang magtiwala sa'kin Binibini, at kapag nagtiwala ka makakaalis tayo rito nang ligtas." patuloy niya habang nakatingin sa kabilugan ng buwan.

Sa pagkakataon na iyon ay hindi ko alam kung bakit napatingin na lamang ako sa kaniya. Ang kaniyang mga sinasabi ay tumatagos sa'king puso, punong-puno siya ng pag-asa habang ako nawawalan.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang magsalita siya ulit. "Susubukan ko ng tumalon Binibini, pagkababa ko'y hintayin mo ang aking pagbabalik." paliwanag niya ulit at tumingin at ngumiti sa'kin. Napangiti ako nang tipid bago napatango.

Umiwas na siya ng tingin at inihanda ang kaniyang sarili sa pagtalon. Halos mapakagat ako sa aking labi nang agad na rin siyang tumalon pababa. Napatalon ako sa kaba dahil sa kaniyang ginawa, dumungaw ako sa ibaba ng bintana at nakita ko siyang dahang-dahang tumayo.

Tumingin siya sa'kin at binigyan ako ng ngiti na para bang sinasabi niya na ayos lang siya. Sinenyas niya ang kamay niya na maghintay ako at napatango naman ako sa kaniya bago siya mabilis na umalis.


Liham ng Pamamaalam (Pahayagan Serye-Uno)Where stories live. Discover now